Chapter 7

193 11 1
                                    

Chapter 7

"Girl, bagong buhay na ba tayo at medyo balot na balot ka today?" tanong sa akin ni Risha. Si Risha ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan. I met her noong nag-aaral pa lang ako ng college. We're roomates she's taking up Accounting while I'm taking Business Ad. Nag-click agad kami kaya even after college, we still manage to keep in touch.

Binisita ko siya sa opisina niya. She's working in her parent's company as Vice-President of Finance Department. Minsanan na lang kaming magkita dahil most of the time nasa ibang bansa siya. Kaya kapag nababalitaan kong nasa Pilipinas siya, automatic na bibisita agad ako sa opisina niya.

May mini sala sa loob ng opisina niya. May dalawang three-seater black leather couch na magkatapat at sa unahan ng mga iyon ay isang single couch na kapareha rin ng kulay. Sa gitna ng mga ito ay isang mamahaling glass center table na hugis rectangle.  Pinalamutian ng isang clear vase na may naka-arrange na iba't-ibang uri ng bulaklak.

Agad kong tinungo ang three-seater couch at nakadekwatrong umupo roon.

"Bagay ba?" nakangisi kong tanong. Nakasuot kasi ako ng long sleeves polo na puti. Naka-insert ang laylayan nito sa suot ko ring tattered jeans at p-in-artneran ko ng black ankle boots na may taas na three inches ang chunky heels. Ang medyo wavy kong buhok na hanggang balikat ay nakalugay lang.

"Kahit ano naming suotin mo, eh babagay ba rin," aniyang lumapit sa akin at nakipagbeso-beso bago umupo sa tabi ko.

Natawa ako nang malakas. "Kaibigan nga kita kasi binobola mo ako. Labas naman tayo. Ang tagal ko ng 'di nakapag-bar. Simula noong tumira na ako sa bahay nina Stu wala na akong nightlife. Saka kapag niyayaya ko siya ang daming arte sa katawan kesyo kababaeng tao ko daw eh ang hilig mag-aya sa inuman." I rolled my eyes.

"At talagang kina-career mo ang pagiging isang mabuting babae? Kaya ba nag-iba ang way ng pananamit mo ngayon?"

"Sinabi mo pa," ani ko sabay halukipkip. Napanguso pa ako.

"Don't get me wrong, Shin. Pero ang daming nababaliw sa'yo, lalo na 'yong masugid mong manliligaw---ano nga pangalan no'n? Jake ba 'yon? Diyos ko, ang gwapo no'n, ah? Saka napakaresponsable pero pinipilit mo talaga ang sarili mo sa kinakapatid mong 'yan na sobrang manhid. Halos alam na ng lahat pero siya wa kebs pa rin." Patagilid siyang sumandal sa sandalan ng couch at tumingin nang mataman sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. I'm very much aware of it. Totoo ang sinabi niya na marami akong manliligaw. 'Yon nga lang, I always wanted to be with Stu. Walang ibang lalaki akong nakikita kung hindi siya lang. Kung tutuusin mas may higit pa sa kanya. Pero human nature na nga siguro ang gustihin ang isang tao na walang gusto sa iyo.

"May french term diyan, eh, 'la douleur exquise'. An exquisite pain expresses the pain of wanting someone you can't have."

"Ay grabe siya may pain agad?" natatawa kong komento.

Ang totoo hindi naman nakakatawa ang sinabi ni Risha. I'm just trying to hide the pain. Sapol na sapol ako sa sinabi niya. Kasi masakit naman talagang magmahal ng isang tao na 'di kayang i-reciprocate ang pagmamahal mo.

"At bakit, 'di ka na ba nasasaktan?" taas kilay niyang tanong. Hindi ako umimik. Maya-maya ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Anyway baka kung saan pa umabot ang topic natin. We can go tonight sa favorite bar natin. Ang problema na lang is if papayagan ka ni Stu. Ang lakas ng loob mong magyaya, eh tiklop ka naman sa kanya once he says, 'no'."

"Hmmn..." Inilagay ko ang aking hintuturo sa ilalim ng baba ko habang nakatingin sa kisame. After almost two minutes, tumingin ulit ako kay Risha. "Good question. I'll tell him na ikaw ang nagyaya and that isasama ko siya para kunwari good girl ako."

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now