Chapter 44

17 0 0
                                    

   

 

  SA AWA ni Lord, natapos ang pananghalian namin nang matiwasay kahit pa nga palihim na nagbabangayan sina Jake at Stu. Pareho silang nag-uunahan kung sino ang maglalagay ng pagkain sa plato ko. Hindi lang iyon, nagtulakan pa sila kung sino ang makakatabi ko sa upuan. Pabilog ang glass dining table ni Jake. Katabi ko na si Alex sa kaliwa ko. Si Jake ang nakaupo sa bandang kanan ko. Nang-aasar pa na ngumisi ang loko kay Stu.
 

  Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa. Kung ako ay inaasikaso si Alex, silang dalawa naman ay panay ang lagay ng pagkain sa plato ko. Kapag nakikita nilang dalawa na wala ng laman ang plato ko ay lalagyan nila iyon ulit.
 

  "Diyos ko! Gusto niyo ba akong tumaba at patuloy kayong naglalagay ng pagkain sa plato ko? Wala akong maging dabyana, ha?" Pinandilatan ko silang dalawa ng mga mata.
 

  "Kahit naman maging dabyana ka, Shin o maging si Palito ka pa tatanggapin pa rin kita," agad na sagot ni Jake na ngumiti pa nang matamis sa akin.
 

  "Asa ka namang lalapit siya sa'yo?" taas-kilay na singit naman ni Stu. "Baka 'di ka lang aware na kasal kami? Ako ang asawa niya. Anuman ang mangyari, walang kang tatanggapin dahil mananatili siyang nasa amin ng anak NAMIN." In-emphasized pa nito ang salitang 'namin'.
 

  I roll my eyes. Huminga ako nang malalim. "Magtigil nga kayong dalawa. Kayo ang kumain niyan sa nilagay niyo sa plato ko. Ang daming batang nagugutom para mag-aksaya kayo ng pagkain!" Tiningnan ko si Alex na pabalik-balik ng tingin sa dalawang lalaki. "Saka nasa harap kayo ng bata. Daig niyo pa si Alex sa kakulitan."
 

  Nang makita kong tapos na si Alex kumain ay inakay ko na ito sa sink para alalayang maghugas ng kamay. Pagkatapos noon ay pinabalik ko na siya sa sala. Walang reklamong sumunod naman si Alex at umupo ulit sa sofa roon. Nanood ulit ito ng tv.
 

  "Thank you, Baby," pasasalamat ni Stu. Kunot-noong napatingin ako sa kanya. "Ang sarap kasi ng niluto mo. Busog na busog ako," pagpapatuloy niya.
 

  Tumango ako sa kanya at hindi siya sinagot. Although natutuwa ako sa mga pinapakita at pinaparamdam niya sa akin ay hindi pa rin nawala ang inis ko sa kanya. I don't know if pakitang tao lang ang ginagawa niya or hindi. I don't know if he is just testing how weak I am when it comes to him. Or this is really his way to get me back. Ewan ko. Hindi ko na alam.
 

  Noong magkaibigan pa kami ang dami niyang pinaramdam sa akin that I misinterpreted it. All along I thought he loved me too, only to find out it was only platonic love.
 

  Noong inaayos naman namin ang pagsasama namin, isang maling akala niya lang at gumuho na ang lahat. That night I found out he didn't trust me.
 

  Love without trust is not love at all. It's like a building without foundation, it will crumble and fall amidst the test of time.
 

  "Jake, pagamit nga ng CR mo," maagas nitong usal.
 

  Napailing si Jake pero may ngiti sa labi nito na naging dahilan para magsalubong ang mga kilay ko. "Just go past the living room. The door on the right is the bathroom."
 

  Bago ito umalis ay lumapit muna ito sa akin. Bago pa ako makaiwas ay mabilis na niya akong pinatakan ng halik sa labi. Malaki ang ngisi niyang umalis sa kusina. Napapahiyang tumalikod ako kay Jake at nagpunta sa mesa.
 

  "Paano ba 'yan panalo ako," bulong ni Jake sa akin habang nililigpit ko ang mga ginamit naming plato sa mesa.
 

  "Siraulo ka talaga kung sa ibang pagkakataon 'to baka nabugbog ka na niya."
 

  "Kaya nga nasabi ko sa'yo na dalhin mo na rin ang anak ninyo. I know he will not do anything stupid. Not in front of her daughter," natatawa nitong sabi. "I also have to think about my safety, you know?"
 

  Natawa rin ako sa paliwanag niya. Bumalik na si Stu mula sa banyo. Akmang babalik ito sa kusina kasama namin kaso tinawag ito ng anak namin. Wala na itong nagawa at pinuntahan na si Alex. Palihim na tiningnan ni Jake si Stu na nakatingin ulit sa amin habang nakikinig ito sa kung anuman ang sinasabi ni Alex.
 

  Nag-iwas ako ng tingin kay Stu. Nilagay ko na ang lahat ng hugasin sa sink. Inalis ko na ang mga tirang pagkain doon at tinapon iyon sa basura. Kinuha ko ang sponge at nilagyan iyon ng sabon. Pinabola ko iyon at sinimulan ko ng sabunin ang mga plato. Si Jake ay nakasandal sa counter at nakahalukipkip na pinapanood ako.
 

  "By the way, enough of him, are you okay?"
 

  "Oo naman, why do you ask? Mukha ba akong hindi okay?"
 

  "Jake, we've known each other for almost a year. Tumira pa ako sa inyo and I may not be a psychologist yourself, but I know if something's bothering you or not." Sandali kong tinigil ang pagsasabon at tiningnan siya. "Earlier, while you were laughing, hindi naman umabot sa mga mata mo ang tuwa. Alam mo naman na nandito lang ako para sa'yo di ba?"
 

  Malamlam ang mga matang tiningnan ako ni Jake. Humarap siya sa sink at binuksan ang faucet. Siya na ang nagbanlaw ng mga hinugasan ko. "Alam ko, Shin. Pero 'wag mo akong sanayin. Don't forget that I still have feelings for you. I told you before that if time comes and he hurts you again. na saktan, hindi ako mangingiming kunin ka sa kanya." Ngumiti siya ulit. Ipinagpatuloy niya ang pagbabanlaw ng plato at inilagay iyon sa rack para patuyuin ang mga iyon.
 

  Hindi lumulingon sa akin na nagpatuloy siya, "But I'm glad you're patching things up with him para sa anak niyo. Besides, you know I will always support your decision."
 

  Napalingon ako kay Stu. Nakatingin pa rin siya sa amin ni Jake. Nakakuyom ang mga kamao at parang susugod sa gyera ang mukha. Lumingon din si Jake sa kanya at napangisi.
 

  "Trust me when I say this, Shin. He has feelings for you. Hindi ganyan ang tingin niya sa atin kung wala ka lang sa kanya. Hindi mo ba nakikita kung paano niya ako tingnan? Kung nakamamatay lang ang tingin baka pinaglalamayan na ako ngayon."
 

  Nagkibit-balikat ako at ipinagpatuloy na ang pagsasabon. "I don't know, Jake. Noong okay pa kami at wala pang Alex sa buhay namin ay akala ko rin he's into me. But look what I got myself into? Endless crying." I heave a sigh. "Last night, something happened. And you know what I found out? After all these years, after all I've been through..wala pala siyang tiwala sa akin. Kaya ayaw ko nang umasa. Nakakapagod rin pala ang masaktan. Kaya I don't think he's jealous—"
 

  "But I am, Shin..."
 

  Magkasabay kami ni Jake na lumingon mula sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Stu na nasa likuran na pala namin. Malungkot siyang nakatingin sa akin.
 

  "I am jealous, Shin, Baby... I realized na hindi ko pala kaya na may ibang lalaki sa buhay mo bukod sa akin—"
 

  "Enough, Stu!" mariin kong saway. Humigpit ang hawak ko sa sponge. Unti-unting pumapatak mula doon ang magkahalong bula at tubig. "Maybe you realized a totally different thing. And maybe you mistakenly interpreted it as jealousy. But it is not, Stu. You feel that way because you are selfish. You are self-centered! Hindi mo lang matanggap sa sarili mo na 'yong babaeng hinabol-habol ka at handang tanggapin ka nang paulit-ulit ay nasagad na."

How Can I Make You Love Me?Kde žijí příběhy. Začni objevovat