Suga 52 - Sign

5.5K 366 561
                                    


52 - inlove na ako sa piano cover ni smyang.  <3




CARMILLE's POV


"Carmille, I'm sorry--"

"Huwag mo kong kausapin, Kevin, dahil beastmode ako sayo. Nangangain ako kapag galit, mukha ka pa namang roast beef! So shut your mouth." mataray kong pagpipigil sakanya.


Ngayon nasa loob kami ng kotse niya. Siya ang nagmamaneho. Tahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat. Ayoko naman talagang sumabay sa ulol na 'to kaso wala akong choice. Nakalimutan ko ang wallet ko sa bahay. Oh di ba?

Nagpupunas pa din ako ng tisyu sa mga mata ko, dahil peste lang, kanina pa ako umiiyak at mukhang ito na ang may forever. Di ko alam kung umiiyak ako dahil sinampal ako ni Vanessa kanina o dahil ang cold ng tingin sa akin nila Keith. Both yata ang sagot. Ang sakit sa feels.


"Matalik kong kaibigan si Johann. Nagpaalam siya sakin na gusto niya daw maging kaibigan ang Stanville Army, and I let him. Nagkanya-kanya kami. Inayos ko ang family business at sinunod niya ang kagustuhan niya. Months passed, nalaman ko nalang na he's taking all the vices na hindi ko inakalang gagawin niya. Ni ako hindi ko siya napigilan sa bisyo niya. And I assumed that kasalanan ng Stanville Army ang lahat, kung bakit nagkaganon ang kaibigan ko. Yun ang rason kung bakit galit na galit--"

"SINABI NANG YUNG PAKE KO PARANG PUSO MO, WALA! ILANG BESES KO NANG SINABI NA ITIGIL PERO NAGPUPUMILIT KA PA RIN! ALAM KONG MAY MALI DIN AKO PERO WILLING NA AKONG MAGBAGO, PERO IKAW ANO? GANYAN BA TALAGA ANG GUSTO MONG ROLE SA MGA ISTORYA? ANG MAGING KONTRABIDA?!" umiiyak kong sigaw sakanya. Sumabog na talaga ako sa sobrang galit.


Ilang buwan ko na ding kinimkim ang galit na yun kay Kevin. Tinrato ko na siyang parang kapatid and in return ganyan pa ang gagawin niya. This time galit ako sa sarili ko, sakanya, pati sa kapatid ko. Pero mas galit ako sa sarili ko. Sarili kong kapatid si Kuya Johann pero dahil sa kwinento ni Vanessa, parang hindi siya ang Kuyang tinitingala ko.

Isa siyang ekstranghero para sa akin. Isang taong hindi ko kilala.

Natigil naman si Kevin nang sumigaw ako. Yan, makuha ka sa sigaw. Sa ngayon talaga, mas gusto kong mag-emo, mapagisa, umiyak lang ng umiyak until I feel better. Hindi ko kinaya ang mga nangyari. Parang nilalamon ako ng pagkatao ko.


"I'm truly sorry, Carmille. Kasalanan ko na. Promise, hindi na ko uulit. This will serve as a lesson for me. Now, ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ko? Should I run after Keith for you? Hindi lang si Johann ang gusto kong ingatan, pati ikaw din. So tell me, and I'll do it for you." nagmamakaawang tanong sa akin ni Kevin.

Hindi ko siya sinagot. Gawin niya gusto niya. Tutal doon naman siya magaling, sa pagpaplano ng mag-isa, pag-aksyon ng mag-isa. Kaya bakit niya pa hinihingi kung ano gusto ko? Magaling siya magmagaling, di ba? Edi dun siya. Kingina.

"I get it. You hate me. I promise to make it up to you. Gagawin ko lahat." he assured me.

Pagpaputi nga di mo magawa, yan pa? Inamo, Kevin. Don't me.



*****


Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon