Suga 33 - Pink

8.2K 467 687
                                    

33

"Ay wag, ateng! Hindi bagay sa skin tone mo ang light blue! Mag-red ka nalang, tutal si Papa RED naman partner mo. Hihi."

Kanina pa ko naaasiwa sa boses ni Aikee. Kanina pa din ako nagugutom. Eh sa hindi ako nakapag-breakfast e. Inagahan ko pagpasok ko pero late yata si teacher. Kabadtrip.

Eto namang mga kaklase ko, hindi na natigil sa kakadaldal tungkol sa mga susuotin daw nila sa nararating na prom. Yung totoo? Excited much? Jusko nemen! Eh ang layo-layo pa nun, mga 4 days to go.

"Ikaw, Carmille? Anong color ng dress mo?" tanong sakin ni Leah, classmate ko din na may lahing chismosa sa katawan. Kung ako may kalandian, siya may ka-chismosa'han. Geh, 'yaan niyo lang.

"Ewan. Pink yata?" bored kong sabi sabay kopya ng notes kay Elize.

"No one's gonna wear pink."

Agad kaming napatingin sa pinto. Leshe, ayan na yung Stanville Army. Kakapasok lang. Nangunguna si Alferez at Red, nakabuntot sakanila yung iba. Ayos din ang mga 'to ah. Singit agad sa usapan namin.

Lumapit agad si Red kay Elize tapos hinalikan niya sa noo si Elize.

Napa-ismid naman ako sa kalandian nila.

"Jusko! Ang aga-aga, kelandi-landi agad! Echos niyo!" parinig ni Aikee dun sa dalawa, kaya kami naman napatawa. “Papa Shawn, landiin mo din ako ples?” sabay bat ng eyelashes kay Shawn.

Tangenang ‘to, dinamay pa ang Halo-halo ng buhay ko sa kakirihan niya.

Samantala, si Alferez naman lumapit sakin.

"Did I hear it right? Pink susuotin mo?" tanong sakin ni Keith.

"Siguro. Ano bang pake mo?" mataray na sabi ko sakanya.

“Pink is not swaeg.” Sagot niya.

So what? Edi hindi. Ke-arte mo, Alferez.

Eh kaso itong si Shawn crushy baby, sumingit sa usapan namin.

"Bro, bakit mo ba pinagbabawalan na magsuot si Carmy ng pink. Eh bagay naman yata sakanya." nakangiti nitong sabi, tapos kinindatan ako.

Huehue. Ikew telege, Shawn, pekeleg ke~

"Eh wala naman akong ipapartner sa pink dress niya. Besides, I hate pink necktie." maarteng sabi ni Keith.

Gulat naman si Shawn sa narinig niya.

"W-wait wait. What do you mean? I-ikaw ang partner ni Carmy sa prom?" naguguluhan at parang shock na tanong ni Shawn. Di siya naniniwala, actually di pala kapani-paniwala.

Lumapit si Keith sakin, pumwesto siya sa likod ko.

Saka ako niyakap.

Backhug.

Nakita ko kung paano naikuyom at napa-ismid si Shawn ng i-backhug ako ni Keith.

"Yep. Carmille's my prom date."

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon