Suga 16 - Selositis

9.9K 476 419
                                    

16

"You look ugly when you're crying... este kahit pala hindi."

Binato ko ng suot kong tsinelas si Keith. Oo, tsinelas as in slippers. Lakas maka-gago eh.

"Ano ba ginagawa mo ditong leshe ka?" tanong ko habang pinupulot yung binato kong tsinelas. Ayos noh? Binato tas ako pupulot, wala magawa eh. Boring~

"Wala, gusto lang kitang makita." he simply said.

WAIT, GUYS. DI KO MA-CONTAIN ANG FEELS KO.MY HEART IS.. MY HEART IS.. OH MY GOD! Gusto na maglulundag ng heart ko palabas ng katawan ko kaso pinipigilan siya ni ribcage. Huehue. Pinipigilan kong wag ngumiti kasi mapupunit ang lips ko, promise. AUTHOR KASI EH! SINO NA NAMAN NAGPAKAWALA NG MGA BUTTERFLIES SA TIYAN KO?! SINO?!

Umupo ako sa tabi ni Keith Alferez, tumitingin kami sa -- HINDI SA STARS! CLICHE KAYO! Tumitingin kami sa ilaw ng mga dumadaang sasakyan. Magbibilang kami ng dumadaang sasakyan at magpapakagat sa mga lamok. Ang sweet naman ng pwesto namin.

"Keith/Carmille." - Okay, sabay kaming nagsalita. Ang lakas ng trip ng tadhana.

"Mauna ka na/ Ikaw muna." Nice timing, sabay na naman. Push pa namin 'to. Nasa sabayang pagbigkas kami eh, magkaibang piece nga lang. -_______-

"Okay, since gentleman ako.. ako na MAUNAng magsasalita." Sabi ni Keith.

O.O Anudaw? "Gentleman pa ba yun? Gago talaga." I commented.

"Ano bang gusto mo? Di ba ako ang gusto mong maunang magsalita. Sinunod ko lang, kaya gentleman ako." he explained cooly.

1-0 points in favor for Alferez. *insert cheer here.

"Hayy, Carmille. Saan mo ba tinago utak mo? Hanapin natin." pang-aasar niya at um-acting pang naghahanap-hanap sa paligid. Pinalo ko siya sa braso para magtigil na siya sa kakadaldal. Dinaig pa ako eh. Ang daming alam sa buhay pero pronunciation nalang ng INSPIRE di pa magawa. (HAHAH. K, isingit ko lang. InsFire. TAWABELLES AKO DIYAN EH. LOL)

"Ano bang sasabihin mo?" irita kong tanong. Time-consuming kasi 'tong si Keith eh, parang exam lang namin sa math. tsk.

"Tanong. Hindi sasabihin."

"kdot. Ano nga?"

"Bakit ka umiiyak kanina?" he asked.

Natahimik ako. Kelangan ko bang sabihin yung totoo? Kelangan ko bang isumbong si Xander sakanya? Hindi naman ata, di ba? Tsaka wala rin naman ata siyang pake.

"Ah, wala lang. Acting chu chu." sagot ko, sabay tawa kunwari.

And the Most Plastic Smile goes to... CARMILLE OCAMPO *sabog confetti, paulan ng cornetto.

"Hindi ako naniniwala pero push mo yan ha? Diyan ka masaya e." sabi niya.

Silence enveloped the both of us. Hindi kami naimik. Pinagmamasdan lang namin ang mga sasakyan, at ang mga naglalakad na ipis sa daan-- I mean tao. Nagkakaroon na naman ng conflict sa akin. Aamin ko, na-attach na ako sa Stanville Army. Sinasang-alang-alang ko na ang pagkakaibigan ko sakanila. Kaso, hindi talaga mawala sa isip ko si Kuya. Syempre kapatid ko yun. Sabi nga, blood is thicker than water. Eh sila Keith ba, kaano-ano ko? Wala naman di ba? Hamak na kaibigan lang sila ni Kuya na nagpahamak mismo sakanya.

"Keith, papasok na ko sa loob." paalam ko sakanya. Gusto ko na kasing magpahinga.

"Alangan naman pumasok ka sa labas." he bara-bara me.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon