Chapter 9

174 8 5
                                    

   

 

  I waited for Stu all day inside his penthouse, but he didn't show up. I was wondering, did he get in trouble or what?
 

  At first I thought, umalis lang siya para bumili ng pagkain kasi puro beer ang nasa loob ng fridge niya. I even took a shower and wore his black t-shirt. Wala akong suot na kahit ano sa ilalim ng t-shirt niya dahil pina-dry cleaning ko muna. Kaya habang naghihintay ay nilinis ko ang buong penthouse niya. Pati kasuluksulukang ng nga furnitures niya ay pinakintab ko rin. Wala akong pinalampas na kahit anong alikabok. I was thinking these simple things could make him happy. Even though wala naman talagang lilinisin dahil may nagme-maintain namang maglinis ng penthouse niya. Prinsesa ako sa mansyon namin pero dahil sa yaya ko ay natuto akong maglinis. Maganda raw kasi sa babae ang masinop.
 

  Nakaupo lang ako sa couch sa may living room niya. Nakapatong ang mga paa ko sa couch habang yakap-yakap ko ang aking mga tuhod. I'm already wearing the clothes I wore last night. I waited and waited at kahit na gutom na gutom na ako ay tiniis ko 'yon. Hindi na rin ako nagpa-room service dahil ayokong masayang ang dadalhin niyang pagkain. I looked at the wall clock that was hanging above the tv. It's already 9 PM. It's getting late and yet there's still no signs of Stu.
 

  Tiningnan ko ang hawak kong cellphone. Nagbabakasali ako na may text message doon, pero wala akong makita. Ni tawag, wala. Unti-unting nanikip ang dibdib ko. Ayaw kong mag-overthink pero ano ba ang dapat kong gawin? Napakapit ako sa dibdb ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit niyon na para bang sinaksak ng ilang ulit.
 

  Unti-unti nang tumulo ang luha ko. This is absurd.
 

  May mga bagay talaga sigurong kahit anong gawin mo 'di mo talaga makukuha. I should perhaps let it go. Move on na lang siguro or sasabihin ko na lang kay Stu ang totoo maybe he'll understand. Magagalit man siya pero baka naman mapapatawad niya ako or kung hindi naman magfa-file na lang ng annulment. It's just I couldn't take it anymore.
 

  Litong-lito ang isip. Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko at inapak-apakan pa. I decided to get my things. Uuwi na lang ako sa mansyon namin. Doon muna ako magpapalipas ng sama ng loob hanggang sa makakuha na ako ng lakas ng loob na sabihin kay Stu ang totoo. Alam kong magagalit si Tita pero bahala na kaysa sa naman ganito ang mararamdaman ko. I felt so small. I never thought I could be this low. Trick your best friend because you're madly in love with him. I thought spending a night with him would change anything. But I'm wrong, so wrong.
 

  Nilibot ng paningin ko sa loob ng silid penthouse. I looked at the wall clock, pasado alas doce na pala. Napangiti ako nang mapait. Buong araw na pala akong hindi kumakain and yet, heto ako at parang tanga na naghihintay sa wala. Ano'ng ka-martyr-an na naman ito, Shin?
 

  Malalim akong napabuntong-hininga. Tuluyan na akong lumabas ng penthouse at dire-diretsong naglakad sa elevator. Panay ang punas ko sa mukha ko. Kainis kasi na luha 'to. Hindi maampat-ampat sa kakatulo. I'm so heartbroken.
 

  Paglabas ko ng elevator ay napansin kong marami pa ring tao ang paaroo't-parito sa lobby, pero wala na akong pakialam sa kanila. Kahit hindi ko sila tingnan ay alam kong iisa lang ang iniisip nila. Awa para sa akin, Well, they can stare at me all they want. Mas masakit ang puso ko kaysa sa intindihin pa ang iniisip nila.
 

 

  Agad akong pumara ng taxi pagkalabas ko ng hotel. Nagpahatid ako sa mansyon namin. Wala pa ring tigil sa kakatulo ang mga luha ko. Pati ang driver ay nasisilip kong panaka-nakang tumitingin sa akin mula sa rearview mirror. Pero gaya sa hotel ay wala pa rin akong pakialam. Eh, ano ang gagawin ko kung ayaw huminto sa katutulo ang mga luha ko?
 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now