Suga 9 - Sunshine

11.5K 522 592
                                    

Chapter 9 - (The Beast Inside)

Pagkarating ko sa inuupahan kong bahay, agad kong binuksan ang stereo at sumalpak sa kama. Gusto ko munang magpalunod sa saliw ng mga kanta para kahit papano ay makalimutan ko ang gabing ito, pero bigo ako. Patuloy na bumabalik sa aking isipan ang mga pangyayari kanina sa Mental Facility, at ang papel na binigay sa akin ni Inspector Villegas. Tandang-tanda ko ang mga pangalang nakasulat doon.

Keith Alferez

Red Lopez

Alexis Vera

Shawn Villareal

Seth Javier

Jace Montemayor

Xander Aquino

Sumisikip ang dibdib ko kapag naalala ko ang mga pangalang iyon, lalo na ngayong tinuring nila akong kaibigan. Hindi ba dapat natutuwa ako dahil tama ang hinala kong sila ng ang kaibigan ni kuya na responsable sa naging kalagayan niya ngayon? Bakit ganun? Iba ang nararamdaman ko. Ang daming emosyon na gusto kong ilabas, kaso parang wala eh. I just feel empty.

"Kuya, nagpromise ako sayo, di ba? Ipaghihiganti kita. Kung hindi lang dahil sakanila, hindi ka magkakaganyan. Anong klaseng kaibigan sila?" humihikbi ako habang nagsasalita ng mag-isa. Nakakuyom ang mga palad ko sa galit.

"I'll strike you down." pangahas kong bulong habang inaalala ang mga mukha ng Stanville Army na kasama ko lang kaninang hapon.

Wala dapat akong pagkatiwalaan sa kanila.

Humanda talaga kayo sakin, lalo ka na Keith Alferez.

Kinaumagahan, sinadya ko talagang magpa-late gumising. Ayokong makita ang pagmumukha nina Alferez. Baka kasi mapatay ko siya agad. Pagtingin ko sa cellphone, nagulat ako sa dami ng text messages.

2 messages from +639*****

Carmille, sup? Si Red 'to. Saan ka na?

This is Red.. again. Papasok ka ba? Hinihintay ka namin dito sa hallway.

 

4 messages from +639*****

Carmiiiillleee!!! Hey, tara na! HAHAHA

Carmmmzz

Heyy. Why aren't u replying? :( :( :(

Haha siguro kaya hindi ka nagrereply kasi di mo ko kilala. Si Shawn 'to. ^^ *3*

 

1 message from +639*****

Pumasok na kami kahit wala ka pa. Ayaw kasing maghintay ni Keith eh. Pasok ka later. We miss you. Haha - Alexis

Napa-irap nalang ako sa mga texts nila sa akin. Nakakabanas pala. -__________-

Kakalapag ko lang ng cellphone ko sa bedside table ko ng magring ito ulit, indicating na may new message.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon