Suga 23 - Sorry

8.3K 461 446
                                    

Chapter 23 -  Ayos!

“IKAW ANG TUMIGIL! AT KUNG PWEDE LANG DIN, UMALIS KA NA SA OFFICE NA ‘TO! BUMALIK KA NALANG DUN KAY XANDER AT SAKA NIYO IPAGPATULOY YUNG KALANDIAN NYO!” walang preno niyang sabi.

Napatigil ako sa sinabi niya.

Ano bang pinagsasabi neto?

Ang sama pa rin ng tingin niya sa akin pero agad siyang lumabas ng office, nilagapak niya pa yung pinto.

Aba ano akala niya? Susundan ko siya para amuhin? Aba, pakshet siya!

I made a face at the door, as if naman makikita niya, tapos bumalik na sa pagtatrabaho. Bahala siya diyan!

*****

Kinabukasan...

YES! Thank god at naapprove na din ang schedule na pinagpuyatan ng buong grupo. I can sleep ng maayos later.

Naglalakad ako ng tahimik sa corridor ng biglang may sumagi sa akin kaya nagkanda-hulog yung dala kong libro.

"ARAY KO! Tang--"

Aba put---

Inirapan lang ako ni Alferez, ngumisi pa ang loko. Kahit kailan talaga hindi marunong magsorry ang taong yun. Hindi ata tinuruan ng good manners! Leshe talaga. Panira ng morning!

Agad kong pinulot yung mga libro ko.

"Lemme help you with that." sabi ng isang lalake sa akin.

Busy siya sa kakaayos nung libro ko,

"Here oh." alok niya.

Shet lang. Pwede ba magpapicture sa kanya?

"M-mark Tuan?"

"Hi, Carmille. Eto na yung books mo oh." nakangiti niyang sabi.

Ohmygahd! Kilala niya ako? Huhuhu! Nakakaiyak bh3.

"S-salamat ah."

"No worries. I'll go now, baka hinahanap ako ni Harper eh. Bye, see ya around." he waved me goodbye tapos nagmadali nang umalis.

ANG SWERTE NAMAN NI HARPER MARTINEZ! Boyfriend niya si Mark Tuan. Huhuhu. Okay, nagplug na naman si Author ng bago niyang Drama Novel feat. GOT7. Pakibasa mga bhe. Labyu~ [I Promise You (GOT77 FF)]

Pagkapasok ko sa classroom, wala pa si Ma'am. Nagkukumpulan na naman ang Stanville Army. Kahit kailan talaga mga chismoso ang mga 'to. Nang makita ako nina Seth at Shawn, agad silang kumaway sa akin. Si Jace naman nagflying kiss. Ang landi ng abs ng lalakeng yun!

Gusto ko sanang lumapit at makisawsaw sa usapan, kaso nakita ko yung busangot na pagmumukha ni Alferez kaya nevermind nalang. Natetengene leng eke eh. Di nagtagal, dumating na din yung teacher kaya nagsiayos na kaming lahat.

"Class, kindly return to your proper seat." utos niya saamin.

Leshe kasing mga kaklase kong 'to eh! Ang kakati ng mga pwet kaya kung saan-saan umuupo!

"Mr. Alferez, go back to your seat beside Ms. Ocampo, or I'll mark you absent." banta sakanya nung teacher namin.

Tiningnan ko si Keith na kasalukuyan naman palang nakatingin sa akin ng masama. May topak na naman ata ang taong ‘to! Balik sa pagiging jerk.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon