CHAPTER 4

1.2K 63 4
                                    

"Uuwi na agad kayo?"

Napatigil ako sa pagaayos ng gamit ganun din si Jace. Sabay kaming bumaling kay Cassandra na siyang nagtanong.

"Oo eh, kailangan naming umuwi ng maaga kasi hindi pwedeng malate ng uwi si Ty." Sagot ni Jace.

"Ganun ba? Sige ingat." Tumango lang kami ni Jace sa kaniya.

Nang lumabas na si Cassandra ay inayos ko na ang gamit ko bago ko isinabit sa balikat.

"Tara na." Hinawakan ko ang braso ni Jace at iginaya siyang lumabas.

Tahimik kaming naglalakad sa hallway at may nakikita pa akong iilan na mga istudyante. Matagal kasi natapus ang Mapeh hours namin kaya hindi namin namalayang kunting istudyante na lang pala ang narito sa campus.

Habang naglalakad ay inalala ko ang nanagyari kanina. Pagkatapus kong sabihin yun ay bigla na lang umiyak si Cassandra kaya hinayaan namin siya, ilang minuto rin siyang natapus sa pagiiyak bago tumahan at inayos ang sarili. Ang dapat na masayang kainana namin ay nauwi sa pagkukuwento ni Cass about sa relationshit niya dati.

Hindi ko rin naman siya masisi. Naging matagal ang relasyon nilang dalawa kaya mahirap pakawalan na parang wala silang pinagsamahan.

Pero kasi napapaisip ako. Bakit ang tao pang iniwan at niloko ay yun pa ang nagdudusa at mas nasasaktan ng subra? Diba dapat yung nangiwan? Dahil sila ang nawalan? Sila ang nangiwan eh, iniwan nila ang taong minahal sila kaya dapat sila ang nagdudusa at nasasaktan. Kong si Karm ang bahal sa mga taong nangiiwan at nagloloko, bakit ang tagal karmahin nila? Natraffic ba ang karma?

Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na naiintindihan ko ang nararamdaman ni Cassandra because obviously I never been enter in that kind of relationship. Hindi pa yata ako nainlove eh, wala yata akong pakiramdam even just a crush wala talaga.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin yung mga sinasabi nilang. Pag wala kang crush, ibig sabihin ailen ka.

Ailen? Amp.

"Masakit ba talaga ang magmahal, Ty?" Naputol ang pagiisip ko ng magsalita si Jace. Tinignan ko siya, nakayuko at nakatulalang naglalakad.

"Ewan. Bakit mo natanong?"

"Hindi ko alam eh, basta ang alam ko—" Hindi ko siya pinatapus na magsalita dahil bigla ko siyang binatukan. "Aray ha! Inaano ba kita?!"

"Bobo ka ba? Sabi mo hindi mo alam tapus bigla-bigla kang magsasabi na 'basta ang alam ko', ginagago mo ba ako?." Inis kong sabi sa kaniya.

"Sorry naman, di ko namalayan na sinabi ko pala. Pero wag ka ngang bumatok na lang basta-basta dyan!" Reklamo niya sa akin.

"Nakaka-bwusit ka eh."

"Eh sa hindi ko nga namalayan yun! At isa pa, kong makabatok ka naman dyan..." Ngumunguso pa siya kaya pinitik ko ang nguso niya at wala sa oras napatakip siya sa sakit. "Tyrell Lex! Ang sakit ng pitik mo sa akin!"

Natawa ako. "Wag ka ngang ngumuso di bagay sayo."

"At sayo bagay?! Nahiya naman ako sayo!"

Kami lang yata ang maingay habang naglalakad pauwi. Sa lakas ba namang sumigay ni Jace daig pang nag ma-microphone.

"Wag ka ngang maingay, Jace. Ikaw lang talagang kilala kong lalaki na ang daldal daig pa ang babae sa subrang daldal, tapus kong makasigaw ka naman dinaig mo na talaga ang babaeng tumitili." Sabi ko sa kaniya habang tinitignan siya. "Umamin ka nga, bakla ka ba?"

Hindi makapaniwalang tumitig siya sa akin at nanlaki pa talaga ang butas ng ilong niya at mata sa subrang gulat sa sinabi ko.

"Ako?! Bakla?! At saan mo naman nakuha yan?! Grabi ka na talaga, Tyrell Lex Reyes! Sumusubra ka na ha! Di naman kita inaano dyan!" Pagsisigaw niya sa akin kaya napatakip ako sa tenga.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now