Suga 7 - Swaeg

13K 568 495
                                    

Chapter 7  - (SWAG)

"A-alexis..."

Para akong tanga dito sa sasakyan ni Alexis ngayon, tinitingnan ko siya habang nag-aapply ng cream sa mukha. Siguro 15minutes na siyang nakaharap sa salamin, tapos biglang titingin sa akin para tanungin ako kung pantay daw ba yung pagkalagay ng cream sa mukha niya.

Psh. Nagtanong pa siya! Eh parang sanay na sanay siya eh! Dinaig pa nga ako, tapos may nagkalat din na cream bottles, sunscreen at lotion sa loob ng kotse niya. Agad niya namang kinuha yung phone niya tapos kinalabit ako.

"Oh?"

"Smile ka. 1..2..3.."

Eh? Ano daw? Ewan ko, basta bigla nalang may nagflash sa mukha ko. Agad niya naman yung tiningnan at parang nadismaya siya.

"Uhh, mukha ka ditong ewan, Carmille. Pero, upload ko na, gwapo ako dito eh." tatawa-tawa niya pang sabi. Pinakita niya sakin yung picture, at aba! Shet ampanget ko nga! Yung mukha ko parang naguguluhan, yung tipong may hindi masagutang problem sa Math. Ganun eh. Ang unfair nga eh, kasi siya ang gwapo-gwapo niya dun sa picture. Kita lahat ng ngipin, ang singkit pa nung mata.

Bakit nga ba ako napunta dito sa kotse niya? Basta, paglabas ko sa boarding house, nakatayo na siya sa labas ng kotse niya. Tapos ang lapad nung ngiti kaya na-persuade tuloy akong sumakay. At presto! Pagpasok namin, yun agad ang ginawa niya; ang magpaganda--este magpapogi. :3

After 1029384756 years, pinaandar niya na din yung kotse niya.

Pagkarating namin sa school, hinanap namin agad yung iba niyang kaibigan. At hindi naman kami nahirapan dahil sa sobrang lakas na ingay nila Jace at Shawn. Nasa corridor sila, habang yung mga ka-schoolmate namin, kung hindi nakatulala e simpleng dumadamoves para malapitan ang Stanville Army.

Tulad nalang nung babaeng sinadiyang ihulog yung mga libro niya sa harap ni Xander. Tumingin lang si Xander dun sa babae tapos wala na. Keri lang. Epic fail si ate. Asa naman siyang tutulungan siya, napahiya tuloy. Papansin kasi. Medyo natuwa naman ako, hindi lang pala ako ang tinatarayan ni Xander.

"Ingat ka sa susunod ah." Namamalikmata ba ako?

Okay, wrong info. Tinulungan niya pala yung babae. -___________- Nagjoke lang ako dun sa previous kong sinabi.

"Carmiiiilleeee!!!" Shawn is smiling like an idiot, este like an alien. Wagas makangiti, parang wala nang bukas. Isa-isa nila akong niyakap na siya namang kinabigla ko. Napansin ko din na iniirapan na ako ng ilang babae. Huh! Mamatay kayo sa inggit! Hahaha

*kriiiiinnnggg~

Agad kaming napatingin sa direksyon ng school bell na nasa mataas na part ng pader. 1st bell yun, meaning 15 minutes before proper class will start. Nang matapos ang pagtunog nung bell, balik ulit sa daldalan sila Red at Xander. Sina Seth, Alexis at Jace naman parang mga bading na nagpapractice ng pambabaeng sayaw. Si Shawn naman, ako ang kinukulit.

"Hindi pa ba tayo papasok? Pag ako na-late!" pagbabanta ko sakanya. He looked at me, yung tingin na parang pinagsasabihan ang isang bata.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon