CHAPTER 43

364 26 13
                                    

"Sorry talaga! Tyrell!"

Ngumiti lang ako sa kaniya. Kanina pa siya sorry ng sorry kahit wala naman siyang kasalanan sa nangyari.

"Wala ka nga kasing kasalanan."

She pouted. "Feeling ko lang kasi kung hindi kita dinaldal hindi ka ipapatawag sa office ni Prof."

"Ayos lang.. baka nga kakausapin ako dahil absent ako kahapon diba?" Sabi ko. "Diba kinausap kahapon ang na late nung isang araw? Baka 'yon rin ang dahilan nun."

"Pero bakit kailangan sa office pa n'ya? Kasi 'yong mga na-late kasi ay kinausap niya lang sa loob ng room."

Hindi ako nakasagot sa kaniya pero agad rin akong nagisip ng dahilan. Pero kasi.. bakit ako pa ang maghahahanap ng dahilan kung pati ako wala rin akong alam diba?

Halatang gusto mong makasama self.

Gusto ko tuloy tirisin ang sarili ko dahil sa inisip, huminga na lang ako ng malalim upang kumalma.

"Hayaan mo na! Puntahan ko na baka mas lalong magalit 'yon, isa pa nakakolats naman kasi ng sagot ko sa kaniya."

"Isa pa 'yon! Ba't naman kasi sinabi mo 'yon, Ty?"

Napaiwas ako ng tingin. "Totoo naman kasi ang sinabi ko!"

"Ewan ko sa'yo! Feeling ko talaga may galit ka sa kaniya!"

Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi n'ya. "Gaga! Ba't naman ako magagalit? Kilala ko ba?"

Kilala ko pa ba? Ang mga katagang yan talaga ang gusto kong masagot lalo na kung ang sasagot sa tanong na 'yan ang ang mga taong iniwan ako.

Ang mga taong sinaktan ako ng hindi nila alam.

Minsan may nagtanong sa akin na kung may nais man daw akong isigaw sa mundo, anong isisigaw ko.

Sa totoo lang sobrang dami.

Gusto kong ibalik sa mundo lahat ng sakit na kanyang binabato, isisigaw ko na, 'sa dinami-rami ng tao, bakit lagi na lang ako?'.

Gusto kong isisi sa mundo lahat ng nararamdaman ko, isisigaw ko na, 'paborito mo ba akong saktan? Bakit lagi na lang ako?'

Gusto kong sumbatan ang mundo kasi pakiramdam ko pinagkakaisahan ako, isisigaw ko na  'kilangan ko rin ng kakampi, bakit kasi lagi mong kinukuha ang mga taong importante?'

Gusto kong tanungin ang mundo kung bakit ang hirap niyang kalabanin, isisigaw ko na, 'pagpahingahin mo naman ako kasi malapit na akong sumuko'

Gusto kong kagalitan ang mundo dahil hinahayaan niya akong saktan, isisigaw ko na, 'wala na bang iba, pwede sila naman?'

Pero hindi ko magawa, dahil sa kabila ng lahat ng sakit, marami pa ring magagandang nangyari ang naipapalit. Hindi man araw-araw na mabuti ang mundo, marami naman itong ipinakita para maging isa akong mabuting tao.

"Ah! Basta! Ewan ko sa'yo! Sige na!"

Nabalik ako sa reyalidad ng isigaw n'ya 'yon sa harapan ko kaya napailing na lang ako at kinawayan siya upang magpaalam dahil baka mas lalo akong pagalitan dahil ang bagal ko.

"Una na ako, Tyrell! Chat ka lang sa akin kung nakauwi ka na, okay?!" Sigaw niya habang paatras na umaalis.

Napangisi ako bago umiling. "Oo na! Wag ka ngang ganiyan maglakad! Pag may mabangga ka sige ka!"

"Heh! Sige na! Ako na ang magsasabi sa mama mo!" Tumango ako at hindi na siya sinagot, tumalikod naman agad ito at tumakbo papalayo.

I sight. Sometimes I need to remind myself that I'm the one who carried my through the heartache. I'm the one who sits with the cold body on the shower floor, and picks it up. I'm the one who feeds it, who clothes it, who tucks it into bed, and I should be proud of that. Having the strength to take care of myrself when everyone around me is trying to bleed my dry and that is the strongest thing in the universe.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now