Suga 60 - Fallen

6.1K 396 791
                                    

60



CARMILLE's POV


"Carmille, san ka pupunta?!" halos sabay na sigaw nina Jace at Alexis.


Hindi ko na sila kinibo, agad akong tumakbo palabas. Hindi ako makahinga ng maayos doon, nang hihina ako pero kailangan kong lumayo. Every moment I spent in there inside makes me anxious. Patuloy lang ako sa pagtakbo, wala akong pakialam kung may masagi man akong ibang tao o ano. Gusto ko lang talagang makalabas dito.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko gamit ang kamay ko. Napatingin ako sa suot kong wrist watch, 3:45PM na. Hindi ko pa rin nahahanap si Keith. Isama mo pa yung balitang natanggap namin.


Napapikit ako ng marahan, sunod-sunod namang nagsitulo ang mga luha sa mata ko. Alalang-alala ako sa dalawa. Gusto kong patatagin ang sarili ko, but something kept on haunting me. Gustuhin ko mang maging positive sa mga oras na 'to, hindi ko kaya. Hindi ko kinakaya.

Di nagtagal, may dumating na taxi. Sumakay ako at inutusan ko siyang magmadali. Para mabawasan ang iniisip ko ngayon, kailangan kong puntahan si Shawn at icheck kung nandun siya. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag may nangyaring masama ni isa sakanila. Magwawala yata ako, baka mawalan akong bait o kaya baka maglupasay ako sa daan. Ayoko.


Ilang minuto ang lumipas, nakarating din kami kaagad sa mansyon ng mga Villareal. Nagmadali akong bumaba ng taxi. Sumilip ako kaagad sa may gate nila pero walang tao. Wala ding nakaparadang kotse sa may garahe nila. Walang tao. Baka nasa ospital.


Nang hihina ang loob ko. Kakalampagin ko na sana ang gate nila at magsisisgaw doon nang...


"Carmilita ko?"


Napalingon ako kaagad nang marinig ko ang boses niya. Nagtatalon ang puso ko dahil sa tuwa. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Kahit papano nakahinga ako ng maluwag. Agad akong napayakap kay Shawn. Hinigpitan ko ang yakap sakanya. Hindi ko na nga napansin na umiiyak na naman ako.

Hinarap ko siya. "Saan ka ba galing ha?! Bakit hindi mo sinasagot tawag namin? Bakit ba pakaba kang alien ka?! Di mo ba alam na nag-aalala kami sayo tapos ganyan ka pa?! Ano ba, Villareal!" naiiyak kong tanong sakanya. Oo, kahit masaya ako naiinis ako sakanya.

Napakunot naman ang noo ni Shawnito ko sa sinabi ko, "Ha? Galing ako sakanila Niq, pinahiram ko sakanya yung skateboard ko. Saka nakalimutan ko 'yung cellphone ko sa kwarto ko."

Kwinento ko naman sakanya ang lahat. Sinabi ko na pumunta ako dito kasi nag-aalala ako. Akala ko siya yung lalakeng tinutukoy ni Jerson. Buti nalang at mali ang akala ko. Nandito si Shawn sa tabi ko; safe, buhay at yakap-yakap ko.

Hinapit niya ako sa bewang saka niyakap ako, "Sorry for making you worry, Carmilita ko." Sabi niya.

Napahawak naman ako sa batok niya at niyakap din siya ng mahigpit. Hindi ko talaga kakayanin kapag nawala ang isang 'to sa akin. Masyadong importante sa akin si Shawn at ang buong Stanville Army. Kahit minsan mga gagito sila, sila yung laging nandiyan para damayan ako sa lahat. Sila yung nandiyan para saluhin ako kahit na minsan, ako din yung gago.

Tahimik lang akong nakayakap kay Shawn nang may sumagi sa utak ko. Hindi pa pala tapos. Meron pa.

Si Keith pa.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon