Suga's Epilogue

6.9K 478 1.5K
                                    

e p i l o g u e ;



CARMILLE's POV

Years later


Nakapalumbaba ako habang nakatanaw sa may maliit na park na nasa harap ng lounge namin. Nakaharap kasi ang desk ko sa may bintana, mula dito tanaw na tanaw ko ang children's park, ang traffic light sa kabilang dako at ang mga nagtitinda ng kung anu-anong pagkain.


Naalala ko na naman...

Nakatingin ako sa may pedestrian lane. Nakakulay red pa rin ang traffic signal para sa mga pedestrian. Bawal pa kaming tumawid. Nangangati na akong umuwi. Ayoko na dito. Mas nasasaktan ako. Ang dami kong sinakripisyo para sakanya tapos isang putanginang 'okay thanks' ang napala ko.

Pinunasan ko ang luha ko. Marami nang taong dumarating at naghihintay na magcolor-green ang signal lights, nakakahiya kung makikita nila ang crying face ko. Pero ano bang pake nila, di ba? ako naman yung nasaktan. Ako naman yung iniwan. Ako naman yung umiiyak. Ano ba?!

Kahit ilang bses ko pang sabihin na, oo tanggap ko na na wala na kami, ang sakit pa rin. Hindi magsink-in sa utak at puso ko na wala na, na alaala nalang ang lahat.

10 seconds...

Inayos ko na ang sarili ko. Unti-unti akong tumahan, nakakapagod na talagang umiyak kaso anong magagawa ko? Kailangan kong ilabas lahat ng sakit, lahat ng kapestehang nangyari sa malas kong pamumuhay dito sa mundong ibabaw.

3 seconds...

Pinunasan ko yung mga luha sa mata ko. Napalunok ako at napatingin muli sa signal lights. Unti-unting nababawasan ang mga numero hanggang sa maging dilaw ito.

At kulay green.

Sa pagcross ko sa daan na 'to, panibagong kabanata na ang magsisimula.


"Doc Carmille?"

Bumalik ako sa realidad. Mukha akong timang na napalingon sa nurse na tumawag sa akin. "Bakit?"

"Hinahanap ka na po ng pasyente niyo. Tsaka oras na din po para sa daily round niyo sa female ward." Sabi nito sa akin. Binigay niya sakin ang record book para maicheck ko ang record ng mga pasyente at kung ano na ang lagay ng treatment nila.

Agad ko namang kinuha ang nakasabit na kulay puting hospital lab gown saka ito sinuot. Tinali ko ang buhok ko nang pa-bun, nilagay sa may bulsa ang ballpen ko saka lumabas ng doctor's lounge.


Paglabas ko, nasalubong ko ang co-doctor ko.

"Doc Carmille, nawawala yata name plate mo." Pansin niya sakin sabay turo sa may labgown ko.

Agad naman akong napatingin sa suot kong labgown. At totoo nga, wala doon ang name plate ko. Hayy. Kinapa-kapa ko ang bulsa ng suot kong hospital scrub pero wala. Babalik na sana ako ng lounge kaso naisip ko na hindi naman yun ganun kaimportante.

"'Yaan mo na, doc. Baka nandun sa drawer ng desk ko." Nakangiti ko namang tugon sakanya.

Ngumiti naman siya sa akin tapos nagpaalam na, may mga pasyente din kasi siyang aasikasuhin sa ICU.


Habang naglalakad sa hallway papuntang female's ward, ang daming kaisipang pumasok sa utak ko. Ang dami na talagang nangyari sa sampung taon na lumipas. Nasa Korea na din si Kevin, sumunod nga talaga sa kapatid niya. Nagkakausap pa rin naman kami ni Vanessa, hindi niya nasunod yung pangarap niya bilang doktor pero siya naman ang namamahala sa kumpanya nila. Ganun din si Kuya Johann, kasama niya si Papa sa abroad para asikasuhin yung business namin dun. Ako? Eto. Loner sa Pinas. LOL

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon