CHAPTER 21

453 42 1
                                    

"I didn't expect you to confess at him."

Napatalun ako sa gulat ng may bigla na lang nagsalita sa likuran ko dahilan para tumingala ako at tignan kong sino ito. I sight when I know who he is, iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya at tumingin na lang ulit sa nagiingay na dagat.

"You know that he will reject you once you confess." Hindi ko siya pinansin. "Your trying your luck, are you?"

Umiling ako. Alam ko naman kasi na masasaktan lang ako sa ginawa kong yun.

"Then why did you confess? Not that I don't want you confess to him it's just like, you know he like someone."

Huminga ako ng malalim bago napayuko at tinatanong ang sarili kung bakit ko nga ba inamin ang nararamdaman ko sa kaniya kung alam ko naman na ire-reject niya ako.

"I just did that to myself okay?" Umangat ang tingin ko kay Draven. "Kasi baka pag nag confess ako sa kaniya mawawala ang feelings ko bigla."

It's so risky. And I know that.

"Fool, do you really think that confessing your feelings to him will make you breathe easy?"

Natahimik ako. Tama nga naman siya, hindi ko rin alam kong nakahinga ba ako ng maluwag ngayon dahil inamin ko na ang nararamdaman ko kay Leo, I just feel empty right now. Umiwas ako ng tingin sa kaniya bago niyakap ko ang aking sarili.

"You know that it will just hurt you too much." Ani nito sa akin na tila ba ay mas may alam sa nararamdaman ko.

I rolled my eyes. Wala siyang alam kung bakit ko nga ba ginawa yun kaya hindi ko na lang pinatulan ang sinabi niya.

"Chismoso ka rin eh no?" Asik ko. Pagkatapus ko kasing sabihin yun ay bigla siyang sumulpot at inakbayan pa ako bago ako hinila at binubulongan kung bakit kasi daw ganiyan, at ganun ako.

I heard his laugh. "Hindi naman. Slight lang."

"Abnormal." Mahinang sabi ko.

Hindi na niya ako pinansin at tahimik lang kami habang nakatanaw sa dagat na nagiingay sa gitna ng tahimik na karagatan. Malalim ang gabi, tahimik ang paligid at maginaw ang hangin ngunit wala sa amin ang nagsalita.

Napakasarap na pakiramdam.

Niyakap ko ang sarili ko at dinadamdam ang malamig na simoy na hangin hanggang sa gumuhit ang ngiti sa aking labi ng narinig ko ulit ang ingay ng dagat.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa buhangin bago dahan-dahan ng lumalakad papalapit sa dagat na para bang tinatawag ako nito. Huminga ako ng malalim bago ko naramdaman ang tubig sa aking paa at sunod-sunod na naglalkad hanggang sa umabot na ito hanggang tuhod. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Draven na mariing nakatitig sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa nito.

Ngumiti ako ng magaan. "Dyan ka lang ba?"

Hindi niya ako sinagot at tinignan lang ako, ang mga mata niyang parang isang alon ng dagat rin at unti-unti akong nilulunod nito, ang mata'ng kahit gabi ay maliwanag kong nakikita. His eyes are always something when I will look back.

Beautiful yet dangerous. What a rear green eyes.

Nakita ko ang dahan-dahan niyang paglakad papunta sa akin ngunit kahit ganun ay hindi niya parin iniwas ang tingin. Nang nakalapit siya ay bahagya siyang yumoko upang makatingin sa akin ng maayos, rinig na rinig ko ang mga hininga niya dahil sa tahimik at malamig na paligid, alam ko rin kahit na nasa madilim kami na bahagi ng dalapasigan ay may makakakita parin sa amin.

"D-Draven." Tumikim ako ng naramdaman ko nanaman ang kakaibang pakiramdam na yun.

"Hm? Tyrell?" Napawang ako dahil sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now