Chapter 32 - Stuart

315 13 2
                                    

   

Inis na inis ako nang pumasok ako sa opisina. Pabagsak kong isinara ang pinto. Napasabunot ako sa buhok ko habang pabalik-balik na naglalakad sa loob ng opisina.
 

  Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Totoo pala ang sinabi ni Shin—may kinalaman nga si Mommy sa lahat ng nangyari. Pasalampak akong naupo sa swivel chair at dumayukyok sa office table ko. Tila isang pelikula na nag-rewind ulit sa utak ko kung paano ko nalaman ang totoo.
 

  Pagkadating namin sa bahay, pagkatapos naming maihatid si Shin sa condo ay agad kong tinawag ang yaya ni Alex para asikasuhin ito.
 

  "Nasaan si Mommy?" tanong ko sa yaya ni Alex na si Celine.
 

  "Nasa opisina niya po, Sir." Kinuha nito ang bag na may lamang damit ni Alex sa akin.
 

  "Any visitors?"
 

  "Wala naman po." Hinawakan na niya si Alex sa kamay.
 

  Tumango ako sa kanya at dali-daling pumunta sa opisina ni Mommy. Kumatok ako ng tatlong beses bago sana bubuksan ang pinto. Akmang bubuksan ko na ito nang marinig kong sumisigaw sa galit si Mommy. Napahinto ako sa pagbukas lalo na noong narinig ko ang pangalan ni Shin.
 

  Akala ko may bisita sya but it seemed like she was talking someone over the phone. Hindi ko na itinuloy ang pagpasok pero napagpasyahan kong manatili sa may pinto para marinig ang pinag-uusapan nila.
 

  "Wala akong pakialam! I don't know what she did, but Stuart is acting strange and in no time, he will start questioning me. Hindi niya pwedeng malaman na totoo ang sinasabi ni Shin! Hindi dapat malaman ng anak ko ang katotohanan na wala naman talagang sakit sa pag-iisip ang babaeng iyon." Huminto siya sandali sa pagsasalita. "Pwes, gawan niyo ng paraan!"
 

  Agad akong umalis ng bahay nang marinig ko iyon. Hanggang ngayon ay magkahalong galit at pagkalito ang nararamdaman ko. Paanong nagawa ni Mommy ang lokohin ang sarili niyang anak?
 

  Napailing na lang ako sa pagkadismaya nang maalala ang nangyari kanina. Para ma-distract, sinimulan kong basahin ang mga dokumentong nakalagay sa mesa ko. Gabundok na iyon, pero walang pumapasok sa isip ko.
 
  Ilang sandali ay narinig kong may kumatok mula sa pinto. Lumitaw doon ang sekretarya ko.
 

  "Sir, may naghahanap po sa inyo Jake Dankworth po ang pangalan," bungad sa akin ng sekretarya ko nang makitang nakatingin na ako sa kanya.
 

  Bahagya kong ipinilig ang ulo ko para tingnan siya. Wala akong maalalang may appointment or meeting ako ngayon dahil pina-cancel ko iyon lahat. Isang linggo akong hindi nakapasok sa opisina kaya tambak ang tatrabahuin ko.
 

  "I thought I canceled all my meetings?" nakakunot-noo kong tanong.
 

  "Opo, pero nagpupumilit po siya, Sir. Sasabihin ko raw sa inyo na tungkol daw po kay Ma'am Shinohara ang sadya niya."
 

  Napamulagat ang mga mata ko sa binanggit ng sekretarya ko lalo na nang banggitin nito ang pangalan ni Shin.
 

  "Sabi niya po, Sir na kung babanggitin ko raw po ang pangalan ni Ma'am Shin, eh kakausapin ninyo raw po siya," dugtong nito.
 

  My curiosity was eating me up. Nakuha nga ng lalaking iyon ang atensyon ko. Never in my life have I heard his name. I wonder how he knew Shin.
 

  'Di kaya isa ito sa tumulong kay Shin?
 

  "Papasukin mo siya."
 

  Agad tumalima ang sekretarya ko at lumabas ulit. Inayos ko ang suit at necktie ko at kampanteng nakaupo sa swivel chair habang hinihintay ang bisita.
 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now