Suga 37 - Downfall

7.4K 420 218
                                    

37 - thank you once again to @_MissRight97 and @bbybangtan1998 for the cover. :*

xxxxx

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang hotel. Jusko naman, baka ipa-rape ako ni Luke dito ah. Buti kung kay Jace, pwede—Wala pala akong sinasabi. Kalandian na naman lumalabas sa bibig ko.

Bumaba na kami ng sasakyan at inalalayan ako ni Luke. Hanggang sa pumasok kami sa elevator, nakaalalay pa rin siya. Di ko nga alam kung matutuwa ba ako o maooffend kasi tini-treat niya ako na para bang sobra ko nang tanda. Pati pag-apak nalang sa hagdan todo alalay siya.

"Kuya, kaya ko na po. Ayos na." kunwari nakangiti kong sabi.

Tumango naman si Luke sakin saka binuksan ang isang kwarto.

Pagpasok ko, sinalubong agad ako ni Papa.

"Papa, na-miss kita." bulong ko habang nakayakap pa rin sakanya. Kahit KJ minsan 'to si papa, mahal ko iyan.

"Musta, bunso?"

"Eto po, maganda pa rin. Hehe."

"Joker ka pa rin, bunso."

"PAPA!"

Kitamo? KJ di ba? Killing jejemons. -___-

"Syempre nagbibiro lang ako. Maganda ka naman talaga, mana ka sakin e." biro niya saka hinalikan ako sa noo.

Buti joke lang yun kundi ipapa-annul ko sila ni Mama. Aydejokelang.

I love my family. Family means no one gets left behind. Naaks. Bigyan ng milktea!

Iginaya ako ni Papa papunta sa isang mini table. May mga nakaserve nang pagkain, may champagne at candlelight dining ang peg. Wow, ang romantic ni Papa. Kaya naman nainlove si Mama e. Nadaan sa dinner. Ahuehue.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang hindi magtanong. Eh sa madaldal ako e.

"Papa, ano na pong..." hindi ko matapos yung sasabihin ko. Nalulungkot ako kahit papano.

"Yes, bunso?"

I took a deep breath, kaya ko 'tong sabihin.

"Ano na pong mangyayari sa Min YG Company ng mga Alferez? May pag-asa pa po bang makaahon sila sa bankruptcy?" tanong ko.

Napatigil sa pagkain si Papa. Binitawan niya saglit ang hawak niyang kutsara at tinidor.

"Bunso, ako man hindi ko alam kung ano sunod na mangyayari. Maraming investors ang nagback-out sa company nila in the midst of crisis. At para maisalba ang kahit kunti man lang sa pinaghirapan nila, binenta nila ang 75% investment shares nila sa atin. Pati ibang property nila."

Natahimik ako. Masyadong malaki ang 75% na sinasabi ni Papa.

Ano nang mangyayari kay Keith ngayon?

"Ang business parang love. In order to succeed, you must atleast sacrifice." dagdag pa ni Papa.

Naaks naman kay Papa, galing ng analogy. Dinamay pa ang pag-ibig sa larangan ng negosyo.

Pero may point nga naman.

"Min YG should start again from the very basic. Who knows? Baka makaahon sila in just a matter of time. Magaling si Simon Alferez sa business. Ilang taon niya akong pinabilib." sabi niya sakin.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon