CHAPTER 29

287 20 24
                                    

TW: Abuse

"Paalisin mo yan dito."

Ang masayang ngiti ng lalaki ay unti-unting nawawala ng ituro ko siya at hindi man lang pinansin dahil ang buo kong attention ay na kay mama lamang.

"Tyrell! Wag kang bastos!"

Napataas ang kilay ko. "Ako? Bastos? Gayong ikaw naman ang nagdadala ng lalaki sa bahay ni Papa. Sino sa atin ang bastos ngayon?"

"Wag mo kong ginagalit, Tyrell! Mag sorry ka sa Tito Aron mo!"

"Bakit ko naman gagawin yun?"

Natawa siya ng sarkastiko bago niya ako dinuduro. "Yan ba ang tinuro ng teacher mo sa'yo? Ang maging bastos ha?!"

"Bakit mo pinapasa ang kasalanan mo sa mga teacher ko? Wag mo kong pagalitan na para bang may ginawa kang tama simula ng na hospital si Papa." Tinapik ko ang kamay niya. "At wala kang karapatan na duroan ako na para bang hindi mo rin ako, si Kuya at si Papa na binabastos."

But as I got older, I realized something. It’s exhausting to live your life for someone else.

To twist and contort. To dull and minimize. To bend, and bend, and bend on the verge of breaking just to fit what you think someone else wants you to be.

Only to have to start all over again when the next set of eyes decide they don’t like what they see.

"You, Okay?"

Nagangat ako ng tingin at nakita si Draven na nasa harapan ko. May hawak pa siyang folder na hindi ko alam kong anong laman at nakasabit ang bag sa kabilang balikat.

I answered him. "I'm fine."

Nakatitig siya sa akin ngunit agad ring nagiwas ng tingin at umupo sa harapan ko at nilapag niya ang folder sa harapan.

"Anong laman niyan?" Tanong ko sa kaniya bago yun kinuha at binuksan ngunit agad ko ring sinara dahil wala akong naintinidhan.

He laugh because of what I did. "That's is all about business works and staff." He answered.

"You want to be a business man?" Gulat kong sabi.

Nawala ang ngiti niya ngunit agad rin niyang pinalitan ng maliit na ngiti kaya bahagyang nangunoot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Bakit? May problema ba?"

Nagiwas siya ng tingin. "Maybe I will be a business man someday." Mahinang sabi niya ngunit halatang napipilitan lang sabihin yun. "What are you doing, by the way? Kanina ka pa nakatulala dito sa waiting shed."

"Marami lang iniisip." Napalabi ako dahil sa sinabi ko.

"Talaga? Why are you look... Wasted?" Mahina ngunit maingat niyang sabi.

"H-Huh? Baka pagod lang sa school!"

Ayan na naman ang mga berding mga mata niya na nakatulalang natitig sa akin na tila ba malalim ang iniisip pero agad agad rin namang nagiiwas ng tingin pag natatauhan.

"Anyway, I'm sorry if I said something that makes you offend last time."

"Oh that? It's okay, nabadtrip lang talaga ako dahil nawala yung kilig sa pick-up lines ko." Natawa pa ako dahil subrang baba ng rason ko. "Subrang childish ko ba? Sorry meron ako nung araw na yun eh. Madali lang mabadtrip."

Napatango-tango siya. "I understand and again I'm sorry."

"Wala na yun! Ano ka ba!"

Magsasalita na sana siya ng may tumawag sa kaniya dahilan para sabay kaming mapatingin sa pinangalingan ng boses pero napairap na lang ako ng makita kung sino ang papalapit sa amin.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now