CHAPTER 8

719 47 24
                                    

"Kapag ba naglalakad ang butterfly tawag ba dun, butterwalk?"

Natawa ako sa sinabi ni Jace habang nanunood kami ng movie sa bahay. Nandito siya ngayon tumatambay dahil wala daw ang parents niya at nabored siya sa paglalaro kaya ang ending binubuwisit niya ako ngayon.

Today is saturday at kahapon pa lang nangyari ang Intrams at buti na lang wala'ng masyadong pinagawa sa amin na school stuff kaya libre ang oras namin.

"Sa tingin mo ba naglalakad ang butterfly?" Natatawang tanong ko.

"Ulol! May paa kaya sila, tamad lang kaya gumagamit ng pakpak para maka punta sa iba'ng dereksyon."

"Hindi ko pa nakikita'ng naglalakad ang butterfly eh." I honestly said.

Totoo naman kasi, simula pagkabata ko hindi ko pa nakikitang may naglalakd na butterfly dahil sa tuwing maglalanding sila sa bulaklak o kahit saan ay nags-stay lang sila tapus kong maramdaman naman nila ang presensya ng tao o kahit bagay ay lumilipad sila paalis.

"Kasi nga butterfly, hindi butterwalk." Saad n'ya sa akin.

"Corny mo." Natawa siya sa sinabi ko.

"Bakit? Tinanong mo ko, sinagot ko lang." Natatawang sabi n'ya.

I rolled my eyes. "Di ko na man kasi in-expect na may halong alien pala ang sagot mo."

"Bakit? Seryoso ka sa tanong mong yun?"

"Sa tingin mo nakikipag-biruan ako?"

He just struggle. "Anong malaya ko."

Binatukan ko s'ya kaya napa-aray siya sa sakit kong kaya't sinamaan n'ya ako ng tingin at inarapan ko lang s'ya.

Wala talaga'ng kwenta'ng kausap.

"Sadista ka na, Tyrell." Ani n'ya at humawak pa sa kaniyang dibdib.

"Gago mo, Jace."

"Wow, gwapo lang ako hindi gago." Napailing s'ya. "Nakakatakot kang mag-mura."

Ano daw? Anong nakakatakot dun? Natural lang sa isang tao ang mag-mura.

"Bakit mo nasabi nakakatakot ako mag-mura?" Nagtataka ko'ng tanong.

"Eh kasi sa mukha mo pa lang subrang mahinhin at mukha kang anghel tignan." He sight and shook his head then he look at me. "Pero sa oras na mag-mumura ka para ako'ng nakatitig sa isang anghel na naging demonyo."

Malakas ko s'yang sinipa dahilan para matawa s'ya. Walang hiya siya! Sabi ko na nga bang wala akong makakuha'ng tamang sagot sa tao'ng to eh!

"Biniro ka lang eh naninipa ka agad." Nakasimangot n'yang sabi.

"Seryosohin mo kasi sinabi ko! Pag hindi ako nakapagpigil hindi na sipa at batok ang gagawin ko sa'yo kundi suntok na." Pagbabanta ko.

He tsked. "Oo na! Sipa at batok matatangap ko pa pero yung suntok? No way! Bawas sa kagwapohan ko."

"Bilisan mo kasing sagotin tanong ko!"

"Ito na nanginginig pa eh." Natatawa n'yang sabi.

"Jace..." May pagbabanta sa aking boses.

"Okay. Meron ka kasi'ng switch modder, alam mo yun?" Tanong n'ya at tinangoan ko. "Sa tuwing nag-mumura ka kasi unexpected lang talaga ang mangyayari."

"Pano unexpected?"

"Yung tipong hindi ka magmu-mura ng ilang buwan tapus maririnig ka na lang naming mag-mura ng isang beses at sa oras pa talagang galit ka, Kaya nakakatakot eh."

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now