Suga 12.2 - (Holding Hands)

8.1K 509 243
                                    

12

Wag magtanong kung bakit Chapter 12 parin eto. Part 2 ito, part two. Osha, basa na. Labyuzxs

~

Spell awkward: US

Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot ng school, obvious naman na sakanya ako sasabay at hindi sa masungit na Xander na yun. Pero masungit din naman si Keith eh. But honestly, mas close kami ni Keith. Well, close nga ba?

"Oooh shit~" sambit ni Keith habang nakahawak sa ulo niya.

Napatingin ako sakanya. Unti-unti naman niyang ginalawa ang ulo't mata niya sa direksyon ko.

"Carmille." tawag niya.

"Oh? Kailangan mo?" tanong ko sakanya.

"Kailangan ko? Exercise. Tara, lakad nalang tayo." yaya niya.

Putrages mga bhe! Malakad daw kami? SERYOSO? Eh may pagkalayo ang tinitirahan kong apartment eh. Ano na naman kayang naisipan neto?

"Seryoso ka sa lagay na 'yan? Alam mo ba na may distansya ang tinitirahan ko dito sa school. Anong trip ba yan, Keith at hindi ko masakyan?" iritable kong tanong.

"Exercise is good to our body." he replied cooly.

"Oh so? Mag-exercise ka mag-isa mo." I stated then inirapan ko siya.

"C-carmille, listen! We need to exercise, tingnan mo ang payat mo oh!" he pointed out. Aba! Lakas maka-judgmental porket ang ganda ng hubog ng katawan niya. Loko 'to ah!

"Diretsuhin mo nga ako. Bakit ba gusto mo maglakad?" mataray kong sabi sakanya. Napansin kong medyo uneasy siya. Problema neto?

"B-basta!"

"Ano nga?"

"Swaeg~?"

"Lesheng swaeg yan! ANO NGA!!"

"MY CAR WAS CONFISCATED. HAPPY NOW?"

Natigilan ako. Confiscated ang kotse niya? Ano yun? Cellphone lang am'peg. Yah! This kid.

"My dad was outrageous when he saw the ranking, it was a disgrace in the family image daw. That's why he took my car away from me. Matuto daw akong sumeryoso sa buhay. Walang swaeg, right?" then he looked away. Parang nahiya siya sa akin.

Kasalanan mo yan, Carmille! Ang OA mo kasing makikompetensya kay Keith. Hayy. Ayan na naman si konsensya. Tantanan mo muna nga ako, please lang? Iba din naman nararamdaman ko eh. Its like I'm the one responsible! Sure naman ako na ginawa naman ni Keith ang lahat, hindi nga lang enough para malampasan ako. Okay, that was a good explanation.

Inabot niya sakin bigla ang wallet niya.

"If you don't want to walk, then go take a cab. Maglalakad ako."

Loko-loko talagang Keith na 'to!

Pero wait lang... isa-sacrifice niya ang bulsa niya para makauwi ako? How sweet.. sweet as SUGAr. Okay, joke lang, *vomits

"Ano pa hinihintay mo? Take it." sabi niya. Winawagayway pa ang wallet niya sa mukha ko.

Guys, ang opportunity minsan lang yan kaya dapat i-grab. Kaya ako, heto! Pinag-grab ang wallet ni Keith Alferez.

*Pak!

Sabay bato sa pagmumukha niya. Leshe 'to! Akala niyo ba mukhang pera ko? Tengene this!

"Hoy, Alferez! Hindi man kami sobrang yaman pero hindi ako pasisilaw sa kwarta mo! Yabang mo kahit kelan ah!"

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon