CHAPTER 27

358 21 13
                                    

"Gising ka na pala, akala ko hihintayin mo pa ang katok ko."

Bumungad ang mukha ni Jace ng buksan ko ang kwarto, nakataas ang kamay nito na akmang kakatokin ang pinto.

"Nakakahiyang paghintayin si Tita." Nasabi na lang.

Binaba niya ang kamay niya. "Oh, dapat lang dahil siya pa naman ang nagluto."

Maliit na lamang akong ngumiti sa kaniya bago ako lumabas sa kwarto at naglakad na pababa na ikinasunod niya naman sa akin.

Pagkatapus akong kausapin ni Teacher Daisy lumabas na ako dun na walang imik at gaya parin ng dati kung saan pagkatapus sa school ay sa bahay umuwi kahit gusto man pumunta sa hospital ay hindi ako pinayagan ng kuya ko.

Gusto kong magalit sa kaniya pero hindi ko kaya dahil baka nga tama ang ginawa niya na wag muna akong pumunta sa hospital dahil baka malimutan ko na nagaaral pa ako.

Nung papauwi ako sa bahay ay nandun na si Tita. Ang mama ni Jace. Nakatayo siya sa harap ng gate at ng nakita niya ako ay agad niya akong inaya na sa bahay na nila ako matulog, nung una ay ayaw ko dahil kaya ko naman ang sarili ngunit hindi niya ako pinayagan at kinulit kaya kahit nakakahiya ay hindi na lang ako umangal.

Kaya nung nakarating kami ay nakipaglaro sa akin ang kambal at hindi ko na lang tinangihan dahil gusto ko munang mawala ang mga pagaalala ko kay papa kahit pansamantala.

Pero kahit ganun, wala parin pinagbago sa takbo ng buhay ko.

Paulit-ulit na lang at nagsasawa na ako.

"Wala ka bang practice sa volleyball mo, Ate Ty?"

Napatigil ako sa pagtatahi at tinignan Jail na nakababa ang binurda at nakatingin sa akin ng hihintay ng sagot.

"Hindi kami nakasama, mga college student ang maglalaro sa next competition."

"Astig rin ng school niyo no? Every grade level may maglalaro sa mga laro if may competition na sinalihan ang school."

Napailing ako. "Hindi rin, dapat nga hindi na kasama ang mga college dahil dagdag oras lang nila yun. Hindi nga nila kayang i-balance ang oras nila, mas lalo silang mas-stress niyan."

Tapus makikita mo na lang sa facebook na magpo-post na sila ng nas-stress na sila sa mga academic works. Hindi lang rin college ang gumagawa niyan kundi pati ang ibang grade level.

Ibang klaseng istudyante.

"Kung hindi na nila kayang i-balance ang oras nila, bakit sumali pa sila?"

"Aba, ewan ko, malay ko sa kanila." Sabi ko kay Jail.

Pinagpatuloy ko ang pagtatahi at tinapus ko na lang bago ako tumayo at nagpaalam kay Jail na uuwi na muna ako upang maglinis ng bahay hindi niya rin naman ako pinagilan katulad ng ginawa niya nung una.

Naglalakad ako papaunta ng bahay ng napatigil na may nakitang isang bultong taong nakatayo sa gate namin.

Napawang na lang ang labi ko ng makilala ko kung sino ito bago ko siya nilapitan.

"Drav! Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kaniya ng makalapit ako sa kaniya.

"Ty, hindi mo sinasagot ang tawag ko." Mahinang sabi niya.

Napatigil ako bago kinapa ang sarili bago napaisip kong saan ko nga ba nilagay ang cellphone ko at dun ko lang naalala na lahat ng gamit ko ay nasa guess room sa bahay nila Jace.

"Sorry, nalimutan ko ang cellphone ko sa bahay nila Jace."

Nawala ang ngiti niya sa hindi ko malamang dahilan.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now