Suga 20 - Just a Kiss

8.5K 437 77
                                    

20

Dahil sa mga nangyari, agad na isinugod si Keith sa ospital. Isang ambulansiya ang naghatid sakanya sa ospital kasama sina Red, Alexis, Vanessa at Xander, ako at ang ibang miyembro naman ng Stanville Army ay sumakay sa dalang sasakyan ni Jace.

Grabe! Hinang-hina na si Keith, akala mo mamamatay na. HAHAHA joke lang, I'm gonna knock on wood. Putlang-putla na siya at mahahalata mo agad na may sakit talaga siya. Nahirapan pa nga siyang huminga kaya pinag-CPR ko siya. Huehue~ I'm just kidding! Nilagyan agad siya ng oxygen mask.

Pero sa totoo lang, concern din ako sa lagay ni Keith. Hindi rin naman sakin madaling tingnan siya habang nahihirapan siya ng ganun. Sabi ko nga kay Lord, wag muna siyang kunin. Oo, mabait ako. Minsan. Minsan lang.

In an instant, nagflashback sa utak ko lahat ng nangyari nung huli kaming magkasama.

Flashback~

 

"Carmille, my car won't start." seryosong sabi ni Keith tapos unti-unti siyang lumingon sakin. Aba leshe! Ano gagawin namin dito? Umuulan, nasa isang lugar lang kami, babae ako at lalake siya, malamig ang paligid... Ajujuju! Mga utak na naman neto oh! Byuntae~ HAHAHA

"Malakas ka ba?" tanong niya akin.

"Pick-up line ba yan?" I asked him. Sinamaas niya ako ng tingin. Malay niyo naman kasi banatero itong si Keith. Malay niyo lang naman! Pero bakit niya kaya ako tinanong? Aba, syempre kahit babae ako malakas ako! Kaya kong bumuhat ng ilang timba at magtulak ng...

"TEKA NGA! INI-IMPLY MO BA NA IPAPATULAK MO SAKIN 'TONG KOTSE MO?!" sigaw ko sakanya. Napakunot naman yung noo niya dahil sa lakas ng boses ko. Gago pala 'to eh! Ka-babae kong tao tapos gagawin niya lang akong taga-tulak ng kotse niya? Aba magtutulak nalang ako ng droga. Huehue (Guys, wag niyo seryosohin pinagsasabi ni Carmille. Bad yun!

"Marunong ka ba magdrive?" - Keith.

"Aba oo-- HOY!" agad na lumabas si Keith ng kotse. Iiwan niya ba ako dito? Paano kung may dumating na bad guys? Huhuhu. Arte! Agad na pumwesto si Keith sa likuran ng kotse, nakita ko sa side mirror tsaka sa likod na salamin ng kotse. Loko talaga ang lalakeng yun! Sumugod ba naman sa ulan? Kung hindi ba naman tanga eh! Seriously, sinong taong bigla nalang susugod sa ganitong kalakas na ulan? Tapos wala man lang siyang raincoat na suot. Eh paano kung magkasakit siya?

Oo, concern ako sakanya. Kunti lang. Wag nga kayong ano! Inaano niyo na naman ako eh. Hihihi.

Pumwesto ako sa may driver's seat at inapakan ang gas pedal habang si Keith naman walang pakundangan sa kakatulak ng kotse niya. Waley naman pala 'tong sasakyan niya eh! Tapon na niya 'to sa junkshop, walang kwenta eh! Ang sarap lang gawing scrap, pera din yun. Huehue. Mukhang pera naman ako masyado, leshe.

Umabante ng konti ang kotse,

"Yes sa wak-- FUSCHIA!"

At nagtigil na naman.

Wala na! Wala na kaming pag-asa! We're stuck here forever. Eh kaso nga walang forever! Sabi nga nung Math Teacher ni Author, ang forever parang any number divided by zero: UNDEFINED. Oh ha? Author deserves a clap-clap kasi nakinig siya sa Math, hindi lang siya puro pakinig sa BTS Songs during discussion. Lol.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon