CHAPTER 17

456 49 2
                                    

"Are you sure he's not coming?"

Nandito na kami sa mall at kasama ko si Sasha habang sinamahan naman ni Jace si Cassandra. I only told Sasha about my brother message that he will not come home today, kaya naiinis tuloy siya.

"Siya mismo ang nag-text diba? Kahit basahin mo pa na pulit-ulit." Sabi ko na may sama ng loob.

May sinasabi si Sasha sa sarili niya pero hindi ko ito gaanon'g naring ngunit hindi ko na lang rin pinansin.

Tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag. Tinignan ko yun agad na sinagot dahil alam kung naiinip na ito kakahintay sa amin.

"Kuya can't come. The birthday party was postpone." Agad na bungad ko kay Agatha ng sagutin ko ang tawag niya.

"What the hell?!" Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga dahil sa lakas na sigaw niya.

"Yeah, what the hell."

"Naghintay ako ng ilang oras dito dahil isasabay niyo ko sa bahay niyo! I already told mom and supprisely she just let me at tapus hindi pala matutuloy?!"

I groaned. "Pwede ba? Hindi lang din ikaw ang naiinis kaya wag kang sumigaw dahil sumasakit ang tenga ko!"

"Tangina naman yan!"

Nilapag ko na lang ang phone ko at nilakasan ang volume bago pinindot ang speaker. Nakakasakit sa tenga ang sigaw at reklamo niya.

"Hindi pa pweding ituloy na lang? Hayaan mo na lang kung wala ang nagbi-birthday dahil tayo naman ang makakaubos ng pagkain." Agarang sabi nito.

Nagsalubong ang kilay ni Sasha dahil sa narinig niya kay Agatha.

"Pwede ba yun?" Usisa ko.

Pwede kaya yun? Kasi kung pwede ipapatuloy ko na lang at kami na lang ang kakain ng lahat ng pagain.

"Gaga ka, Oo naman syempre! Hindi naman purket wala ang nagbi-birthday sasayangin lang natin ang pagkain."

"Hindi naman sa sinasayang ko ang pagkain, nakakalungkot lang kasi."

"I know. Pinaghirapan mo eh yet hindi pala matutuloy at masasyang rin."

"Ewan ko ba, nasaktan ako ng hindi pupunta si kuya, para bang sinasampal ako ng mundo na hindi ako karapatdapat na mag-celebrate at magpa-celebrate."

"Gaga ka. So ano na lang ang gagawin mo sa pagkain? At dun na lang ako matutulog sa inyo since sinabihan ko si mom na sa bahay niyo ako mag stay."

Napaisip ako sa sinabi niya. Masyadong marami ang pagkain na niluto namin at hindi naman pweding itapun yun dahil sayang rin.

"Ibigay na lang kaya natin sa mga batang kalye ang pagkain?" Suggestion ko. "Tutal marami naman yun."

"Hala ka naman Tyrell, hindi sa ayaw ko sa suggestion mo ha? Actually nagustohan ko siya, pero kasi parang pinagsasampal mo sa amin na hindi namin deserve na kumain, tangina ka." Natawa ako sa pagmumura niya.

"Hindi naman sa gan-"

"Okay what if ito na lang ang gagawin natin, ibahin natin ang pagkain na sapat lang sa atin tapus yung iba naman na matitira ay ipamigay natin ayon sa kagustohan mo, okay na ba?" Napatango ako sa sinabi niya kahit hindi naman niya nakikita.

"Okay na sa akin." Ani ko nito at nagpaalam na para sundoin na namin siya.

Niyaya ko si Sasha na samahan ako para hanapin sila Jace, hindi naman kami natagalan sa paghahanap sa kanila dahil nakita agad namin sila palabas ng supermarket.

Sinabi ko kay Jace na hindi pupunta si Kuya sa birthday party niya and as usual nagreklamo siya at tanung ng tanung sa akin kung ano ang dahilan ang sinabi ko na lang na busy si Kuya kahit pati ako hindi rin alam.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now