Chapter 49 -Stuart

26 0 0
                                    

   

 

  "Saan ka galing?"

  Bahagya pa akong nagulat nang marinig ko ang boses ni Shin pagkapasok ko ng silid na inuukupa namin. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard. Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone.

  Pagdating ko wala ng tao sa living room ng hotel room namin at nakapatay na rin ang ilaw. I assumed that they already fell asleep. I didn't notice that it took a few hours to talk to Jake. He was just listening to me the whole time. Pagkatapos kong magmakaawa sa kanya, tumango lang siya at sinabing he'll see what he can do. Tapos tumayo na siya at umalis. His face was void of any emotions. 'Di na rin ako umasa. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ako kagago para hindi mapansin kung gaano ako kaswerte na si Shin ang naging asawa at ina ng anak ko. Kung hindi magba-backdown si Jake, I will just try my best to win her back again. Hindi ako titigil hanggang sa hindi bumabalik sa akin si Shin.

  Tumikhim ako. Somehow parang kiniliti ang puso ko sa pagtatanong niya sa akin. Is she worried about me? Or baka nagseselos siya? I pushed my tongue against the corner of my inner cheeks. Fvck! Hindi pa kami nagkakaayos pero kinikilig na ako. Normal pa ba 'to? "Just across this hotel, drinking coffee."

  "Drinking coffee?" Tumingin siya sa hawak niyang cellphone. "At 3AM?"

  Gusto kong ngumiti because she sounded like a jealous wife. Damn! I can feel the tingling sensation in my heart again. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi mapangiti. I was biting my lower lips so hard that I could almost taste my blood. "May pinag-usapan lang kami ni Jake. You can ask him if you want. Why? Were you thinking I was seeing a woman?"

  Tinaliman niya ako ng tingin at inirapan. "You wish! May insomia lang ako, 'no?" mahinang asik niya pa. Padabog siyang humiga at itinalukbong ang kumot hanggang dibdib.

  Tuluyan na akong napangiti sa inakto niya. I remembered those days where she acted just the same when she saw me with other girls. At least, ngayon alam ko na kahit iyon ay hindi pa rin nagbabago. May epekto pa rin ako sa kanya. Galit lang siya sa akin pero once na napatawad niya ako, alam kong magiging okay na ang lahat. We can be a happy family again.

  HINDI na ako natulog. Dahil sa kape na ininom ko ay hindi na ako dinalaw ng antok. Tinawagan ko Lilly para dalhan kami ng mga damit. Mga 6AM na nang dumating siya. Pinauwi ko rin siya agad pagkahatid niya ng mga damit namin. I was thinking to give Shin a chance to spend more time with Risha and her Mama Rosing. So, if they want to stay longer in the hotel, pwede nilang gawin iyon. Tulog pa rin sila kaya napag-isipan kong magpa-room service ng breakfast para hindi na namin kailangang bumaba. May sariling sala at kusina naman ang hotel room kaya pwede kong i-set up ang dining table para pagkainan namin.

  Dumating na ang mga pagkain na nakalagay sa isang trolley. Nagsisimula na akong maglagay ng mga pinggan sa mesa nang makita ko si Manang Rosing na lumabas mula sa kwarto nila ni Risha.

  "G-good morning, Manang Rosing!" nag-aalangan ko pang bati sa kanya. Nginitian ko rin siya.

  Tiningnan niya lang ako at matipid na ngumiti. Ni hindi man lang ito sinagot ang bati ko. Nagtungo na siya sa coffee makes kung saan may naka-brew na na kape. Kumuha siya ng tasa na maayos na naka-arrange sa tabi ng coffee maker at naglagay ng kape sa tasa. Nilagyan niya na rin ito ng creamer at asukal na naroroon lang din sa counter.

  I heaved a sigh. I can tell Manang Rosing is mad at me. And I can't blame her. Mahal na mahal niya si Shin na parang tunay niyang anak. Tapos pagdating sa amin, ang daming hirap ang pinagdaanan ni Shin. At kahit hindi niya sabihin, alam kong gusto niyang tulungan si Shin noon and maybe my mother has something to do with it why she couldn't do so.

How Can I Make You Love Me?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora