Chapter 37

21 0 0
                                    

   

  Nagpupumiglas ako. Itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya at buong lakas na tinutulak siya. Sa bawat pagpupumiglas ko ay mas lalo niya lang hinihigpitan ang yakap niya sa akin. Hindi ako makawala.
 

  I felt so helpless. Feeling ko pinaglalaruan niya ang damdamin ko. Pero ganoon pa man nakaramdam ako ng ligaya sa paraan ng paghalik niya sa akin. Banayad lang ito na para bang ninanamnam nang mabuti ang halik namin. Punong-puno iyon ng pag-iingat.
 

  Bakit? Bakit niya ito ginagawa? He's confusing the hell out of me!
 

  'Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Napahikbi ako. Pinutol naman ni Stuart ang halik at pinagdikit ang noo namin. Hawak-hawak niya ang mukha ko.
 

  "I-I know this may sound so absurd, but can we please give it a try? Can you make me love you as a woman?" anito sa garalgal na boses.
 

  Naguguluhang napatingin ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya dahil nanatili siyang nakapikit. 'Di ko alam kung ano ba ang kahulugan ng mga ginagawa niya ngayon. Ano ba ang nangyayari? Bakit bigla-bigla naman yata? May something ba sa kinaun namin kanina?
 

  "You love me, right? Would it be too much to ask to help me fall for you?" He opens his eyes. They are blurry with unshed tears.
 

  Napaawang ang mga labi ko. I'm speechless. Feeling ko may mga anghel na nag-aawitan sa paligid ko sa saya. This is the chance I was asking for before na 'di niya mabigay-bigay. Ngayon siya na mismo ang nag-aalok.
 

  Lagi kong sinasabi before na tama na pero tanga na naman ako, 'di ba? Pwede bang magpakatanga ako ulit? This time may chance na naman, eh. I will have now the chance to make him see me as a woman, as his wife. Kasal pa rin naman kami. Maybe it's still okay to give him another chance.
 

  "I realized this is for the best. Besides, I want to fulfill Blair's request, and that is to fix our family..."
 

  'Yong saya sa puso ko ay napalitan ng kakaibang sakit. Para akong sinaksak. I see, all along this is still about Blair. I don't know if I should be happy or be insulted.
 

  Marahas kong itinulak si Stuart kaya naman napabitaw siya sa akin. Hindi niya yata inaasahan na itutulak ko siya. Matalim ko siyang tiningnan. Ano ba ang akala niya sa nararamdaman ko? Pwedeng i-on or off kapag gusto niya?
 

  Ang sakit lang. Alam mo 'yong ang saya mo na tapos bigla-bigla babawiin ang kasiyahang iyon? Malungkot na tumingin si Stuart sa akin.
 

  "Ito na yata 'yong sinabi ni Blair sa akin. Nasa huli talaga lahat ang pagsisisi. Before ko ma-realize ang lahat, wala na. Huli na."
 

  Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ano'ng ibig niyang sabihin? Pero ipinagwalang bahala ko na lang kung anuman ang sabihin niya dahil sa pagkainis na nararamdaman ko. Hindi ako nagsalita. Parang nawalan ako ng sasabihin sa sobrang bigat nang nararamdaman ko.
 

  "She told me to give this relationship a try. Na dapat pahalagahan ko kayo kasi kayo ang pamilya ko. That I should fix our relationship before it's too late. I'm already too late for Blair. I hope na sa'yo hindi pa—"
 

  "T*ng ina mo pala, eh!" 'di ko mapigilang sigawan siya. Ang sakit at halos 'di ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko. Nanginginig na ako sa galit. Sinuntok ko siya sa dibdib. Bahagya siyang napaatras. Hinayaan niya lang akong subtukin siya. Galit na galit ako. Feeling ko sasabog ang puso ko sa sobrang bigat ng puso ko.
  "Noon, Stuart ginawa ko ang lahat para mahalin mo pero tinutulak mo ako palayo! Ngayon gusto mong i-try ang relasyon natin? Bakit? Dahil kay Blair? Ang mga desisyon mo nakabase ba sa sasabihin niya? Gagawin mo 'yan dahil sinabihan ka niya?! Oo mahal kita! Mahal na mahal! Pero tama na, Stuart! Nagkandaleche-leche na ang buhay ko dahil sa'yo!" My tears start to fall. Naging malumanay ang boses ko. "Sa totoo lang, masaya ako noong sinabi mong gusto mong bigyan ng pagkakataon ang kasal natin. Kasi kahit gusto ko na mag-move on noong marinig ko 'yon, gusto kong magpakatanga ulit para sa anak natin. At para man lang maramdaman ko kung paano sumaya. Kasi simula noong namatay ang parents ko 'di na ako sumaya. Para bang 'di ako pwede maging masaya!"
 

How Can I Make You Love Me?Where stories live. Discover now