Chapter 53

26 0 0
                                    

   

  I was busy preparing for Alexandra's merienda nang dumating si Stuart galing sa trabaho.

  "I'm home!" nakangiti nitong bati sa akin sabay halik sa labi ko. Ipinatong niya ang kanyang brief case sa itaas ng counter.

  Akala ko smack lang ang gagawin niya pero hindi pala. Iniyakap niya ang mga braso sa bewang ko at ipinagdikit nang maigi ang mga katawan namin. Napapikit na lang ako sa napakasarap na sensasyon na nararamdaman ko.

  Nakakawala ng katinuan ang mga halik niya. Nagsisimula na ring maglikot ang mga kamay ni Stuart. Nagsimula na itong pumisil sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko.

  Unti-unti na akong nadadarang sa mga ginagawa niya. Kaya naman ikinawit ko ang aking braso sa kanyang leeg para mas madiin pa nang husto ang sarili ko sa kanya.

  Nararamdaman ko na rin ang pagkabuhay ng pagkalalaki ni Stuart. Bumaba ang mga labi niya at pinaglakbay ang mga halik niya sa leeg ko.

  "Buhay na si General, Shin," anito sa nang-aakit na tinig.  Bahagya pa nitong kinagat ang aking tenga na nagdulot ng libo-libong boltahe sa katawan ko.

  Natutukso tuloy ako na pagapangin ang kamay ko sa general ni Stuart.

  My God! Ang landi mo talaga, Shin!

  Napakagat ako nang labi.

  "Mommy..."

  Agad kong naitulak si Stuart nang marining ang tinig ni Alex.

  Ganoon na lang din ang panlalaki ng mata ni Stuart nang makita si Alexandra na nakaupo sa counter at titig na titig sa kanila.

  "Kanina ka pa diyan, Sweetie?" nagtatakang tanong ni Stuart.

  "Yes, Daddy. I'm waiting for Mom to finish cooking so that I can eat na. My tummy is growling," sagot nito sabay himas sa tiyan.

  "Sorry, Baby. Mommy's done. I'll get you your lasagna," sabi ko nang tamang-tama eh tumunog na ang oven.

  I took the potholder and took the lasagna out of the oven. I took a slice and gave it to Alexandra.

  "Ba't 'di mo sinabi na andyan pala si Alex?" bulong ni Stuart sa akin na yumakap mula sa likod ko. I can feel his hard member down there na sinusundot-sundot niya pa sa pang-upo ko.

  "Paano ko naman masasabi sa'yo, eh nanununggab ka agad?" mahina kong pangangatwiran sa kanya.

  "Pinaasa mo si General, Shin. Mahal 'to maningil sinasabi ko sa'yo may tubo na."

  "Bakit 'di pa ba tumutubo?" pilya kong tanong.

  Napakagat-labi tuloy siya which made him look so damn irresistible.
 
"Tubong-tubo na," anitong sinundot ulit ang p@gkalalaki niya sa pang-upo ko at kumindat pa sa akin. And true to his words, mukhang tumutubo na nga at nagagalit na. Napahagikik ako.

  "Dad?" tawag ng anak ko sa kanya.

  "Yes, Sweetie?"

  "What does Mommy's lips taste like? Mommy doesn't give you food?" inosente nitong tanong na namimilog pa ang mga mata. Halatang curious na curious.

  Napanganga ako sa tanong ng anak ko. Pati si Stuart 'di makasagot sa tanong ng anak niya.

  "Why did you ask, Anak?" I asked.

  "Daddy was eating your lips, Mommy like he is very hungry. Didn't Mommy feed you, Daddy? That's why you're eating her lips instead?" Nanlaki ang mga mga nito na para bang may na-realize na kung ano. "Don't eat Mommy, Daddy. I will be sad. I will have no Mommy anymore if you'll eat her," anitong na namumuo na ang luha sa mata.

How Can I Make You Love Me?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora