Chapter 45

20 0 0
                                    

   
  Nasa sasakyan na kami pauwi ng bahay. Pareho kaming tahimik ni Stu. Simula noong umalis kami sa bahay ni Jake ay hindi na siya nagsasalita. Nananatiling pinid ang mga labi niya at nakakunot-noo. Hindi na rin siya nangungulit. Though binubuksan niya pa rin ako ng pinto o hinahawakan sa siko kapag naglalakad kami pero hanggang doon na lang 'yon. Hindi na siya umiimik. He's not even trying to create a conversation.
 

  Sumusuko na ba siya? Ang dali naman yata. Not that I care. Bahala siya sa buhay niya.
 

  "Mommy, Daddy, are you fighting each other po?" tanong ni Alex na siyang bumasag ng katahimikan namin.
 

  Sabay kaming nagkatinginan ni Stu. Tiningnan niya si Alex sa rearview mirror habang ako naman ay lumingon sa likod. Nasa backseat si Alex at ako naman ay nasa shotgun seat katabi ni Stu. Malungkot ang mga matang nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin. Binigyan ko siya nang matamis na ngiti.
 

  "Ba't mo naman naisip 'yan, Baby Girl?" malumanay kong usisa sa kanya.
 

  "Kasi po, Mommy, you're not talking to each other na po. Tapos Daddy has a scary look. Look, Mommy, oh!" Tinuro pa nito ang rearview mirror kung saan nakikita niya ang repleksyon ng ama. Kaya napatingin na rin ako.
 

  Gaya ng sabi ni Alex nakakunot nga ang noo nito pero agad iyong nawala nang marinig ang sinabi ni Alex. Umaliwalas ang mukha nito.
 

  "No, Alex," agad na tanggi ni Stu. He smiled at our daughter. "Mommy and I are on good terms. May naiisip lang si Daddy. I'm sorry if it gives you the wrong impression."
 

  "Whew!" Exaggerated na hinawi ni Alex ang imaginary sweat sa noo niya gamit ang likod ng kamay niya. "Akala ko po kasi war kayo ni Mommy. 'Wag po kayong mag-away ni Mommy, Daddy pwease? I want Mommy beside me all the time po. I want a Mommy and a Daddy. Sana po hindi na kayo ulit magkahiwalay. "
 

  I bit my inner cheeks. Namasa ang mga mata ko. Something inside felt warm when I heard what my daughter said. Kahit hindi niya ako nakasama nang matagal habang lumalaki siya ay lumaki pa rin siyang maayos na bata. At her young age, she accepted me. A tear fell from my eye. Agad ko iyong pinunasan gamit ang mga daliri ko.
 

  Inabot ko ang ulo niya at marahang hinaplos ang kanyang buhok maalon-alon na maitim na buhok. Minana niya iyon sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kanya. "Baby Girl, whatever happens, Mommy I'll always be here for you. Hinding-hindi kita iiwan. I love you so much," sambit ko sa kanya saka marahang pinisil ang mula-mulang pisngi niya.
 

  My daughter's face beamed in happiness. Itinaas pa nito ang mga kamay. "Yey! I love you too, Mommy! And I love Daddy too!"
 

  "We love you too, Alex," sagot naman ni Stu. Sinusulyapan niya pa rin kami mula sa rearview mirror
 

  Mas lumawak ang ngiti sa labi ng aming anak. Umayos na ito ng upo at isinandal ang likod sa sandalan ng upuan. Nginitian ko ulit siya bago umayos na rin ng upo. Inabot ni Stu ang kamay kaliwang kamay ko. Hahablutin ko sana ito pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak. Tiningnan ko siya nang matalim pero balewala lang ito sa kanya. Ni hindi niya rin ako tiningnan. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa daan. Ang isang libre niya kamay ay nakahawak sa manibela. Nilingon ko si Alex. Nakatingin lang siya sa amin ni Stuart na may malaking ngiti pa rin sa mga labi. So, I smiled at her too. Hinayaan ko na lang na hawakan ni Stu ang kamay ko.
 

  I heaved a sigh. Tiningnan ko ulit si Stu pero 'di niya pa rin akong sinusuklian ng sulyap. Inirapan ko siya. Parang nang-iinis pa na tumawa ito nang mahina. I rolled my eyes. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay. Then after a few minutes, he started to hum a song—a familiar one. The one we sang at Havens.
 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now