Suga 54 - Thunder

6.2K 375 431
                                    




54 – Taas-kamay sa ARMY na hanggang ngayong tanginasdfghjjkl  parin ang feels. #sabog #BTSisonFire





CARMILLE's POV


"Oy bonggacious! I looove it~ Bilhin ko na itey! Cutie pie hihi." masayang sabi ni Aikee habang hawak-hawak ang isang souvenir tapos dumiretso na siya sa counter. Ni hindi ko na nga nakita yung cutie pie souvenir na sinasabi niya.

Nakaupo ako ngayon sa sahig ng souvenir shop, tinitingnan ko ang mga post card na tinitinda nila. Hindi ako bibili, wala lang akong magawa.

Simula nung nangyari kagabi, wala na akong ganang gawin lahat ng bagay. Kung hindi lang talaga siguro para dito sa dalawa, hindi rin ako sasama. Unexpected talaga yung nangyari kagabi. Inalisan nalang ako bigla ni Keith ng trono sa buhay niya. Ang sakit lang isipin na tinapon na niya ang lahat sa aming dalawa.

Kailangan ko nalang sigurong tanggapin na wala na talaga kami. Kaso punyatera kasi 'tong utak ko, pinipilit pa rin akong umasa na magiging okay ang lahat.

Kaninang umaga palang, pinipilit na ako nina Elize na ikwento kung anong nangyari kagabi. Mugto kasi yung mata ko nang umuwi ako sa villa namin. Yung feeling na lasing sila pagdating ko, pero nung nakita nila yung mata kong mugtong-mugto sa kakaiyak, para silang tumino. Tanong sila ng tanong pero di ko sinasabi. Bakit? Kasi ayokong madamay pa sila sa kung anumang problema na meron kami ni Keith. Ako nagsimula nito, ako lang dapat yung dawit.

Bored na bored na ako sa lagay 'kong 'to. Gusto ko lang humilata sa kama ngayon kaso makulit tong dalawa. Sinasama pa rin ako kahit saan sila magpunta. Hindi na nga ako masyadong nakapag-ayos. Nakabikini lang ako pero naka-short naman tapos lugay lang buhok ko. Habang sila Aikee at Elize, mga nakapostura. May hangover pa yan kagabi pero mas mukhang ako yung may hangover. Mukha silang matitinong tao, samantalang ako mukhang zombie. Bat ganun?


Tumayo na ako saka tumingin-tingin naman sa mga nakadisplay na ref magnet. Tinititigan ko lang yung kulay yellow na may design na pagong at shells nang may maramdaman akong lumapit sakin.

"Hi, chikababes! Can I take you home tonight?" isang husky na boses ang narinig ko sa tabi ko tapos naramdaman ko pang pinagtitripan pa nito ang ilang strands ng buhok ko.

Agad akong napalingon. At sa gulat ko mabilis kong piningot ang tenga nito at napaaray naman siya sa sakit.

"Leshengina mo, Seth Javier! Anong chikababes, ha?! Mukha ba kong pagkain sa mcdo kaya gusto mo ko i-take out? Gageuhan ba 'tong tangina ka?!" beastmode kong sabi, lalo ko pang pinipilit tenga niya para magtanda na 'tong ilong na 'to.

"A-aray ko, Carmille! Holy sh*t! S-sorry na! Tangina ba ang s-sakit--araaay ko hoy!" pilit niyang inaalis yung kamay ko habang umaaray siya sa sakit.

No one messes with me. Tiklop ka saking golden maknae ka.

"Sorry na, C-carmille. Malay k-ko bang ikaw pala yan. Bitaw na please, di na ko uulit. H-hoy t-tama na!" nagmamakaawa niyang sabi sakin.

Inalis ko naman kaagad ang kamay ko sa tenga tapos tiningnan siya ng masama habang namimilipit siya sa sakit. Mapula na nga yung tenga niya. Hahaha! Masakit talaga yun, eh sa lahat ng galit ko kay Alferez binuhos ko na dun.

"Pasalamat ka hindi ilong mo tinira ko!" sigaw ko sakanya.

"Gusto mo ikaw tirahin ko?" medyo byuntae niyang sabi sabay ngisi.

Aba't gumaganyan ka na ha? "Don't me, Seth. Ikaw kaya ipatira ko kay Jace?" this time ako naman yung napangisi.

"Sabi ko nga joke lang." sabi nito sabay kamot ng batok niya.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon