Chapter 14

183 12 3
                                    

I thought everything would be different once na magkaanak kami ni Stu, pero hindi pala. Akala ko, he will fall in love with me eventually. Kaya pala maraming namamatay sa maling akala dahil akala ko lang pala iyon.

    Imbes na mag-level up ang relasyon namin parang nag-downgrade pa yata. Hindi na sya ang Stuart na kilala ko, mistula na kaming estranghero sa isa't-isa.

    Lagi siyang wala sa bahay. Every opportunity na may kailangan na mag-out of the country because of business ay siya agad ang nag-vo-volunteer. It seemed like he didn't want to be around me anymore. That was why he always preferred to be away. Pinapayagan naman siya ni Mommy Angela. I guess walang magawa si Mommy Angela sa desisyon ni Stu.

    Kaya naman sa mga monthly check - ups ko ay wala siya. I know he loves our baby dahil sa bawat pag-uwi niya galing abroad, may mga pasalubong siya sa baby namin. Though, hindi niya sa akin binibigay ang mga pasalubong niya kay baby, diretso nitong inilalagay sa bakanteng kwarto na ginawa ni Mommy Angela na nursery room.

    Kahit wala siya, lagi ko siyang ina-update sa mga check-ups ko. I sent him the copies of the sonograms. Iyon nga lang, wala akong reply na natatanggap... Puro seen lang.

    It pained me pero I have to admit it's all my fault. These are the consequences of my actions. And I have to accept it. Kapag nasa bahay naman siya, lagi ko pa rin siyang pinaghahanda ng makakain. Pero gaya ng dati, 'di niya iyon kinakain.

    Sa totoo lang nahihirapan na ako sa pagtrato niya sa akin. Araw-araw parang kinakatay ang puso ko sa sakit. Ilang beses na ba na nagtangka akong kausapin siya pero hindi niya ako napapansin? Maraming beses na. I want to get away for awhile para makapag-isip nang mabuti. Kong tama pa ba itong ginagawa ko o hindi na? Dapat ko pa bang ipaglaban ang nararamdaman ko or hindi na? May pag-asa pa ba o wala na? Or is it time for me to give up?

    Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nasa loob ako ng kwarto ko at nakaupo sa couch na naroroon. Actually, kanina pa ako gising pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. For some odd reason, hindi rin ako nagugutom.

    Inabot ko ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng center table. Excited akong tiningnan iyon sa pag-aakalang si Stu iyon, but to my dismay si Risha lang pala.

    I heaved a sigh. Ba't pa ba ako patuloy na umaasa? Para saan pa?

    I decided to answer the call.

    "Hello?" pilit ang siglang sagot ko sa tawag.

    [Girl, kumusta ka na? I just got back from Japan. I have been wanting to see you so badly. Ang dami kong pasalubong to my soon-to-be inaanak. Saan ka ba ngayon?]

    "I miss you too, Risha. I'm here in the house. Ang laki-laki na ng tiyan ko at nahihirapan na akong lumabas--"

    [Okay, no problem. I'll be there in a jiffy.] Putol niya sa iba pang sasabihin ko. Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil pagkasabi noon ay binabaan niya na ako ng telepono.

    Napailing na lang ako. Tiningnan ko ang cellphone ko at inilagay iyon sa tabi ko. Marahan kong hinaplos ang malaki ko ng tiyan habang maingat na sumandal sa sandalan ng couch. Hindi na ako nag-abala pang maghanda dahil tapos na rin naman akong naligo pagkagising ko kanina. Sa katunayan ay medyo basa pa ang buhok ko dahil hindi ko ito bin-lower kanina. Hinayaan ko lang na nakalugay ang itim at alon-alon kong buhok, Nakasuot lang din ako ng black maxi dress na may disenyong sunflower.

    After 15 minutes ay dumating na si Risha sa bahay. Dalawang katulong sa bahay ang tumulong sa kanya para bitbitin ang mga dala niya. Napanganga na lang ako nang pagbuksan siya ng pintuan. Dumiretso kasi siya sa kwarto ko. 'Di nga siya nagbibiro nang sabihin niyang ang dami niyang pasalubong.

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now