CHAPTER 7

861 54 18
                                    

"Ty! Pa-copy!"

Napalingon ako kay Jace na kakarating lang sa room. Basa ang buhok niya at magulo, hindi rin nakaayos ang necktie niya at gusot ang uniporme, kita kong malalaking eyebags na mukhang pinagpuyatan yata ang paglalaro ng games kaya nakalimotang may pasok.

Ibinaba ko ang notebook ko at tinignana siya ulo hanggang paa, hindi ko alam kong matatawa ba ako o ano, naka full uniform siya habang ako naman ay naka pantalon lang at naka up-shoulder na color yelow dahil yun ang kulay namin ngayong Intrams.

Napatigil pa siya ng ilang sigundo'ng pagtitigan sa akin bago ngumiwi at tumingin sa paligid niya, lahat ng kakalse ko ay nakatingin sa kaniya na nagtataka dahil siya lang ang naiiba. Kinamot niya ang ulo niya at napapikit dahil sa inis at marahang hinila ang buhok bago idinilat ang mata at tumingin sa akin na kagat ang pangibabang labi.

"My extra T-shirt ka?" Tanong ko. Ngumoso siya at umiling. "Wala kang baon?"

"Nalimotan kong Intrams nga pala." Saad n'ya. "Ang nasa utak ko kasi yung assignment sa math na ngayon ipasa, kaya nakalimotan ko na Intrams."

"Kong sa assignment ng math lang pala ang inalala mo kahapon bakit nanghihingi ka ng sagot ngayon sa akin?"

"Eh diba sabi ko copya lang ako sa'yo? Kaya nga nanghihingi ako ng sagot."

I tsked. Ibinigay ko sa kaniya ang one whole sheet of paper kaya ay dalidali rin niyang kinuha yun at hinalungkat ang bag para yatang kunin ang one whole n'ya bago nagsimulang mangopya.

Tinignan ko siya at inalala ko ang nasa isip ko kahapon na posible bang magkagusto ako kay Jace. Meron siya'ng mahabang pilik mata, matangos ang ilong, moreno rin ito at matangkad, mapupulang labi at kulay brown ang mata. Sa tuwing nagseseryoso s'ya ay mukha siyang masungit na mayaman kahit mayaman naman talaga sila ngunit sa oras na ngumiti ito ay iba'ng iba ang ugali niya sa inisip ng tao.

Matangkad. Mahabang pilik mata. Matangos ang ilong. Moreno, Mapupulang labi at Magagandang kulay brown na mata. Pero kahit ganun hindi ko s'ya nagustohan dahil siguro ay matagal ko na siyang kilala at alam ko ang mga kalokohan niya sa buhay.

"Tyrell, hindi ko maintindihan itong number six mo." Bigla'ng saad n'ya sa akin.

Tumingin ako sa tinuro niya at inilapit ang mukha doon para makita at malaman ko ng maayos bago ipinaliwanag sa kaniya. Nang naintindihan niya ay kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Agatha.

Me:

Intrams n'yo ngayon diba?

Ibinaba ko ang cellphone ko ng magtanong ulit si Jace, ipinaliwanag ko naman sa kaniya kong paano isolve ng mabuti. Nakatayo parin siya habang nasa likod ng upoan niya, ang papel niya ay naka patong lang sa arm chair.

Hindi ba siya nangangawit?

Hinampas ko tuloy siya. "Umopo ka nga."

Hindi naman ito nagreklamo at umopo rin, nakasuot parin s'ya ng bag niya na bukas kaya napailing na lang ako at ako na ang nagsara.

Napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog yun.

Agatha:

Oo, kayo rin diba? Saan pala kayo kakain ni Jace? Daanan niyo ko sasabay ako sa inyo ha?

Umayos ako ng upo at nagsimula'ng magtipa sa cellphone. Nilingon ko si Jace na nakunot ang noo na mukhang nahihirapan.

Napairap tuloy ako. Siya na nga ang nangongopya siya pa ang may ganang nahihirapan?!

Wow, Tyrell mukha naman yata'ng ikaw rin ang sumagot.

Napailing ako bago itinuon ang tingin sa cellphone at binasa ulit bago sinend kay Agatha.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (Under Edited)Where stories live. Discover now