Suga 45.1 - Feelings

6.4K 348 274
                                    


45 (Part 1)



Buong biyahe papunta sa condo ni Xander, umiyak lang ako ng umiyak. After ng party ni Jace, pinagsumbatan ko lang si papa sa loob ng kotse niya, umiyak ng sobra--pero, kingina walang nangyari.


Nasaktan lang ako sa sinabi ni Papa.

"Do you still love, Keith despite of what he did? Iniwan ka niya para sa kompaniya nila! And I respect him for that. Nakaya niyang magsakripisyo kahit na masakit. I think now is the time for you to do the same. Sacrifice as well."


Napapikit nalang ako nang maalala ko 'yun. Gusto ko nang matapos ang araw na 'to. Sana mag-new year na para makapagbagong buhay na ako.

Walang imik din si Xander sa driver's seat. Seryoso lang siyang nagmamaneho. Sa totoo lang, hindi ko alam kung payag din ba si Xander sa mga nangyayari. Eh paano biglaan ang mga nangyayari. Isa pa, bakit naman papayag si Xander na makasal sa katulad ko na kinakamuhian niya noon?


Hindi nagtagal, tumigil kami sa parking lot ng isang building. Mukhang dito yata ang condo ni Xander. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagkatinginan kami sa mata.

"I won't mind if you wanted to back out in this arranged marriage." Bungad niya.

Ang gulo niya, sabi niya wala na daw atrasan once na hinawakan ko ang kamay niya, ngayon naman may nalalaman pa siyang ganyan? Magulo di ba?

Ang point ko lang naman kasi, nasimulan na eh. Nandito na kami. Bakit? Kapag ba umatras ako mababalik yung dating 'kami' ni Keith? Magiging maayos ba agad ang nangyaring gusot sa aming dalawa ni Shawn? Di ba, hindi? Gawin ko man o hindi wala pa ring magbabago, may masasaktan pa rin.

Hindi ko nalang pinansin si Xander, napa-buntong-hininga naman siya saka hinawakan ako. The good thing about him tonight is, Xander's not pressing things and issues on me. Nasi-sense niya na kapag ayaw kong pag-usapan, titigil na siya at hindi na mangkukulit. Naiintindihan niya ang kalagayan ko.


Pagkapasok palang namin ni Xander sa condo, isang maliit na kulay light pink na papel ang nakita naming nakalapag sa may table sa sala. Akala ko nung una dumi lang o scratch paper, pero hindi eh.

Sa papel na yun nakasulat ang lahat ng bagay na kailangan naming paghandaan para sa kasal namin. Nakalista doon ang address ng reception na kailangan naming bisitahin, mga flowershop at catering services.

Minamadali nga ang lahat.

Ilang minuto lang naming tinitigan yun, after a while, Xander crumpled the paper and threw it in the far corner of the room. Tapos tahimik siyang naglakad papunta sa kwarto niya yata.

Duh? Malamang hindi ako sumunod, malay niyo magpapalit pala ng damit. O edi napagkamalan pa akong manyak. Hayy.

Umupo nalang ako sa couch at nagmasid sa buong paligid. Okay, organize ang lahat ng gamit, malinis at serene masyado ang atmosphere dito sa loob. Parang ''at home'' ang feeling. Sa pagcheck ko sa buong paligid, napansin ko ang isang photo frame na naka-diplay sa may study table.

Lumapit ako at nakita ko kung sino ang laman ng picture.

Stanville Army at si Kuya Johann...





XANDER's POV

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon