CHAPTER 13

615 52 94
                                    

"Ayoko na! Kanina pa tayo dito eh!"

Ang hirap naman kasing turoan nito! Kala ko pa naman mapapadali ako pero mukhang aabutin kami ng madaling araw nito! Hinilot ko ang sintido ko habang tinitignan ang papel na nagkalat sa maliit na lamesa.

Kanina pa ako nakauwi at nadatnan ko lang si Kuya na nanunood ng TV. Pagkatapus sabihin ni Leo yun ay tumawa lang ito habang wala naman ako sa sarili dahil pinoprosesso ko ang sinabi niya.

I know I should not take that pick up lines serious but I can't stop, nagiging paranoid ako at buti na lang hindi nila nahalata yun hanggang sa napagdesyonan naming umuwi na since wala ng masyadong tao sa campus.

Kaya para tuloy akong tanga dahil sa lalim ng iniisip

"You can't give up! You promise!"

Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na kinuha ang papel na kanina pa niya hawak. Tinignan ko yun at napasampal na lang ako sa noo ko ng mali na naman ang pagsagot niya!

"Akala ko ba may nagtuturo sa'yo dun?! Bakit parang wala kang natutunan?!" Inis na sigaw ko.

"Don't shout!"

"Mag tagalog ka kasi!" Tinutok ko sa kaniya ang ballpen na hawak ko. "Isang english mo pa, susuko na talaga ako!"

"Oh come on, Lex! This is unfair! You promise to help me yet you give up?!" Saad nito.

"Eh akala ko naman kasi mapapadali ang pagtuturo ko since you are freaking genius!"

Hindi ito sumagot at ngumoso na lang, inarapan ko siya at nagsimulang gumawa ng question sa kaniya para mahasa siya sa filipino, I even practice him to read the deep tagalog pero imbis na papasalamat ang natatangap ko ay mga reklamo niya!

Ako na nga ang naghihirap gumawa ng malalim na tagalog may gana pa siyang magalit at mainis?!

"What's the meaning of this one?" Tinuro niya ang words na nasa papel.

"Ano? Basahin mo." Sabi ko at bumalik sa pagsusulat ng mga words. "Basahin mo na makikinig ako."

Hinintay ko parin ang sasabihin niya ngunit dumaan lang ang ilang minuto tanging ang paghinga niya lang ang narinig ko. Di ko tuloy maiwasang magangat ng tingin sa kaniya.

Napakunot ang noo niyang tinitignan ang papel na tila sinusuri niya ito at mabibigat pa ang paghinga na tila ay nahihirapan.

"Ano?!"

Sinamaan niya ako ng tingin at binalik ang tingin sa papel, nagsalubong na ang kilay niya na tila hirap na hirap na, gusto na yata itong sumoko pero pinipilit niya na lang intindihin.

"Fuck, can you read this to me?!" Inis niyang tinapun sa akin ang papel.

Umirap na lang ako sa kaniya. Bakit kasi ang tagal sumoko! Nagaaksaya lang ng oras eh! Tinignan ko ang nasa papel.

"Pinakanakapagpapabagabag-damdamin" Pagbasa ko ng dahan-dahan dahil medyo nahirapan ako. Mahina pa akong natawa dahil sa paraan ng pagbasa ko.

Nakunot ang noo niya. "What's the meaning of that?"

Napaisip ako bigla at inaalala kung ano ang ibig sabihin ng binasa ko.

"The most emotionally disturbing thing or maybe upsetting not disturbing?" Ani ko na di sigurado. "Ah! You can pick one of the two words whatever you want."

"The most emotionally disturbing thing?" Pagsigurado niya na tinanguan ko na lang.

Tumayo ako at sinabihan sa kaniyang magtuloy siya sa pagbasa at kukuha lang ako ng pagkain. When I open the refrigerator I quickly got some snacks and juice bago bumalik, nakita kung nakunot na naman ang noo niya mukha itong nahihirapan pero pinagsisikapan niya parin.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now