Suga 56 - Chance

6.7K 390 722
                                    


56



Nakatunganga lang ako sa harap ng salamin ngayon. Pagod na pagod ang mukha ko, isama mo pa yung eyebags ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Iniisip ko yung mga pwedeng mangyari ngayong araw. Iiyak na naman ako, that's for sure. Isa pang kinakabahala ko, iba ang pakiramdam ko. I mean, literal na iba. Medyo nagiinit ang mata ko, sumasakit ang ulo ko at parang gusto ko lang humiga sa kama ko at magkumot.

Lahat ng iyon ay inalintana ko ng panandalian. Kailangan kong pumunta.

I may be ready to let go of him, but I'm not ready to forget everything about him.

Kinapa ko ang kwintas na bigay sa akin ni Keith. Suot-suot ko ito ngayon. Bago umalis, may kung anong nakakuha ng atensyon ko--ang isa pang kwintas na nasa jewelry box ko. Yung bigay ni Xander.

Walang anu-ano'y kinuha ko din yun tapos nilagay sa may bulsa ng suot kong maong shorts tapos lumabas na. Di ko rin alam kung bakit ginawa ko yun. Wala lang. Dama ko lang na dalhin. Alas-nuebe palang ng umaga pero parang timang yung itsura ko. Daig ko pa yung nakilaban aa gyera. Bangag kung bangag.

Pumunta na ako sa resort garden. Hindi ko mapakalma ang malakas na pagkabog ng puso ko. Nanlalamig ako sa kaba. Isama mo pa yung fact na, hindi ako ready na makiharap kay Keith pakatapos ng nangyari kagabi, pakatapos ng mga text message na sinend niya sa akin.


Nang makarating ako, sinalubong ako ng super gandang scenery. Maraming namumulaklak na halaman sa paligid, may pavilion at may naka-set na din na pagkain, calm and tranquil ang aura ng paligid. Pero mukhang walang effect. Kahit gaano pa kaganda tong lugar na to, wala nang mas gaganda kung magkakabalikan ulit kami ni Alferez, di ba?

Nang makarating ako sa may pavilion, agad na may pumiring sa akin gamit ang kamay. Napatigil ako sa paglalakad, at mukhang tumigil din ako sa paghinga. Kabadong-kabado ako. This may be the last time I get to touch his hand.


Dahan-dahan naman na inalis niya ang kamay niya. Hindi mawala ang kaba at pangamba sa loob-loob ko. Mas gusto ko nalang talagang wag siyang harapin at umuwi nalang. At nang makaharap ko siya...

"XANDER?!"

Xander flashed his sad smile before me. Hindi ko alam kung sasapakin ko ba siya o yayakapin o ano. Anong ginagawa ng Aura Korea ver. na 'to dito? Makikialam din ba ang isang 'to sa kung anumang meron kami ni Keith? Sugo ba siya ni Alferez?

"I thought you're not coming." Sabi niya.

Napapikit ako ng ilang segundo. I'm trying to compose myself. Naguguluhan ako. Lalong sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Ang daming tanong sa utak ko, daig ko pa yung may exam sa math.

"S-sayo ba galing yung text na yun? I-ikaw ba yun?" Nauutal kong tanong sakanya.

Xander smiled a bit, tapos napakamot pa ng batok. "Yeah. I guess, bago ako umalis ng bansa makapagsorry man lang ako sayo--"

Napatilay ako tapos napayakap sakanya. Hindi ko siya niyakap bilang pasasalamat na siya yun at hindi si Keith, niyakap ko siya kasi dama ko yung sincerity niya. He looked so shy, and fragile.

Nang kumalas ako sa pagkakayakap sakanya, agad niyang hinawakan ang kamay ko. He looked directly into my eyes. "I'm sorry for being a jerk. Sorry kung tarantado ako. Kung natatarayan man kita noon. I'm afraid to show my true feelings." Napayuko kaagad si Xander nang sabihin niya yun.

Bahagya siyang napatawa, "Naalala ko nung first day of school, you asked for a specific room. The moment I saw you, iba na kaagad yung naramdaman ko. I guess kaya ako laging badtrip sayo, kaya lagi kitang natatarayan because I'm afraid to develop this kind of feeling for you."

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon