Chapter 48 -Stuart

26 0 0
                                    

   

  "Jake, pare,  can I talk to you?"

  Napalingon si Jake sa akin. Nasa tapat na siya ng elevator at naghihintay na bumukas iyon. Pauwi na siya. Sumama kasi siya sa amin sa pagpunta sa hotel dahil hindi ma-accommodate ang limang katao sa dala kong sasakyan. Si Manang Rosing ay kasama namin habang si Risha ay sa kotse ni Jake sumakay. Napagpasyahan namin na kumuha ng isang kwarto na may connecting doors.

  Nagkwentuhan pa rin ang tatlong babae nang umalis ako para sundan si Jake. Gusto rin sana nitong mag-stay nang matagal pero hindi nito magawa dahil sa commitment nito kinabukasan. Hindi rin ako nakinig sa rason niya nang tanungin siya ni Shin. Ang nasa isip ko lang ay ang makausap siya. Once and for all. Buti na lang rin at tulog na si Alex kaya hindi maiistorbo ang kwetuhan ng tatlo.

  Tumingin si Jake sa relo niya bago ako tiningnan ulit. "Sure! Want to grab some coffee? Alam ko 24/7 ang coffee shop na katapat ng hotel."

  "Sounds good," pagsanga-ayon ko.

  Tamang-tama na tumunog na rin ang elevator tanda na bubukas na ito. Pareho kaming tahimik nang makapasok sa elevator hanggang sa nakarating kami sa coffee shop. Pumuwesto kami malapit sa may glass window kung saan kitang-kita ang kahaaban ng highway.

  Pagkaupong-pagkaupo namin ay may lumapit sa aming waitress at ibinigay sa amin ang dalawang menu. Hindi lang pala iyon simpleng coffee shop dahil nagse-serve rin sila ng mga pastries, breakfast, lunch at dinner. Nag-order ako ng macchiato at isang slice ng triple chocolate cake. Si Jake ay nag-order naman ng dalawang shot ng espresso. Kumunot ang noo ko.

  Ayaw niya bang matulog at umiinom siya ng matapang na kape?

  Nagkibit-balikat ako.

  "Are you realizing something that's why you want to talk to me?" tanong ni Jake nang nakalayo na ang waitress. Matiim siya na nakatingin sa akin.

  "Looks like you already know why I want to talk to you," sagot ko sa kanya. I put my arms on the table and leaned forward. My hands are clasped.

  He crosses his arms across his chest and leans his back on the chair. He smirks. "Hindi ka mahirap basahin, Stuart."

  I heave a sigh. "Mabuti naman para hindi na rin ako mahirapan pang mag-explain pa."

  He scoffs. "So, what do you want?"

  "Alam kong marami ka ng nagawa para kay Shin. You were there for her when she needed someone to lean on. When no one believed her, you were there to listen." Bawat salitang iyon ay parang sumasaksak sa puso ko. Ako kasi dapat ang nandoon, pero dahil mas pinaniniwalaan ko ang nanay ko, naging isa ako sa mga nanakit sa kanya. At labis kong pinagsisisihan iyon. "I don't even know how to thank you for doing all those things to her. Gusto kong bumawi sa kanya habang binubuo namin ang pamilya namin. Gusto kong bigyan ng kompletong pamilya ang anak ko. Akala ko magiging okay na kami, but I messed it all up again."

  Hindi sumagot si Jake. Nakikinig lang ito habang matamang nakatingin sa akin. Ganoon pa rin siya, nakahalukipkip. I can't even read what's on his mind.

  "And while I was trying to fix my relationship with Shin, doon ko na-realized kung bakit even before, napaka-protective ko sa kanya. Kung bakit ayaw kong may ibang lalaking umaaligid sa kanya. You see, kung gaano ka nandyan para sa kanya, ganoon din siya sa akin noon. And it just hurt me so much that the only person I trusted the mst other than my mother betrayed me, fooled me. Kaya ang hirap sa akin tanggapin na nagawa niya ang mga iyon sa akin. I was so angry that it clouded my decision making. Plus, I was also so dumb to believe my mother." I sighed. Tiningnan ko siya sa mata. "I know you are falling for my wife, Jake. It doesn't take a professional to know that. Hindi mahirap mahulog sa asawa ko. Hindi madali para sa akin na sabihing sa ating dalawa mas ikaw ang nakakalamang. Maaring may nararamdaman sa akin ang asawa ko pero natabunan na siguro iyon ng galit niya sa akin. The only thing that I think binds us right now is our daughter.

  "I'm a proud person, Jake. I don't beg for anyone. But right now, I'm willing to do that. I'm willing to beg and do anything for my wife, for Shinohara. Ipaubaya mo na siya sa akin, sa amin na pamilya niya. Ayokong gawing rason si Alex, but I'm so desperate. Please backdown." Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at inilapit iyon sa noo ko. Pigil na pigil ko ang paggaralgal ng boses ko. Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng lalamunan ko dahil doon. "Ibalato mo na lang sa akin ang asawa ko, Jake. I know I fvcked up a lot of times, but please give me another chance to fix it with her. And I think hindi namin maaayos ang gusot namin kung nandiyan ka–"

  "So you want me to stay away from here?" putol niya sa iba pang sasabihin ko.

  Itinuwid ko ang likod ko at maayos na umupo. Tiningnan ko siya sa mga mata para malaman niyang seryoso ako. I mean what I said.

  "No, hindi ko hinihiling na lumayo ka sa kanya. Of all the people, you know she needs a friend. I have already taken so much away from her. I don't want her to have another reason to loathe me or leave me. All I ask from you is to be her friend, but at the same time, if it's not too much to ask, please give up your feelings to her. Humanap ka na lang ng bang babaeng mamahalin. Just please spare my wife. I want to make it up to her. I want my daughter to have a complete family. So, please... 'wag mo nang ituloy ang balak mong pakikipaglapit sa kanya nang higit pa sa pagiging kaibigan. I know this is too much to ask, and I'm willing to do everything. Just please, Jake. I know already that I'm being unfair to you, but what can I do? I'm desperate."
 

 

 

 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now