CHAPTER 36

294 20 15
                                    

TW: Sexual Harassment, Suicide thoughts and Abuse

"P-Please.. d-don't.. p-please.."

Binuksan ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang madilim na kisame ng kwarto, napaupo na lamang ako sa kama at tumingin sa isang bahagi ng kwarto bago tumayo at binuksan ang bintana.

The bright and round moon dawned on me, the stars were deliberately shining in the dark sky. As I watched it, my tears fell and I hugged myself as I remembered the bad things that had happened in my life.

"T-Tama.. na p-po.. p-please.. ayoko n-na po.. m-masakit.."

Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang paghikbi ngunit patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko. I covered my face with both my hands, unable to breathe properly due to the tightness of my chest, tears that would not stop and my sobbing that kept me from making a loud noise.

Ang gabing malamig, ang kwartong madilim, ang mga taong natutulog at ang alaala na pinipilit kong mawala ay nakatatak na sa aking isipan.

Isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko magawang malimutan dahil nakatatak na ito at hindi ko magawang mawala sa isipan.

"T-Tama na!.. m-maawa ka.. t-tama na.. t-tulong!.."

Napapikit ako habang habol ang hininga dahil sa pagod na, dahil ayaw ko na, dahil hindi ko na kaya, hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob. Nakakatakot ipaalam sa iba ang nangyari dahil baka walang maniwala, dahil baka pagtawanan lang ako at dahil baka mas masasaktan ako pag inaalala ko pa.

I laughed sarcasitcally.

Lately, I become so disappointed of myself, of my own choices, bad decisions and even questioned my capacity. It hooked me off  that I was about to become psychologically and emotionally unhealthy. I was already aware of this situation of mine.

I was going to rush around like I was running on fumes. I'm in a hurry because I feel like I am running out of time already.

"A-Ayaw k-ko.. ah!.. m-maawa ka p-po.. t-tama na.."

Napakagat ako sa pangibabang labi ko, hindi inaalintana ang sakit nito habang pinipigilan ang paghikbi ng malakas. Naramdaman ko na lang ang aking kamay na hinawakan ang gitnang bahagi ng katawan ko bago ako mas lalong naiiyak ng mapagtanto na ang dumi ko ng tao.

Slowly, I'm losing focus and overthinking everything and everyone around me. Maybe it's because I'm extremely fearful. I'm frightened to foresee the future within next 24 hours or any clue of moment.

I'm tired of this cycle.

"M-Maawa ka na.. t-tama na.. d-demonyo ka! T-Tama na.. m-masakit.."

Bigla akong natakot sa katahimikan. Bigla akong natakot na mapag-isa. Bigla akong natakot na maiwan na nag iisip at nag aalala. Nagninilay-nilay, sinusukat ang mga bagay-bagay. Ayoko makisalamuha, pero biglang gusto ko ng yakap, biglang gusto ko ng makakausap, biglang gusto kong umiyak.

Gusto kong magtago, pero gusto ko din may makakita. Gusto ko bumulong lang, pero gusto ko din na may makarinig. Malakas naman ako, pero ngayong gabi ako yata ang pinaka mahina.

Bigla na lang akong natakot sa sarili ko. Hindi ko na alam kung sino bang kalaban ko, ito bang sistema o itong isip ko? Lagi kong sinasabi na kaya ko ang sarili ko.

Pero ngayon ang laban na hindi ako sigurado, pano ba yan, gusto ko na lang magpatalo.

"G-Gusto ko lang n-naman maging m-malaya.." Napatikip ako sa bibig ko ng lumakas ang hikbi ko. ".. m-masama bang m-maging malaya at maging m-masaya?"

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now