Suga 47 - Ups and Downs

7.4K 367 446
                                    

47 - isa sa mga fastest updates ko so far. Oo, mabilis na 'to para sakin. Hahaha icongratulate niyo ko dali na hahahajk. read and keep the swaeg ❤️




CARMILLE's POV

"KEITH!" sabay-sabay na sigaw namin pero ni hindi man lang natinag si Keith, tumakbo siya paalis at ni 'di man lang namin alam kung saan siya pupunta.

Akmang susundan ko na din sana siya kaso pingilan ako ng mama niyang suungin ko ang malakas na ulan. Nagkatingin kaming tatlo--ako, mama ni Keith at ang papa niya.

Napabuntong-hininga nalang si Mr. Alferez at napahilamos ng mukha niya.

"I think its better if you rest tonight. Ako na ang bahala sa pagpapahanap kay Keith. And, hon, please ilang beses ko na bang sinabi sayo na kailangan mo din iconsider ang gusto ni Keith sa buhay--"

"I'm doing this for him, hon."

"Malaki na si Keith, he knows what he's doing. Wala ka bang tiwala sa sarili mong anak?"

"I trust him. But he needs someone to supervise him in his decisions!"

"He doesn't need supervision! He needs support from you, from us!" laban naman ng nanay ni Keith.

"I'm gonna drop this conversation. Tatawagan ko si Mr. Hwang na ipahanap si Keith, di pa nakakalayo 'yun. Night." cold na sabi ni Mr. Alferez. Isang seryosong tingin ang ibinigay niya sa akin, hindi ko kinaya ang mga tingin niya kaya dahan-dahan akong napayuko. Narinig ko ang mga yabag niya paakyat ng hangdan hanggang sa makapasok na siya ng kwarto niya.

Leshengina kasi ng Keith na 'yun, iwan ba naman ako dito! Nawitness ko pa tuloy ang sagutan ng parents niya. Napatingin ako sa bukas na pinto, umaasa na sana bumalik siya kaagad. Wow. Grabe. First meeting with the parents is a major epic fail. Tsk.

Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala sa mga nasabi ko. I'm really willing to leave him para lang sa kapakanan niya, isa pa alam ko ang value ng pamilya para sakanya. Sino ba ako para humadlang sa relasyon nilang pampamilya?

"Carmille?" tawag sakin ng Mama niya. "Come, let's have some tea. Anytime soon, mahahanap nila si Keith. And I'm sure, as long as alam niyang nandito ka sa bahay, babalik 'yun. So, don't worry okay?" isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin saka ako niyayang umupo sa may dining table.

"Uh, Mrs. Alferez, siguro po mas okay kung tutulong na lang din po ako sa paghahanap kay Keith." malumanay na sabi ko.

"No hija, stay here. Let them find Keith. Baka ikaw pa ang mapano diyan sa labas." sabi niya.

Syempre, hindi na ako natuloy. Alangan magpabebe pa ako, di ba? Umupo nalang ako saka salihan siya sa pag-inom ng tsaa. Tahimik lang kaming dalawa. Abala si Mrs. Alferez sa pagtetext, siguro kinocontact yung mga tauhan nila para hanapin si Keith. Halata ang pag-aalala niya sa anak niya dahil mukhang hindi siya mapakali. Syempre naman, anak niya 'yun di ba?

"So, hija, tell me. Kayo na ba ni Keith? For how long?" tanong niya out of the blue.

Naaks naman. Tanungan moments na ito. Kinakabahan tuloy ako.

"Uh, opo, kami po ni Keith." sabi ko. Teka, nahihiya ako enebe. "Paputol-putol po kasi ang relasyon namin ni Keith kasi ang daming nangyayari."

"Do you...really love my son?" personal niyang tanong.

Naku naman mommy ha! Sumama na nga ako sa anak niyo, iniyakan ko ng ilang litrong luha, handa akong igive up lahat para sakanya tapos itatanong niyo pa 'yan sakin? Repeat-repeat kayo ha!

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon