Suga 14 - (Akin Lang si Carmille?!)

8.5K 611 407
                                    

14

"Ang tagal ni Xander..." sabi ni Seth na nakasandal sa kotse at tumitingin sa orasan niya.

"Iwan na natin yun, baka kasama niya si Agnes sa La Presa." seryosong sagot ni Shawn na nakaupo sa isang malapit na bench sa parking lot. Napatingin kaming lahat sakanya. Lakas maka-teleserye ni Shawn, parang yung teacher ko lang sa Filipino na puro daldal. Anywaysssss...

"Fuchsia! SINO SI AGNES?!" sigaw nila Keith, Seth, Alexis, Red at Jace.

Nagulat naman si Shawn sa inasal ng mga kaibigan niya.

"Yung babaeng nagtatanim ng strawberry." kibit-balikat na sabi ni Shawn.

strawberry ... StrawBEARyy *insert derp face. HAHAHA sige makasingit lang. XD

"Ang babaw naman ng taste ng isang Xander Aquino, sa magsasaka lang napunta. No fun! No fun~!" umiiling-iling na sabi ni Alexis.

"Ay wait. Si  Xander ba na kaibigan natin ang hinihintay natin? Akala ko si Xander Grande eh. Huehue" palusot ni Shawn sabay peace sign. Alien talaga kahit kailan, nasa pluto ata utak neto eh.

"Bro, gusto mong isuksok kita sa jams ko?" seryoso pero mapang-asar na sabi ni Jace. Yung cheecks niya na naman oh! Ang tambok shemayy!

"Tumigil ka diyan, Jace. You got no jams." singit ni Red.

"And you got no height." isa pa 'tong si Seth. Napasimangot tuloy si Jace.

"And you very no fun." dagdag pa ni Alexis.

"And you..." napatigil si Shawn sabay tingin sa langit, wala siyang maisip eh. May memory loss. xD Magpacute ka nalang, Shawn. HAHAHA

"Uy, kayo ha! Grabe kayo makalait kay Jace." saway ko sakanila na pinagtatawanan na nama si Jace baby loves.

"Jusme, Carmille. Wag mong i-baby yan, sanay na yan. Dami lang arte. Tss." sabi ni Keith sabay nagpamulsahan at tumingin sa malayo. Nagfefeeling na nasa photoshoot. Arte mo, bh3!

"Kung nandito si Johann, silang dalawa ni Carmille ang magiging kakampi ko!" sabi ni Jace sabay belat sakanila.

O__________O J-johann? Si K-kuya ba ang tinutukoy ni Jace?

Nanigas ako ng marinig ko yun. So totoo nga na kaibigan nila si Kuya. Mataas na naman ang possibilities na isa sila sa mga rason kung bakit nagkaganun si Kuya.

"Dami alam. Tara na, kaya naman umuwi nun mag-isa ni Xander eh. Pa-princess ampucha." sabi ni Red sabay pasok sa van.

Nag-aalangan akong pumasok nung una, kaso bigla akong hinigit ni Keith papasok.

Si Alexis ang nagmamaneho, katabi niya sa unahan si Red. Magkatabi naman sila Jace at Seth sa unahan namin ni Keith, at sa pinakalikod si Shawn na muntanga na naglilipsync ng kanta na pinapatugtog sa loob ng van.

Nakapikit si Keith at nakasandal sa salamin ng van, naka-earphone na naman.

Inalis ko yung isang earphone.

"Ayy pucha!" sigaw niya sabay tingin sakin. "Oh, what?"

Huminga muna ko ng malalim saka nagtanong, "S-sino yung tinutukoy ni Jace na J-johann?" mej nangingilid ang luha ko nang sambitin ang pangalan ng kapatid ko. Laging nagfflash sa utak ko ang mga pagwawala at pagsisigaw niya.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon