Suga 58 - Surprise

6K 359 533
                                    

58



CARMILLE's POV

3 weeks later

Abala ako sa kakaayos ng papers ko, papasok na ako sa college ngayong school year. Balak kong kumuha ng pre-med course, Biology something. Matagal ko nang pinangarap na maging doktor. Dito ko nalang itutuon ang lahat ng oras ko.

Sumakay ako ng taxi saka nagpahatid sa eskwelahan na papasukan ko. Ngayon ang pasahan ng requirements at ngayon ding entrance exam. Kingina, mga bhe, di ako nagreview ni isa. Pero bahala na, pre-med course ko palang naman. Makakapasa ako. May tiwala ako sa kakayahan ng mga katabi ko—loljk, may tiwala ako sa stock knowledge ko. Sana nga lang wag akong i-stock nito sa college.

Pumasok na ako sa loob at pumunta sa may registrar's office, nakapila na ang ilang estudyante na makakasabay ko sa pag-exam. Bahala na si Batman talaga. Nung ako na, binigay ko naman kaagad ang papeles ko. Binigyan nila akong testing number, at binigyan ng direksyon kung saan ang testing center.

Napabuntong-hininga ako bago pumasok sa testing center.

Bagong kabanata ito ng buhay ko. Sana walang mang gulo—

"CARMILE!"

Kakasabi ko lang e. Anyway, napatingin naman ako sa tumawag sa akin. At tumambad lang naman po sa akin si Shawn. Niyakap ako ng mokong, kulang nalang i-dawn zulueta niya ako. Ginaya niya ako papasok ng testing center. Medyo marami nang estudyante sa loob.

Dito din pala mag-aaral ang alien na 'to—at pati buong Stanville Army.

Napaawang ang bunganga ko ng mapansin na kumpleto nga ang Stanville Army sa loob. Si Red, Xander, and JEth couple, Alexis...at si Keith. Saglit kaming nagkatinginan ni Alferez, ako nalang yung umiwas ng tingin.

"Anong kukunin mong course, Carmilita ko?" tanong sakin ni Shawn. Umupo ako sa upuan at nilagay sa likod ko yung gamit ko.

"BS Biology. Ikaw?"

"BS scene major with you. Hahaha—aw aray ko, j-joke lang. I'm just a kid." Agad ko lang naman na kinurot ang pisngi niya. Kung anong kababalaghan na naman iniisip ng isang 'to. "Business kukunin kong course, syempre."

Umupo si Shawn sa tabi ko. Di nagtagal pumasok na ang magcoconduct ng test sa amin. Nagdistribute na siya ng test paper, answer sheets, pati testing ballpens and pen. Nagsimula na din kaming sumagot. Meron lang kaming apat na oras para tapusin ang exam namin. Sa sunod naman na linggo malalaman ang result kung nakapasa ba kami o hindi.

Sina Aikee at Elize? Nasa kabilang school sila. Dentistry ang kukunin ni Elize habang Fine Arts naman ang trip ni Aikee. Gusto ko din sanang sumama sakanila kaso wala namang ino-offer na Biology dun, kaya dito nalang ako.

Kung tatanungin niyo ako tungkol sa amin ni Keith, okay naman. Masasabi kong okay. Kahit na medyo nagsstruggle pa rin ako sa pagmomove on, nakakayanan ko pa naman. Buhay pa ako. Hindi naman oxygen si Keith kaya eto, buhay pa naman ako kahit wala siya. Wag kayong OA.

Oo, mahirap mag-move on. Siguro ilang araw akong ngumawa sa bahay, ilang tissue ang sinayang ko, sipon, luha, uhog—you name it, lahat sinayang ko. Nakailang gallon na din ako ng ice cream kaya pakiramdam ko tumaba ako samahan mo pa ng pagkain ko ng fries o di ba? Lafangan na dis.

Matapos ang apat na oras, nauna na akong nagpasa ng papel. Binigyan ng 30 minute exam extension yung mga tapos—sina Shawn, Seth at Alexis. Unang lumabas si Keith na hindi man lang lumingon sa amin at diri-diretso nang lumabas. Nagpaalam ako kay Shawn na mauuna na ako.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon