Chapter 59

15 0 0
                                    

   

  "How are you feeling?"
 

  Napalingon sa akin si Stu. Nakatayo siya sa tapat ng veranda habang nakahawak sa railings na parang kay lalim ng iniisip. Bagong ligo siya at kahit nakapambahay lang siya ng t-shirt na itim at khaki na cargo pants, sobrang lakas pa rin ng dating niya.
 

  Ang gwapo talaga! Saan ang hustisya? Ni hindi pa ako nakaligo!
 

  Tumawa nang mahina si Stu. "Ako pa talaga ang tinatanong mo? Kumusta ang sugat mo? Is it time to change the bandage?" Naglakad siya palapit sa akin at hinapit ako sa bewang. Ingat na ingat siya na hindi masagi ang braso ko.  Nakabenda pa rin kasi ito at kailangan ko pa ring magsuot ng cast para hindi ito masagi.
  I smiled. He dodged my question and I knew why. I decided not to push it. Tiningnan ko ang naka-cast kong braso at marahang hinaplos iyon.
 

  "Maliligo muna ako. I just woke up and was about to take a shower when I saw you. Napansin ko lang na ang lalim ng iniisip mo. Okay ka lang ba?"
 

  Matipid siyang ngumiti at pagkatapos ay tumango. "Yup, I'm fine. Don't worry about me. What matters most is that you are fine and finally everything is already over. Go ahead and freshen up. I will help you clean your wound too."
  Tinitigan ko si Stu. Hindi nakalampas sa matalas kong paningin ang lungkot sa kanyang mga mata. Saglit lang iyon dahil ngumiti rin agad siya.
 

  I sighed. He needed more time. And I would give it to him. Hindi madali ang lahat sa kanya dahil sangkot ang nanay niya.
  I smiled at him too. "Okay, if you can also please check our daughter."
 

  "Sure thing." Pinatakan niya ako ng halik sa labi at malalaki ang hakbang na umalis ng kwarto namin.
  Mariin kong tinitigan ang nilabasan niyang pinto. Nakasirado na iyon pero nakatitig pa rin ako roon.  Ilang minuto pa ang lumipas at nagtungo na rin ako sa banyo para maligo.
 

  Mabilis lang ang ginawa kong ligo. Naka-lotion na ako nang lumabas ng banyo. Nakabalot na ng tuwalya ang aking buhok at ang tanging suot ko lang ay isang maikling tuwalya na hanggang kalahating hita ko lang ang haba.
  Bahagya pa akong nagulat nang makita ko si Stu na naglalagay ng panibagong bandage para sa sugat ko at iba pang mga gamot sa bedside table. Nahinto siya sa ginagawa at napalingon sa akin. Napanganga siya nang makita ako. Kulang nalang malaglag ang panga niya sa sahig.
 

  Natawa ako sa itsura niya. "Baka mamaya mapasukan ng langaw ang bibig mo," tudyo ko sa kanya.
  Pilyo siyang ngumiti sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang may balak ang mamang 'to. 
  Kinuha ko ang tuwalya sa buhok ko at ginamit iyon para kuskusin ang buhok ko. Mabilis siyang naglakad patungo sa akin. Without any warning, he wrapped his arms around my waist. 
 

  "Ang bango naman ng asawa ko."
 

  "Ang pangit naman kung katatapos ko lang maligo tapos amoy panis na laway pa rin ako."
  He laughed heartily. Para pa akong na-hypnotize sa paraan ng tawa niya. Mula noong iniligtas niya kami ni Kian, 'yong kinidnap na baby nina Ken at Blair, halos pilit na lahat ang mga ngiti at tawa ni Stu. So, seeing him laughing like this, made my worries go away.
 

  "Hmmn... Sabagay. Paamoy nga..." Ang boses niya ay pasensuwal nang pasensuwal.
 

  Marahan niyang minasahe ang gilid ng bewang ko. Naghatid iyon ng kakaibang pakiramdam sa kasuluksulukan ng mga ugat ko. I could feel our temperature rise. The last time we became passionate with each other was before the fish port incident. Kaya ngayon feeling ko lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagtayuan sa sobrang antisipasyon.
  Tinitigan niya ang mga labi ko hanggang sa yumuko na rin siya. I was about to close my eyes when suddenly...there was a knock on the door.
 

How Can I Make You Love Me?Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu