CHAPTER 26

341 31 8
                                    

"Lex, you should rest."

Nakatulala lang ako habang hinihintay lumabas ng doktor sa kwarto. Subrang lakas ng tibok ng puso ko at mababa ang mga paghinga nagdarasal sa may kapal na sana maging maayos ang pagkaka-opera kay papa.

"Come on, Lex, papa will never happy if he saw you like that." Sabi ni Thrion.

Umiling ako. "Maghihintay ako ng resulta, Kuya."

Gustohin ko mang magtanong kung bakit may sakit si papa ay hindi ko magawa, gusto ko rin itanong kung ano ba talaga ang sakit niya ngunit hindi ko kaya.

"Papa is strong, Lex." Pagpapalakas loob niya sa akin.

"Kaya nga maghihintay ako."

Hindi na siya sumagot at tinabihan na lang ako sa pagkakaupo kaharap sa kwarto kung saan siya inoopera.

Napakuyom ko ang kamao ko at yumoko bago pinikit ang aking mga mata at nanalangin na sana makakasama ko pa si papa ng matagal, humihiling sa may kapal na kung ano mang sakit ni papa ay malalampasan niya.

"He have already that illness, Lex." Basag niya sa katahimikan.

Napangat ang ulo ko kay Kuya Thrion na nakatingin lang sa harapan bago ito napatingin sa akin.

"He didn't told you about that because he didn't want you to get worried about him." Pagpapatuloy n'ya.

"S-Sa tingin niya ba hindi ako m-magaalala ngayon?" Basag kong boses na tanong.

"I'm sorry."

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

"He thought that it will never came to the point that he needs to go in OR." Kuya Thrion said while I'm looking at the clock.

Bakit ang tagal ng oras? Ang sabi nila ay mabilis umikot ang oras pero bakit ngayon ay pakiramdam ko ang bagal nitong umikot?

I have been running all my life, but why do I still feel like l have reached nothing?

Hindi ko alam kung bakit ang mga taong naging mabait sa mundo ay siya ang unang kinuha habang ang mga taong masasama ang ginawa ay siya pa ang may mahabang buhay na natitira.

Mga taong kahit kailan walang kasiguradohan at walang pananalig sa Kaniya, mga taong iba ang tinahak na buhay sa mundo, ang mga taong higit na mas masama pa, sila ang mga taong mahaba ang buhay sa mundong ito.

Ayoko lang dumating sa puntong kailangan ko ng maging masama para humaba ang buhay ko.

"Ty! Kung balak mong sumunod kay Tito, wag ka na talagang magpakita sa akin." Sabi sa akin ni Jace ng ilayo ko ang plato na may laman na ng pagkain.

I sight. "Wala akong gana."

"Tyrell, succes naman ang operasyon ni Tito diba? Hintayin na lang natin na gumising siya." Umopo si Jace sa harap ko. "Kaya imbis na madepress ka kakaisip diyan, bakit hindi mo na lang isipin ang kapakanan mo sa ngayon? Kailangan mong umusad, Ty."

Napaangat ang ulo ko na galing sa pagyuyuko at tinignan ang kaibigan ko na si Jace na maliit na ngumiti sa akin.

"Hindi sa lahat ng bagay ay kailangan mong tumigil sa isang sitwasyon na akala mo mawawala pati kinabukasan mo. Sure, you will stop but for about  a minutes and after that you will start walking into the path that you chose. Hindi mo kailangan tumigil ng ilang araw sa isang bagay na kahit gaano pa ito ka importante."

Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa bago niya ito hinawakan ng mahigpit.

"Kailangan mong umusad, Tyrell. Dahil kahit anong tigil mo at kahit anong gawin mo sa isang sitwasyon ay wala paring magbabago, nasa Kaniya parin ang desisyon at wala sa'yo."

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now