Suga 53 - Stars

6K 375 730
                                    



53 - #YoungForever.



CARMILLE's POV


After 1 week

Nakatingin lang ako sa gumamela na bigay ni Keith.

Ginawa kong keychain, bakit ba? Dejk. Ilang gumamela pa ang dumating sa bahay simula nung mga nakaraang araw. Sa sobrang dami, dinala ko na yung iba sa kwarto ni Kuya Johann dito sa mental facility dahil nagmumukha nang flower shop ang bahay namin.

Psh. Ikaw, Alferez ha! Pasimple ka na naman. Huehue. Teka mga bhe, kinikilig ako. Galawang gilagid na naman ni Keith. Akala mo, Keith, di ko malalaman na ikaw nagpapadala ng mga yun? Gageu, matalino 'to chong! Huahua.

"Dr. de Mesa, alagaan niyo ang kuya ko ha?" ngingiti-ngiting kausap ko sa attending physician ni Kuya Johann.

"We will do everything for Johann. You shouldn't worry, hija." tugon niya naman sakin habang nirereview ang ibang papers ni Kuya.


Ngayon ang araw na lilipad papuntang abroad sila Kuya Johann at Dr. de Mesa para sa therapy ni Kuya sa ibang bansa. Nakahanap ng magaling na psychiatrist at therapist sila Mama abroad at nagbabakasakali kami na baka gumaling si Kuya doon. Lalo na ngayon na medyo gumagaling ang kondisyon niya.

Lumapit ako kay Kuya Johann na kasalukuyang natutulog ngayon.

"Kuya, umayos ka doon ha? Magpagaling ka pa lalo." sabi ko saka dahan-dahan na hinalikan ang noo niya.

"Ang drama mo." natatawang komento naman ni Kevinognog na nakaupo sa may couch, katabi lang ng kama ni Kuya.

Agad ko siyang inirapan, "Tumahimik ka, Boy Uling. Di kita inaano. Tsaka alam mo, Kevin, dapat kasama ka nilang pumunta sa ibang bansa. Kung sila sa LA, ikaw dun ka sa Africa! Ipapakain ka dapat sa mga hippopotamus, hayeup ka."

Napangisi nalang si Binay Jr. aka Kevin sa akin, "Di ba sabi ko babawi ako sayo? Eto na 'yun. Ako muna babysitter mo since wala kang kasama sa bahay niyo. Oh diba ang talino ko?" Tawa ka pa ha.

"Matalino ka na sa lagay na 'yan ha? Grabe siya. Eto, piso oh!" asar ko sakanya sabay bato sakanya ng piso.

"Pambiling kausap?"

"Pambiling GLUTA! Inamo. Naiirita ko sayo!" Inirapan ko nalang si Kevin na tawang-tawa lang sakin. Kung makatawa akala mo walang ginawang kaputanginahan sa buhay ko eh.


Tinulungan ko si Doc na ayusin ang ibang gamit tapos nagpaalam na ako kay kuya Johann. Ayoko nang maghatid sakanila sa airport. Jusq baka umiyak lang ako dun na parang namatayan na balyena.



Lumabas na ako ng mental facility; naka-earphones, naglalakad papunta sa sakayan ng jeep para makauwi na ako sa bahay namin. Alas-kwatro na pala ng hapon, ang bilis ng oras. Nauna na sa LA ang mga magulang ko para ayusin ang mga bagay-bagay para sa pagpapagamot ng Kuya ko abroad. Mas okay na sigurong sa malayo si Kuya para mas bumuti ang lagay niya.

Habang naglalakad, malakas na naka-play ang kantang Rhythm Ta ng iKON sa iPod ko. Wala akong pakialam sa mga nangyayari sa palagid ko ngayon. Sabi nga nila, earphones in, problems out.

Abala ako sa pagjam sa kanta ng iKON ng may marinig akong parang busina sa paligid. Akala ko nga sira na ang earphones ko. Inalis ko ito kaagad at naconfirm kong may bumubusina nga. Thank god di sira ang earphones ko. Napalingon naman ako sa kulay itim na kotse na bumubusina sa akin.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon