Suga 42 - Friendship

8.8K 380 222
                                    

42


"Payagan mo 'kong manligaw sayo."

"Ha?"

Napa-tanga ako sa sinabi ni Alferez. Mahirap na, baka i-jokezone na naman ako neto. Siguro, nakatulala lang ako sakanya ng mga ilang oras. Di talaga ako makapaniwala sa gageung 'to.

Baka naman nasapian 'to ng engkanto?

"Aish! Tagal! Bahala ka nga diyan!" irita niyang sabi saka umalis na. Nabadtrip kasi ang tagal ko daw. Aba't uleul talaga!

Siya na nga 'tong nanliligaw, siya pa yung pabebe!

"Hoy!" sigaw ko saka tumakbo para sundan siya! Loko talaga yun, mahilig magpahabol. Alam niya ba kung gaano nakakapagod na habulin siya dito sa airport, ngayon namang nandito na ako sa airport, nagpapahabol na naman. Ano 'to? Habulan Love Story? Tom and  Jerry?!

Lagot ka sakin pag naabutan kita, Keith! Isip ko habang tumatakbo para maabutan siya. Ngunit dahil tanga-tanga ako, di ko nakita yung isang turistang mestisa sa daan kaya nabangga ko. Nagsorry naman siya at mukhang nagmamadali kaya hinayaan ko na.

Tatayo na sana ako kaso--SHET MASAKIT ANG PAA KO!

Baka mapilay ako nito, tapos sabihin ng doktor na di na ko makakalakad pa. Tapos hindi ko na makakamit yung mga pangarap ko, tapos...tapos...

"PUTANGENA MO, KEITH! TULUNGAN MO KO DITO! HOY!"

Di ko alam kung narinig ba ako ng uleul na yun. Medyo malayo-layo na din kasi narating niya. Wala nang pag-asang bumalik. Kingina niya. Pakamatay na siya.

Dahan-dahan kong minasahe ang paa ko, nagbabakasakali na maayos yung naipit na ugat para kahit papano mawala yung sakit. Kaso kapag dinidiinan ko, kumikirot. Nakakainis nga eh! Wala man lang dumadaan na tauhan dito sa airport para tulungan ako.

Kapag ako napilay, sisiguraduhin kong limas lahat ng ng Gluta ni Alferez!

"Miss?"

Pagtingin ko, isang lalakeng mestiso ang nakatingin sakin. Naka-eyesmile si Kuya tapos nakalahad ang mga kamay sa harap ko. Napatulala lang ako sakanya.

"Ok ka lang ba?" tanong niya tapos tiningnan niya yung kamay kong nakahawak dun sa parte ng paa kong nasaktan. "Tulungan na kitang pumunta sa clinic. Tara?"

"S-salamat ah." Simple akong ngumiti sakanya saka hinayaan ko siyang alalayan ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka dahan-dahan akong tinulungan na makatayo. Kunti pa akong matumba dahil mali yung pag-apak ko sa isa kong paa, rason kung bakit napahawak siya sa bewang ko ng mahigpit.

Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Okay, yung feeling na mas maganda pa ang mata niya kesa sakin. Matangos ang ilong, maputi...


"Bitawan mo ang girlfriend ko."

Napatingin kami sa direksyon nung nagsalita.

T-teka... GIRLFRIEND?! ULEUL MO!

"Keith?!"

Nakapamulsahan si Keith at masamang-masama ang tingin saaming dalawa. At mas nag-iba ang aura niya nang nilipat niya ang mga tingin niya sa kamay ng lalake na nasa bewang ko. Napairap siya tapos lumapit sa amin.

"Ah, brad, sensya na. T-tinulungan ko lang naman yung girlfriend mo." Kinakabahan na sabi ni Kuya Helpful.

"Sa tingin mo ba may pake ako sa explanation mo?" nanggagalaiting sabi ni Keith saka nakipagsukatan ng tingin sa lalake tapos tiningnan pa mula ulo hanggang paa.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon