Chapter 50

29 0 0
                                    

   

  "'Di na ako magtataka kung bigla na lang matunaw si Stuart sa kakatitig mo sa kanya."

  Agad akong napalingon kay Jake. Dinalaw niya ako sa bahay ni Stu kung saan kami nakatira. Hindi ko masabi na bahay namin dahil para iyong tinik na bumabara sa lalamunan ko.

  Ilang linggo na rin ang nakakaraan mula noong sinupresa niya ako sa pagdating ni Mama Rosing at Risha. At hindi ko alam kung ano ang mayroon dahil simula noon ay lagi na akong binibisita ni Jake at parang wala lang rin iyon kay Stu. Feeling ko pa nga friends na sila dahil minsan ay nakikita ko silang magkausap. Mukha namang hindi sila nag-aaway dahil parehong kalmado naman ang mga mukha nila.

  Noong minsan na tinanong ko si Jake kung okay na ba sila ni Stuart ay ngumiti lang siya at nag-change topic. So, I really don't know what's up with them. Hindi ko na rin kinulit si Jake baka tuksuhin niya pa ako. Wala rin akong balak magkaroon ng conversation kay Stu maliban na lang kung pag-uusapan namin ang tungkol sa anak namin.

  Ang nakapagtataka rin kay Stu ay halos siya na ang gumagawa halos ang nag-aasikaso sa amin ni Alex. Siya palagi ang nakikita kong nagluluto ng pagkain namin. Hindi siya marunong magluto kaya noong una akala ko si Lilly ang nagluto ng pagkain namin until I saw him cutting the veggies. Ang mga mata niya ay nakatutok sa screen ng cellphone niya. Nanonood siya ng tutorial paano ang tamang paghiwa at pagluto. And in fairness, ang sarap ng luto niya. Para ngang hindi gawa ng baguhan lang sa kusina. 'Di katulad noong nag-try siyang tulungan ako sa pagluto sa condo ni Jake na hindi man lang binalatan ang mga gulay.

  Napangiti ako noong naalala ko iyon pero agad ko ring winala ang ngiti na iyon nang makita ko si Jake na nakatingin pa rin pala sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay at may naglalarong ngiti ang mga labi.

  I rolled my eyes.

  "Ano'ng pinagsasabi mo?" kunwari'y patay-mali kong tanong sa kanya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at sinilip ang dino-drawing ni Alex. Nakasalampak siya sa sahig habang nagdo-drawing sa ibabaw ng center table.

  "Do you know why they always say, 'the eyes are the window to the soul?' Because even if you lie to people about what you really feel, your eyes will always show otherwise. Kahit ilang beses mong itanggi, Shin. Your eyes will always give you away. What's holding you back?"

  "I don't know what you are saying, Jake," pagmamatigas ko pa rin.

  "Ang mga babae talaga, ano? Kahit huling-huli na nagkakaila pa rin." Mahinang tumawa si Jake. Isinandal niya ang kanyang likod sa sofa at nagkibit-balikat na tumingin sa akin.

  Tinaasan ko siya ng kilay.

  "See, what if sa sobrang pagiging reserve mo sa sarili ay mapagod si Stuart?"

  "Bakit ba parang kampi ka na kay Stu ngayon? Friends na ba kayo?" Humarap ako kay Jake at dinuro siya. "Magsabi ka ng totoo. Akala mo hindi ko napapansin na laging kang naririto tapos si Stu hindi ka na inaaway."
 

  Jake chuckled. "Let's just say na lang na he matured. He really wants to win you over. And I can see that you are still in love with him. So, what's holding you back? Hindi ba't gusto mong sumaya? Don't you think this is already one of the signs that you will finally be happy?"

  "I don't know, Jake. Honestly, I'm too afraid to take another risk. Feeling ko pagod na akong masaktan."

  "Shin," marahan niyang tawag sa pangalan ko. I can see the sadness in his eyes eventhough there's a smile on his lips. "Hindi kailanman nawawala ang sakit habang nabubuhay ang isang tao. Life is not all rainbows and butterflies. Kahit ano ang gagawin natin, no matter how care we are, may panahon pa rin na masasaktan tayo. And that's okay because that's part of life. It's just how to you face them and learn from it."

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now