CHAPTER 1

2.6K 88 17
                                    

"Tyrell, gumising ka na, alam kong may plano ka na namang hindi papasok!"

Napataklob ako sa kumot ng pumasok sa kwarto ko si Jace. Si Jace ay naging kaibigan ko na since magkapitbahay kami at close ang pamilya namin. Marami ng nagtatanong kung boyfriend ko ba daw siya ngunit walang sawa kong tinatangi dahil hindi ko nakikita ang sarili kong boyfriend siya.

Guguho ang mundo pag nagkataon.

"Hey! Gumising ka na!" Sigaw niya at pilit kinukuha ang kumot na nakataklob sa mukha ko.

"Ano ba, Jace! Sabi ng hindi ako papasok!"

"Hindi pwede!" At siya pa talaga ang may ganang sabihin ako niyan ha?

Inis akong humarap sa kaniya. "Ba't ba ang kulit mo?! Sabing hindi ako papasok!"

"Bakit ba kasi hindi ka papasok?!"

"Tinatamad ako." Sabi ko sabay bagsak ng katawan ko sa kama.

"Nasa high school palang tayo tinatamad ka na? Ano pa kaya kong nasa college na tayo!? Baka ma bagsak ka!" Pagalit na sabi nito at pilit akong tinatayo.

"Once in a life time lang to!"

"Ulul mo, bilis na!"

"Ayoko sabi!" Sabi ko habang pilit kong inaagaw ang kamay ko sa kaniya.

"Isa..." Pagsisimula niyang bilang.

"Dalawa..." Pang iinis ko. "Tatlo... Apat... Lima... Ani—ahhh!"

Napabagsak ako sa kama ng bigla niyang bitawan ang kamay ko na pilit kong tinatanggal sa kaniya kanina. Nakangiti akong tumingin sa sumimangot na mukha ng bestfriend ko.

"Ayaw mo bang mag-college?" Nagtatakang tanong na may panghihinayang na boses nito.

"Gusto." Mabilis na sabi ko.

"Gusto naman pala." Ani nito
"Bakit hindi ka papasok?"

"Tinatamad nga ako."

"At bakit ka tinatamad?" Tanong niya ulit.

"Dahil..." Umikot ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto upang makahanap ng palusot.

"Dahil? Ano?"

Ngumiti ako. "Dahil, wala lang."

Nalaglag ang panga nito na tila ay hindi makapaniwala sa kaniyang narinig galing sa akin.

"Anak ka ng purita, ayaw mong pumasok dahil tinatamad ka, tinatamad ka dahil wala lang?" Pagsisigurado niya na tinanguan ko. "Anong klasing dahilan yan?"

"Dahilang naimbeto ng utak ko, bakit paki mo ba?" Maangas na sabi ko.

Umiling siya. "Gumayak ka na dyan, kala mo naman papasa yang mga palusot mo."

Bago pa ako makapagsalita ay iniwan na niya ako sa kwarto at bumaba na. Inis akong bumangon at pumunta sa banyo upang maligo.

Ayokong pumasok eh.

Madali lang naman akong natapus at agad na kumain pagkatapus maligo, paglabas ko ng bahay ay nandun na ang bestfriend kong naghihintay sa akin.

Marami pang kinwento si Jace sa akin tungkol sa paglalaro niya ng game, I acctually play games too pero hindi gaya ng bestfriend ko.

Pagpasok namin sa classrom ay nakita kong nagsisimula na silang nagsulat at nang napatingin ako sa harapan ay tanging paper lang ang meron. I ask my one classmate kung bakit walang teacher at agad bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang