Suga 45.2 - Three Hearts

7.1K 350 521
                                    

45.2 #RUNwithBTS

Leshengina mo, ng gilagid mo at ng kulay bluish green (teal) mong buhok, Suga. Pakatapos mong magtatakbo, umuwi ka na ng bahay! yung mga anak natin hinahanap kana!! Puro ka lakwatsa, nambugbog ka pa? UWI! hEoL~ pero labyu bh3yBsZx




CARMILLE's POV


"Xander, teka!" sigaw ko

Kingina ng baklang 'to, ang bilis tumakbo kala mo naman nasa marathon. Pero syempre hindi ako sumuko, kailangan ko mag-sorry sa MAGIGING asawa ko.

Habang tumatakbo at hinahabol ko si Xander, narealize ko na, kailangang ko nang magsulat ng panibagong kabanata ng buhay ko. Kung tutuusin, mukhang tapos na ang lahat sa amin ni Keith maliban sa akin na umaasa pa rin sa wala.

Ngayon, hindi na ako napipilitang magpakasal kay Xander. Matutunan ko naman siyang mahalin, di ba? Makakalimutan ko naman si Keith, di ba? Di ba?

Humihingal akong tumigil sa kakatakbo nang makarating ako sa parking lot at nakita ko si Xander na sakay ng kotse niya at nagmamadaling umandar paalis. Wow ah? Ganun talaga ang buhay, biglang aalis yung mga taong importante sayo. Kaya kung gusto niyong mawala eyebags niyo, gawin niyo ding importante sainyo. Aalis din yan kasi walang poreber, niloko lang tayo ni Myungsoo sa instagram post niya. Hahahabye


Nakaramdam ako ng pag-vibrate sa may bulsa ko, cellphone ko pala.


1 message from: bwiSETH

Carmille, nasan ka? Lakwatsa tayo sa mall, dali na pls? Kasi 'tong si pandak niyayaya na naman ako mag-Sogo. Ayoko malaspag =/ reply asap


Napairap nalang ako sa kalandian nitong dalawa. Kunyare ayaw pero deep inside...ay ewan.


Message to bwiSETH

Kaartehan mo, gusto naman. -_- Kaulolan mo ah.

Sent!


1 message from: bwiSETH

:"> enebe~


1 message from: bwiSETH

WRONG SEND! YUCK EWW KADIRI KA CARMILLE AH! Sasamahan mo ko o sasamahan mo ko? beastmode na ko babe.


Wow ang ganda ng pagpipilian. Psh. As if naman may choices pa ako di ba? Tsaka yiee may 'babe' daw oh. Hahahalol Imbes na magkonsumisyon ako kakaisip kay Xander at ng sa amin ni Keith, mas mabuting samahan ko muna 'tong si Seth. Nakasalalay na naman ang virginity niya sa sitwasyon na 'to. Tinext ko siya kung saan kami magkikita at ang bilis lang um-oo ng gageu.


*****


11:32AM, Ice cream parlor.


Kasama ko si Seth. Obvious naman. Ang saya niya lang pramis kasi daw natakasan niya si Jace, tukmol talaga 'to. Sa labas kami ng store pumwesto tutal may mga umbrella-type naman na tambayan dun.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon