Chapter 41

20 0 0
                                    

   

 

  "Sino si Jake?" madilim ang itsurang tanong nito. Para itong toro na umuusok ang ilong at handang manungay.

  Salubong ang mga kilay na napatitig ako kay Stu. Kunot na kunot ang no nito at umiigting ang panga.

  Nagseselos ba ito? I bit my inner cheek to suppress myself from smiling.

  "Teka, galit ka ba?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong ko sa kanya.

  "May dapat ba akong ikagalit? I woke up in the middle of night and you're not beside me. Tapos maririnig ko na lang na nakikipag-usap ka sa ibang lalaki?" madidiin ang salitang sambit nito. Halatang-halatang pinipigilan nito na humulagpos ang galit.

  Ang kaninang tuwa sa puso ko ay biglang naglaho. Hindi ko mapigilang mairita sa sinasabi niya. Base sa sinasabi nito parang inaakusahan pa niya akong nakikipaglandian sa ibang lalaki.

  "Are you insinuating something?" kunot-noong tanong ko sa kanya. I crossed my arms across my chest.

  "Do I have to? Baka nakakalimutan mo na inaayos pa natin ang pagsasama natin? Tapos maririnig kitang nakikipag-usap sa iba? Sinabihan mo pa talaga ang lalaking iyon na you're always there for him? Really, Shin? Kung kailan naman natin inaayos ang pagsasama natin, saka mo pa naisipang makipaglapit sa ibang lalaki!"

  Ang pagkairita na nararamdaman ko kanina ay napalitan na ng galit. Parang naging utang na loob ko pa sa kanya na inaayos namin ang pagsasama namin. What I heard from him is like a slap to my face! Ano'ng akala niya sa akin? Ganoon ba talaga kababa ang tingin niya sa akin?

  Feeling ko lahat ng dugo ko ay napunta sa ulo. "So, parang pinapalabas mo ngayon na lalaki ko si Jake?" nakapamewang kong tanong sa kanya. "You know what? I thought you know me well, but I guess not. Sabagay, ang dali mo nga akong husgahan noon. Ano pa ba ang bago? Why am I even surprised? At saka para saan pa ang pagtatanong mo kung nahusgahan mo na ako agad?" Mapait akong tumawa. I desperately brush my hair using my fingers. "You know what? Screw that chance and screw you!" Tinulak ko siya at padaskol na pumasok sa loob ng kwarto. Pumunta ako sa closet at kinuha ang maleta ko. Binuksan ko ito at sinimulang ilagay ang mga damit ko sa maleta.

  I thought there will be a chance for us. Our day started so great, but not when the night came, dawn or whatever. I love him all my life! Pero kung ganito lang naman pala na kapag may makausap lang ako ay ipapamukha niya sa akin na malandi ako at utang na loob ko pa sa kanya na nag-eeffort siya para maging okay ang pagsasama namin. Well, screw that!

  Umabot na ako sa puntong nakakapagod rin pala ang umintindi at magpakababa para sa isang tao na madali ka lang husgahan after all you've experience and all that they've done. Tama si Jake. I should know my worth!

  I have had enough.

  "Teka, Shin saan ka pupunta?" awang ang mga labing tanong ni Stuart. Ang kaninang madilim na mukha ay biglang napalitan ng pagkataranta.

  "I'm moving my stuffs to Alex's. As much as I would like to leave this house, I can't dahil nandito ang anak ko. Ayokong malayo ulit sa kanya," hindi tumitingin na sagot ko sa kanya. Walang ayos na inilagay ko ang mga damit ko sa maleta. Mabilis ang galaw ko dahil medyo may karamihan din iyon. Feeling ko ang liit-liit ng kwarto na iyon para sa aming dalawa sa tindi ng galit ko.

  "You don't have to do that! Just leave you're clothes there!" Kinuha niya ang mga damit ko sa maleta at ibinalik iyon sa closet. Madali niyang naibalik iyon dahil hindi ko pa natatanggal ang mga hangers. Inaagaw niya rin ang mga damit na hawak ko pero hindi ko binigay ang mga iyon.

  Nang mahalata niyang hindi ko iyon ibibigay, ay hindi na siya nagpumilit na kunin iyon. Tumalikod ako sa kanya. He, then wraps his arms around my waist.

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now