CHAPTER 19

450 39 1
                                    

"A-Anong ibig mong sabihin? Bakit mo sinabi yan?"

Huminga ako ng malalim bago ko matapang na sinalubong ang tingin niya sa akin. Kahit naiinis ako sa sinabihan niya akong tanga at manhid ay natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.

"G-Gusto mo ba ako?" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob dahil sa tinanung ko sa kaniya. Masyado ng makapal ang mukha ko pero wala akong pakialam hanggat hindi niya sinasagot ang tanong ko ay hindi ako titigil.

Hindi siya nagsalita at mariin lang na nakatingin sa akin.

"Bakit hindi ka makapagsalita, Draven? Ang tapang-tapang mo kanina pero natitiklop ka ngayon." Huminga ako ng malalim. "Naputol ba ang dila mo dahil sa sinabi ko? Tinanung lang naman kita kung gusto mo ba ako o hindi? Simpling Oo at Hindi lang naman ang sagot mo-"

"Paano kung Oo? Anong magagawa mo?"

Napatigil ako dahil sa sinabi niya akala ko ay nagbibiro lang siya ngunit kita sa mga mata niya na seryoso siya sa mga sinasabi niya.

"H-Hindi ko alam." Hindi ko talaga alam, ano ba ang pweding gawin pag may umaamin sayo na gusto ka niya?

I heard his sight before he stand properly and look at my eyes straight.

"Para kang bituin, nagniningning nga pero ang hirap abotin at hanggang tanaw lang kita mula sa langit." Ani niya na siyang nagpakaba sa akin.

Teka. Bakit ako kinakabahan?!

"Or maybe your not just star shining at the night, your a moon. A moon who's too far to call you mine because I'm just a wolf howling at you every night."

Napalunok ako tila parang naging matigas ang buo kong pagkatao at palakas ng palakas ang tibok ng puso ko, hindi ko na rin alam kong ano nga ba ang isasagot ko sa dinagdag niya dahil baka magsalita o masagot ko siya I will just ended up shaking by unknown feeling.

Bakit parang ang dali lang ng sabihin niya yun sa akin? Bakit parang alam na alam niya na ang gagawin sa bagay nato? Bakit parang pinaghandaan niya na ang bagay nato? Bakit hindi man lang siya nahiya ng sabihin niya yun sa akin?

Sometimes I didn't understand him, oo nga isang buwan na kaming magkakailala pero hindi parin yun nangangahulugan na kilalang-kilala ko na siya. Because in the very first place I didn't know him well, hindi ko nga naisip na magkagusto siya sa akin because he just too high to me.

"Tulala ka diyan?"

Napakurap ako ng ilang beses bago ako napatingin kay Abigail na nakatingin rin sa akin.

Ngumiti ako ng pagalinlangan. Ganun na ba ka lalim ang iniisip ko at nakalimutan ko na may kailangan pa akong tapusin at nasa harap ako ng mga kaibigan ko ngayon.

"Ah. Masyadong maraming problema hindi ko na alam kong ano ang uunahin." Nasabi ko na lang. That's the safe answered to her question.

"Tama ka diyan! Ang hirap unahin ng mga problema natin, highschool pa nga tayo parang kinakatay na agad ang buhay natin ano pa kaya kong senior high na tayo." Pagre-reklamo niya.

"Yeah... Nahiya pa silang patayin tayo." Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi ng kaibigan ni Abigail na Shierra yata ang pangalan.

"Akala siguro nila smart tayo." Sabi naman ni Jace na siyang katabi ni Shierra.

Iwan ko ba sa lalaking to minsan na lang dumadaldal, Jace is friendly because of his bubbling attitude and a carefree person kaya marami itong kaibigan pero ngayon ay hindi siyang nagsasalita sa hindi ko malamang dahilan. Baka nga wala sa vocabulary niya ang salitang tahimik.

"Wow, nagsalita ka na talaga kala ko forever kang tatahimik diyan eh." Gaya ko ay napansin ito ni Cassandra na siyang katabi ko at kaharap niya.

"Nagfucos ako okay? Wag mo kong guluhin, tangina ka."

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now