mpyasgd 1

6.8K 385 909
                                    

SPECIAL CHAPTER 1




CARMILLE's POV

Nakatambay lang ako sa may lobby dito sa airport. Medyo sumasakit na ang ulo ko sa kakaupo dito at isama mo pa diyan yung kagutuman ko. Ewan, kakain ko lang kanina pero gutom na naman ako. Eh paano, hindi matino ang eating sched ko dahil sa trabaho sa ospital. Sarap magresign kaso mawawalan ng chix na doctor doon. Huehue aangal diyan, ooperahan ko hanggang mamatay dejk.

Halos mag-iisang oras na akong naghihintay dito. Utang na loob! Yung totoo nakasakay sa eroplano o sumakay sa parachute? Bat ang tagal naman yata? Nababadtrip na ko. Beastmode na ko! Don't me!

Tumingin ako sa flight board, check ko lang kung nakalanding man lang ba yung sinasakyan nilang eroplano dito sa lupain ng Pinas. Mamaya niyan na-ambush pala ng mga uwak sa langit, o edi wow di ba. Busy'ng-busy ako sa kakatingin nang biglang may tumawag sa akin.


"Carmille!"


Agad naman akong napalingon. Nang makita ko siya agad akong napangiti. Sinalubong ko siya at niyakap habang tumatalon-talon. Oo, sige na. Kami na muntanga.

"How're you? God, I missed you, janitor fish!" bati niya sa akin habang kinukurot ang braso ko. Kingina feeling close? Dejk.

"Eto, maganda pa rin naman ako. Ikaw? Malansa pa rin ba?" natatawa kong asar sakanya.

"You're so mapangasar pa rin talaga!" sabi niya saka lalo akong kinurot. Namumuro na sa akin 'to.

"Saan si Mint?" tanong ko.

Napangiti naman siya sa akin tapos may tinuro sa likod niya, "There. With his dad."


Abot-tenga naman ang mga ngiti ni Kuya Johann habang nakasakay sa balikat niya si Mint, ang 6 years old kong pamangkin. Papalapit sila sa amin, habang ang katulong naman nila ang nagdadala ng ibang gamit.

"Carms! I miss you, princess!" sabi ni Kuya saka ako niyakap ng mahigpit. Ibinaba niya saglit si Mint tapos inikot-ikot ako habang niyayakap ako. Pag ako nahilo, may masasagasaan sa runway ng airport. Taga niyo yan sa bato, guys.

"Mint, say Hi to your Tita Carmille." Utos ni Kuya kay Mint.

Nahihiya namang nag-wave sa akin si Mint, tapos lumapit na siya sa Mommy Vanessa niya at nagpakarga. Ilang taon na nanirahan sa South Korea sina Kuya Johann at Vanessa. Doon na nga din sinilang si Mint. Kilala naman ako ni Mint dahil na rin siguro sa advanced technology ngayon, lagi kaming magkausap sa skype o kaya kinukumusta ko si Kuya Johann. Sa abroad nagpakasal ang dalawa, at kailangan nilang magpakasal ulit dito sa Pinas para naman maka-attend na ako. Huehue

"Kumusta, Carms? Hayy. Na-miss kita." Sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.

"Okay naman ako. Ako pa ba papatalo sa buhay? Tsk. Nakausap ko sila Mama at Papa kanina, balak nilang umuwi din dito lalo na't nalaman nilang sinama mo sila Vanessa at Mint sa bakasyon mo dito."

"That's great. As much as possible, gusto kong makasama kayo sa buong pag-stay namin dito."

"Dapat lang! Miss na miss ka namin, noh!" sabi ko sakanya. Kumapit ako sa bisig ng Kuya ko saka lumabas na kami ng airport. "Yang isa kasi diyan sinosolo ka lang eh." Parinig ko kay Vanessa, nagmake-face lang siya sakin tas natawa.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon