CHAPTER 45

482 22 28
                                    

"Draven..."

Bumaba ang halik niya sa aking panga, mabibigat ang aking paghinga ng maramdaman ko ang manit nitong palad ni dahan-dahan na hinahaplos ang aking bewang, ang isang kamay niya ay nilagay nito sa aking batok.

Napasinghap ako ng bumaba ang halik niya sa aking leeg kung kaya ay hinawakan ko ang magkaibang balikat niya at mariin na nakahawak dun.

"Draven..." Napakagat ako sa pangibabang labi ng maramdaman ko ang paghawak ng kaniyang kanang kamay sa aking dibdib.

Napaninag ang tenga ko ng may narinig akong katok, bumalik ako sa reyalidad at mabilis na tinulak si Draven bago inayos ang sarili.

"Tyrell-"

"Professor Cortez?"

Para akong kinapus ng hininga ng may narinig akong boses sa aking likuran, ramdam ko ang mga titig niya sa likod ko kaya mas lalo akong kinabahan.

Draven cleared his throat. "Yes? Do you need anything?"

"Ito na po ang pinapahanap mo kay Professor.."

Umalis si Draven sa harapan ko habang hindi parin ako makagalaw sa kinakatayoan, para akong naistatwa dahil kahit ang aking paghinga ay limitado pa.

"Thanks.. just tell your Professor that I appreciate this so much." Rinig kong sabi niya.

"Okay po.. una na po ako, Prof."

Narinig ko ang paglalakad niya paalis bago ako nakarinig ng sirang pinto, malakas akong nagbuntong hininga bago kinapa ang aking dibdib na kung saan bumilis parin ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. May narinig akong tunog ngunit hindi ko na inalintana 'yon dahil pinapakalma ko pa ang aking sarili.

"Should we continue?" Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsasalita ni Draven sa aking likuran.

Napalingon ako, kunot noong nilingon siya. "Anong sabi mo?" Tanong ko.

"The kissing. We should continue that."

"Gago. Hindi ako marupok." Bago ko pa mabawi ay nasabi ko na.

Really self di ka marupok? Kung di ka marupok bakit mo hinayaang halikan ka niya? Ano 'yon free taste lang?

"Tyrell-"

Nagmadali akong tumalikod at walang lingon na umalis sa office niya, rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko pinansin at pinagpatuloy ko parin ang pagtakbo ko.

Napailing pa ako habang lakad takbo papunta sa room. Damn, bakit ba kasi ang rupok ko?!

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng oras at hindi ko man lang namalayan na naglalakad na ako papauwi sa amin, hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ko ang sariling isip na lumilipad lang at hindi man lang nakikinig sa daldal ni Faith.

Napatigil ako na siyang ikinatigil ni Faith. "Bakit Tyrell?! Ayos ka lang? Bakit ka tumigil?!"

Napawang ang labi ko habang nakatitig sa isang dereksyon, hindi ko alam kung bakit bigla na lang nanginig ang mga kamay ko at ang puso kong dinadaga na dahil sa kaba. Sana mali ang nakikita ko.

"Sino ba ang tinitignan mo?" Tanong ni Faith at lumapit pa sa akin bago niya sinundan ang tingin ko. "Kilala mo yan, Tyrell?"

Hindi ako nakapagsalita. This can't be.

"Tyrell? Kilala mo?" Lumingon sa akin si Faith, nagtataka na ang mukha. "Bakit sila nakatayo sa labas ng bahay niyo?"

Biglang tumulo ang luha ko habang nakatitig sa kanila, napakagat ako sa aking pangibabang labi. Nagpanic agad si Faith ng nakita niya ang luha ko at pinipilit akong magsalita ngunit tila wala na yatang lumalabas na salita sa bibig ko habang nakatitig lamang sa tatlong tao na nakatayo sa labas ng bahay.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now