Chapter 31

312 16 2
                                    

   

 

  "Hindi ko alam ang address dito, Jake." I sighed. "Ang rupok ko talaga. Pakiuntog nga ako at baka sakaling magising ako sa kahibangan ko." Napakamot ako sa ulo ko. I'm very desperate.
 

  Ganito nga talaga yata kapag nagmahal ka, nagiging tanga.
 

  Napatawa ito sa sinabi ko. "Paano kita uuntugin kung 'di mo naman maibigay sa akin ang address? Bibigwasan ko pa iyong si Stuart para sa'yo," maangas agad nitong sabi pero alam kong nagbibiro lang siya.
 

  "Siraulo," komento ko na lang sa kanya dahil wala na akong maisip sabihin. Ang gusto ko lang sa ngayon ay makapiling ang anak ko. Nae-excite na rin akong makita siya.
 

  "But seriously, Shin if something happens or kung sasaktan ka ulit ng walang hiyang Stuart na iyan, let me know. Kahit saan ka pa, pupuntahan kita at kung 'di mo maibigay ang address gaya ngayon hahanapin kita," anito sa seryosong boses.
 

  "Salamat, Jake. It's nice to know that you're always there for me." Naglakad ako papunta sa hanging bed at naupo roon.
 

  "You know I'm always here for you. Handa kitang saluhin, Shin. I don't care about your past. I'm even willing to father your daughter, if you only give me a chance. Pero no pressure. Alam kong marami ka pang dapat asikasuhin. I just want you to know that you can always count on me."
 

  Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ilang beses ko na rin bang tinanong ang sarili ko kung bakit 'di na lang si Jake? Gustong-gusto kong bigyan siya ng chance, but it will be unfair to him if I'm still stuck with my past. Kung bakit naman kasi ipinanganak ako tanga sa pagmamahal.
 

  "I can only wish, Jake. Sana ikaw na lang..."
 

  "Iyon nga lang, hindi ako."
 

  "Jake..." malungkot kong tawag sa pangalan niya. I'm speechless.
 

  "Huwag kang malungkot para sa akin, Shin. I choose this path. It's my burden to take not yours. Malungkot ka na nga kay Stuart, pati ba naman sa akin malulungkot ka rin? Ano ka overly sad ghurl? Besides, I'm happy doing this for you."
 

  Napatawa ako nang mahina. Sasagot na sana ako nang mapansin kong may sasakyan na paparating. Dali-dali akong tumayo at nagmamadaling naglakad ulit papunta sa bukana ng bahay.
 

  "Jake, nandito na sila. I will call you later."
 

  "Okay, take care, Shin. Balitaan mo ako. Text me the address as soon as you get it."
 

  "Okay, Jake. Thank you." Agad kong pinatay ang tawag at hinintay na pumarada ang sasakyan sa may driveway.
 

  Una kong nakitang umibis si Stu ng sasakyan. I'm hopeful na sana kasama niya si Alex. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at pinaglaruan ang cellphone sa mga kamay. Pumunta ito sa likod ng kotse at binuksan ang back seat. Galing doon ay nakita kong bumama si Alex. Automatic na tumulo ang mga luha ko. Nagmistula iyong gripo na nakabukas. Patakbo akong pumunta sa kinaroroonan nila. Masayang-masaya ako dahil sa wakas makakasama ko ulit ang anak ko kahit panandalian lamang
 
  "Mommy!" agad na sigaw ni Alex nang makita ako. Patakbo niya akong sinalubong. May malaking ngiti sa mga labi niya.
 

  Agad ko siyang kinarga nang makalapit na siya at niyakap nang mahigpit. Gigil na pinaghahalikan ko siya sa pisngi. Mukhang siyang-siya naman si Alex sa ginawa ko kanya. Tawa ito nang tawa dahil malakas ang kiliti nito sa leeg at pisngi.
 

  "Oh my God, Alex! I missed you!"
 

  I looked at Stu and mouthed, 'thank you'. Tinanguan niya lang ako pero sapat na sa akin iyon. Ang mahalaga ay kasama ko ngayon ang anak ko.
 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now