Chapter 19

215 15 7
                                    

    I was so excited when I saw the mansion's gate. Somehow natabunan niyon ang sakit na naramdaman ko kanina nang makita ko si Stu. I keep reminding myself na hindi worth it si Stu na iyakan. Oo, may pinagsamahan kami pero after what I've been through, I should teach myself how to be numb. Si Alex na lang dapat ang bibigyan ko ng atensyon. Siya na lang ang mayroon sa akin.
   
    Gabi na nang makarating kami sa mansyon dahil malayo ang institution na pinagdalhan sa akin ni Mommy Angela. Sinigurado niya talagang magtatanda ako at hindi na siya ulit sasawayin.
   
    Nang iparada na ni Mang Lito ang sasakyan sa harap ng bahay ay agad akong bumaba. Hindi na ako nag-abala pa na kunin ang mga gamit ko. Bahala na ang mga katulong doon. Ang importante sa akin ay makita si Alex. Sobrang miss na miss ko na siya. Dali-dali akong pumasok sa mansyon nina Mommy Angela at Stu. Hindi ko na rin pinansin ang mga katulong na naabutan ko sa sala. Binati nila ako pero hindi ako sumagot. I hurriedly climbed the stairs and went to Alex's room. 
   
    Ilang beses akong huminga nang malalim bago hinawakan ang seradura. Dahan-dahan kong pinihit iyon at itinulak hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto. Iniisip ko kasi na baka tulog si Alex. Ayokong madisturbo ang tulog niya. Masyado na rin kasing malalim ang gabi. I looked at the wall clock on top of the couch. It's already 9 PM.
    
    I entered the room quietly. Napangiti ako. Parang gustong sumabog ang puso ko sa saya. There is my cute little angel. She is sleeping peacefully in her crib. Inilibot ang aking mga mata.
    
    Malaki na ang pinagbago ng kwarto ni Alex. Wala na doon ang kama na dati kong hinihigaan. Napalitan na ito ng playmat at may baby gate na nakapalibot dito, mayroon ding sari-saring laruan.
    
    Napahikbi ako habang papalapit sa crib niya. I unhook the lock of her crib para mababa ko ang kanang side nito. I kneel beside it and slowly reach out for her cute little hands. My eyes are already blurry with tears and it makes my heart ache for more when she holds my pointing finger and squeezes it.
    
    I miss you so much, Alex. I will do everything just to make sure na hindi na nila ako mailalayo sa'yo. Even if it means I have to be a puppet for Angela.
   
    Hindi ko na siya matatawag na Mommy dahil sa ginawa niya sa akin. She is a devil and I loathe her a lot. But I'm willing to make some sacrifices for the sake of my daughter.
    
    Ganoon pala talaga kapag nanay ka na, you will always think about your child's well-being first. Mas iniisip mo ang kapakanan niya kaysa sa sarili mo. Hindi na baleng masaktan ka ng paulit-ulit, basta ang mahalaga ay safe at nasa mabuting kalagayan ang anak mo.
    
    Nakapalumbaba akong nakamasid sa anak ko habang hawak-hawak niya ang hintuturo ko.
    
    But I promise you, anak aalis tayo dito. I can't let you stay around these horrible people.
    
    Biglang umingit si Alex na parang magigising kaya bahagya kong tinapik ang pwet niya para ihele siya ulit sa pagtulog. I hum her a song. This is what I always do when I lull her to sleep.
    
    She slowly opens her eyes and looks at me.
    
    "Hi, Baby. Do you recognize me?" malamyos na tanong ko sa kanya. My eyes are now blurry again with tears. I bit my lower lips as I wait for her reaction.
    
    Ganoon na lang ang tuwa ko when she smiles at me and sweetly  coos. Kumakawag pa ang mga kamay nito at paa na para bang tuwang-tuwa na makita ako. Pilit pa nitong inaabot ang pisngi ko. Tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha ko.
   
    She still knows me!
   
    My heart is so full. I can't even breathe properly. Walang pagsidlan ang tuwa sa puso ko nang makita ko ang reaskyon ng anak ko. Kaagad ko siyang binuhat at pinaghalik-halikan sa pisngi. Tumawa si Alex na para bang nakikiliti sa mga halik ko kaya napatawa na rin ako.
   
    "Ang laki-laki at bigat-bigat mo na. Ang takaw mo na siguro, ano? Ano ba naman 'to lagi na lang naiiyak si Mommy. Miss na miss na kasi kita," umiiyak na nangingiting sambit ko sa kanya.
    
    Alex holds my face with her two hands while continuously creating the baby sounds na para bang kino-console niya ako. It's like she's saying she's happy to see me again.
    
    I'm so happy to see her reaction. Tinuyo ko ang mga luha ko gamit ang kanang palad ko at pagkatapos ay pinanggigilan kong halikan ang namumutok niyang pisngi.  Tila tuwang-tuwa rin ito sa ginawa ko dahil humagikik ito nang malakas.
   
    Ganoon na lang ang lakas ng tawa ko nang gayahin ni Alex ang ginagawa ko sa kanya. Pinugpog niya rin ako ng halik at dahil sa bata pa napuno ng laway ang mukha ko. Imbes na mandiri ay mas lalo pa akong napahagikik sa ginawa niya.
   
    "Ano ba 'yan, Alex napuno na ng laway mo ang mukha ni Mommy pero okay lang kasi lablab ni Mommy ang baby na 'yan, eh. Miss na miss mo si Mommy, ano? Lablab ni Mommy 'yan eh."
   
    Natigil lang ang tawanan namin nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang 'di pamilyar na babae. Mukhang nasa mga 18 years old lang ito. Nakasuot ito ng isang maid uniform dress na kulay black at may puting apron na nakasabit sa bewang nito. Ang pangpaa nito ay isang black doll shoes na halatang mumurahin.
   
    "Hello po, Ma'am," aniyang bahagyang yumukod. "Ako po si Celine, yaya po ni Alex. Pasensya na po at nadisturbo ko po yata ang paglalaro niyo ni Baby Alex. Akala ko po kasi kung sino ang nasa kwarto niya," she stated, looking at me apologetically.
   
    "Okay lang, thanks for checking out." Ngumiti ako sa kanya. "Kilala mo ako?" nagtataka kong tanong ko sa kanya. Umupo ako sa sahig at pinaupo si Alex sa kandungan ko.
   
    "Ay opo, Ma'am sinabihan po kasi kami ni Ma'am Angela na dadating daw po kayo ngayon tapos nakita ko rin po ang picture ninyo kasama si Baby na nakalagay sa may baby dresser. Ang ganda niyo po pala sa personal," anitong ilang beses kumurap.
   
    Napangiti ulit  ako sa kanya. "Salamat sa pag-aalaga mo kay Alex habang wala ako rito." Sinilip ko si Alex na busy na sa paglalaro  ng mga kamay nito. Tiningnan ko siya ulit. "Sige, Celine matulog ka na at ako na ang bahala rito."
   
    "Nako, walang anuman po. 'Di naman po mahirap alagaan si Baby Alex. Napakabait po niyang baby. Sige po, Ma'am matutulog na po ako. If may kailangan po kayo sabihan niyo lang po ako. Nasa maid's quarter lang po ako." Akmang aalis lalabas na ito ng pintuan nang bigla itong matigilan. "Ay hello po, Sir."
    
    Napatingin ako sa direksyon nang tinitingnan ni Celine. And there he is, looking oh so regal.
   
    Ipinilig ko ang aking ulo.
   
    Diyos ko naman nasaktan na nga ako at lahat, still here I am, admiring how gorgeous he is. Napakarupok mo talaga, Shin!
   
    "Sige po, Ma'am, Sir alis na po ako. Good night po sa inyo."
   
    I nod and smile at her before she excuses herself.
   
    Pumasok naman si Stu sa loob ng silid at sinirado ang pinto pagkalabas ni Celine.
   
    "So, you're here," anitong naglakad patungo sa akin at naupo rin sa carpeted na sahig kaharap ko.
   
    As soon as Alex sees her father, nagsimula ulit itong kumawag-kawag. Looks like she wants to go to her father. I put her on the carpet and she crawled her way to her father. Agad naman siyang kinarga ni Stu at hinalikan sa pisngi bago pinaupo sa hita niya.
   
    "Well, you're looking at me so malamang," pilosopo kong sagot sa kanya.
   
    Napailing ito sa sagot ko.
   
    I still couldn't forget what I saw at Havens. It pisses me off big time. Ang lakas ng loob niyang magpakilala sa isang babae.
   
    Pero di naman niya alam na mag-asawa kayo.
   
    And that thought was what hit me.
   
    Oo nga pala. Wala siyang alam tungkol sa amin.
   
    "I hope you're feeling better now. Actually, I want you to get better, para kay Alex. She needs her mother," aniya sa seryosong boses but I notice, the hostility is gone.
   
    Hmmn... that's odd. Ano'ng ibig sabihin na naman nito?
   
    "I am and no one will ever keep us apart from now on." Umingos ako sa kanya. "By the way, can I have my bed here again? I want to sleep where Alex is just like before."
   
    "Okay, I'll arrange that tomorrow but for now you can stay in your old room. Ako na magpapatulog kay Alex, no buts and ifs. You need to rest. For sure pagod ka sa biyahe," agad niyang sansala nang makitang magrereklamo sana ako.
   
    Napabuntong-hininga na lang ako. There's no use of arguing. I have to make sure na wala silang masabi sa akin or else baka ipatapon nila ulit ako sa mental at malalayo ulit ako sa anak ko. No, that will never happen again.
   
    I DID everything to be on their good side. Naging sunod-sunuran ako. Pero kapag hindi talaga bukal sa loob ang ginagawa mo aalpas at aalpas din talaga ang galit mo lalo na at ilang buwan mo na rin iyong kinikimkim.
   
    Mommy wants me to sign the papers transferring all the businesses and properties I inherited from my parents to my daughter. Wala naman sanang kaso iyon kung hindi ko lang narinig ang usapan nila ng abogado namin.
   
    How dare he? Pinagkatiwalaan siya ng parents ko tapos tatraydurin niya ako. How can he let Angela manipulate him? I was so devastated.
   
    I learned that what Angela told me was just a front. Apparently, if I'm going to sign the papers, Angela will have complete power over my inheritance kasi menor de edad pa si Alex. Alex can only take over if she's at the right age. However, I have a bad feeling about her wanting to have full authority.
   
    At 'di nga ako nagkakamali.
   
    "Thanks, Mommy but I don't think we have to go to that extent," I told her nang sabihin niya ang tungkol sa paglilipat ng ari-arian ko kay Alex. "I mean I can transfer everything to Alex pero I don't want to burden you po with more responsibilities. Kaya ako na po ang mamamahala muna sa mga business ng parents ko."
   
    "Oh, so now you think your high and mighty dahil gusto mo ikaw na ang mamahala ng mga business niyo?" sarkatikong sambit nito.
   
    "Hindi naman po sa ganoon, Mommy kaso alam ko po na ang dami niyo  na pong inaasikaso—"
   
    "Ang sabihin mo nagmamagaling ka na! I know you're planning something and you think you'll be successful?!" agad nitong bulyaw sa akin.
   
    "No, Mommy," mariin kong tanggi sa kanya. "I already learned my lesson. I will not do anything to disappoint you," kaila ko ulit sa kanya. She will never know dahil wala akong pinagsabihan. I know what she's capable of and 'di ko na idadamay si Mama Rosing.
   
    "Do you... really? Well, I'm sorry to break it to you, Shin. You have disappointed me big time! Pray that I will not learn about it or else you'll be sorry!" nanlilisik ang mga matang bulyaw niya sa akin.
   
    I thought simpleng galit lang iyon but no, she went ballistic.
   
    Pinagtatapon niya lahat ng gamit kaya bago pa niya mabaliktad ang sitwasyon agad na akong umalis na walang paalam.
   
    Dali-dali akong nagtungo sa kwarto namin ni Alex. Gaya ng sabi ni Stu, pinagbigyan niya ako sa kahilingan ko na lagyan uli ng kama ang kwarto ni Alex para doon na rin ako matulog.
   
    Wala si Alex sa kwarto kaya napagpasyahan kong pumunta sa hardin baka kasi nandoon sila ni Celine. Pero bago ako makalabas ng kwarto ay bigla na lang akong sinalubong ng sampal ni Stu.
   
    Gulat na gulat akong napahawak sa namamanhid ko ng kaliwang pisngi.
   
    Anong problema ng taong 'to?!
   
    Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Hindi ako makapagsalita. I was so shocked that I didn't know what to say.
   
    "Ano naman to, Shin?! Akala ko ba okay ka na?! Ano na namang kabaliwan ang pumasok sa isip mo at sinaktan mo si Mommy?!"
   
    Napapailing na napapangiti na lang ako. Not that I'm happy but because I'm pissed off. I am really pissed off. Sabi ko na nga ba, babaliktarin niya ulit ang sitwasyon. Loka-loka talaga ang nanay nito. I bit my inner cheek.
   
    "At ngumingiti ka pa talaga? Iniinom mo ba ang mga gamot mo?!"
   
    I didn't answer him kasi kahit naman sagutin ko siya paniniwalaan niya pa rin ang sasabihin ng nanay niya. So, why should I bother myself? 'Di ko siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hinaplos-haplos ko ang nasaktan kong pisngi. Akala ko nakalayo na ako sa kanya. Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang kapit sa braso ko. Hinablot niya ito at isinalya ang likod ko sa pader.
   
    Ramdam ko ang lakas ng impact niyon sa likod ko. Bahagya akong napaigik at napapikit. Hinawakan niya nang mahigpit ang magkabila kong balikat. I tried to free myself from his grip pero sa tuwing gagawin ko iyon mas hinihigpitan pa niya ang pagkakahawak niya.
   
    "Don't you dare turn your back to me!" nanggagalaiting sambit niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko kay napatingin ako sa kanya. "Pray that I will never learn that you hurt my mother again. Malaman ko lang na sinaktan mo ulit ang Mommy ko, hindi lang sampal ang aabutin mo. Stop this nonsense instantly, Shin kung ayaw mong ako mismo ang maglalayo kay Alex mula sa'yo!" aniyang pinisil ang baba ko.
   
    Napaigik ulit ako. Matalim kong tinitigan si Stu.
   
    Fvck them! Hayan na naman ang panakot nila!
   
    Napakagat-labi ako. Pigil na pigil ko ang sarili kong hindi humulagpos ang galit na kanina ko pa kinikimkim. Ayokong pagsisihan ang consequences ng galit ko kapag 'di ko ito na-control. I bit my lips harder as if it would help me control my anger. I can already taste my blood.
   
    "Ano?! Bakit 'di ka magsalita?!"
   
    "You won't believe me anyway so, why should I bother?!" mariing bulyaw ko sa kanya. "Pinagbuhatan mo na ako ng kamay, 'di ba?! Ano'ng gagawin mo sa susunod?! To tell you honestly, I can't believe this! Ni hindi mo kinuha ang panig ko! Pinaniwalaan mo agad ang sumbong sa'yo ng nanay mo! And here I am, I thought you had better judgment, but I guess not. Now, bitawan mo ako dahil hindi ako mangingiming tumawag ng pulis--"
   
    "Pulis? At ikaw pa talaga may ganang tumawag noon after what you've done to me? "
   
    Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. I saw Angela at may benda ang kanang kamay niya.
   
    How the hell did it happen? Takang-taka ako. Ano na naman ba ang ginawa niya sa sarili niya?
   
    "Bakit gulat na gulat ka? Hindi mo na ba natatandaan na hinampas mo ako ng bote at nasalag ko ito? And this is the result, Shin." Ipinakita nito sa akin ang kanang kamay na nakabenda na at may kaunting mantsa pa ito ng dugo.
   
    And I know exactly what she means by doing that. It's another way of saying that the police can't help me.
   
    She is really evil. The tricks this woman can do is unbelievable. I'm helpless for now, but not hopeless.
   
    "You win, Mommy," I sighed in defeat. Kailangan kong makabuo ng solidong plano para makaalis sa pamamahay na ito kasama ang anak ko.
   
    Ang mali ko lang I underestimated my mother-in-law. She is planning way more evil, and now I don't have a choice but to run away and leave my child alone...
   
 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now